Gianna Dyson
Pagkatapos ng paglalandian namin ay naglog out na ako.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para makapagluto. Malapit na rin kasing mag gabi. Habang nagluluto ako ay bigla sumigaw si Cess.
"Giiiiiaaaaaaaa!!" sigaw niya. Lumabas siya sa kwarto at dali daling tumakbo papunta sakin.
"Nakita mo na to?" pakita niya sa profile picture ni Slate ngayon lang.
"Oo" sabi ko.
"Ang sweeeeeet!" tili niya. "Pano ba magkaroon ng isang Slate Ajax sa buhay ko? Jusko pahingi naman po kahit isa" pagdadasal niya.
"Isa lang ang Slate Ajax sa mundo" sabi ko.
"At sayo pa! Kyaaaah!" tili niya ulit.
"Pwede ba?! Tigilan mo yang kakatili mo?! Ang sakit sa tenga!" irita kong sabi.
"Sorry naman po, porket nagkaboyfriend mas sumungit na" nakangusong sabi niya.
Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy nalang sa pagluluto. Pagkatapos kong magluto ay kumain na kami ni Cess. As always, siya ang maghuhugas ng plato at ako naman y agad dumeretso sa kwarto. Pag upo ko palang sa kama ko ay agad na nagvibrate ang cellphone ko.
Love Calling...
Sinagot ko naman ito kaagad.
"Oh?" sabi ko pero walang umasagot ang ang tahimik. "Huy" sabi ko ulit pero nanatiling tahimik. "May problema ba?" tanong ko.
"Wala" sagot niya. "Gusto ko lang marinig ang boses mo" sabi niya.
"Ang corny mo" sabi ko at bahagyang tumawa.
"Mahal mo naman" sabi niya.
"Tss. Oo na" sabi ko.
"Kumain ka na ba?" tanong niya.
"Oo ikaw?" sabi ko.
"Tapos na" sabi niya. "Sige matulog ka na. Wag kang magpupuyat ha? Di porket si Marceline ka eh hindi ka na matutulog sa gabi" sabi niya at tumawa.
"Puro ka kalokohan" sabi ko pero tumawa rin sa huli.
YOU ARE READING
Having You
Teen FictionAng akala ko ay tatanda akong mag-isa. Wala naman talaga akong balak magkaroon ng makakasama sa buhay nang biglang makilala ko ang isang taong magpapabago sa desisyon ko. Pero desisyon ko nga lang ba ang magbabago? O pati buhay ko? Does having you i...