Chapter 11

1 0 3
                                    

Gianna Dyson


"Ayoko nga" seryosong sabi niya habang magkalapit parin ang mga mukha namin. Ang husky ng pagkasabi niya nun. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam bakit ang bilis nito na para bang aatakihin na ako sa puso.

"M-masyado ka ng malapit S-slate" halos pabulong ko ng sabi. Mas nagulat pa ako nang mas lumapit pa siya kaya mariin akong napapikit. Kung dito na makukuha ang first ko hindi ko na talaga alam tangina. Naramdaman ko ang pagdikit ng noo namin kaya binuksan ko ang mga mata ko. Nakatitig parin siya sakin ng seryoso.

"Bakit, naiilang ka ba Gia?" sabi niya. Jusko parang mahihilo na ako sa sobrang husky ng boses niya! Dukutin ko kaya ang lalamunan ng lalaking 'to?

"M-marami kasing t-tao" bulong kong sabi. Nakahinga naman ako ng maluwag nang lumayo sa siya sa akin.

"Bibili lang ako ng pagkain" sabi niya habang nakangiti. Yung ngiting yun. Hindi siya ngiting nakakaloko pero totoo siyang ngiti. Hinawakan ko ang dibdib ko at mabilis parin ang tibok ng puso ko. Ano ba to? May sakit ba ko? Magpacheck up nga ako mamaya tangina baka nagloloko ang ko.

Bumalik siya na may dalang nakaplastic na softdrink at malaking piatos.

"Salamat" sabi ko ng iabot niya ito sakin. Umupo naman siya sa tabi ko at kumain lang kami ng tahimik.

"Alam mo ba, na ipinatayo daw ito ng may ari ng mall para sa asawa niya?" pagbabasag niya sa katahimikan.

"Talaga? Itong buong mall?" tanong ko habang ngumunguya.

"Oo, pero ito lang garden ang pinagtuonan niya ng pansin" sabi niya kaya napalingon ako.

"Bakit ito lang?" tanong ko.

"Kasi ito daw ang pinakagusto ng asawa niya. Mahal niya kasi ang kalikasan" paliwanag niya.

"Sino ba namang hindi magmamahal sa kalikasan? Ito na ata ang pinakamagandang nilalang sa lahat ng nakita ko" sabi ko.

"Oo nga naman, except nga lang sa mga naninira ng mga ito" sabi niya.

"Mga putanginang yan" mura ko. "Wala ng magawa sa buhay at ang pinakamagandang nilalang pa sa mundo ang pinagdidiskitahan" sabi ko.

"Hahahahhahaha" tawa niya.

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

"Yang mukha mo, galit na galit ka na talaga sa mga yun" sabi niya.

"Tsk tangina nila" mura ko nalang.

Nagstay lang kami dun ng mga ilang oras dahil sobrang nagagandahan ako sa paligid. Maya maya naman ay binasag niya ang katahimikan sa pagitan namin.

"Anong gusto mong puntahan Gia?" tanong niya.

"Okay na ko dito" sabi ko.

"Anong lugar ang pangarap mong puntahan?" paglilinaw niya sa kanyang tanong.

"Mt. Mayon" sabi ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Nagagandahan ako sa kanya" sabi ko. "Eh ikaw, anong lugar ang pangarap mong puntahan?" tanong ko.

"Chocolate Hills" sabi niya naman.

"Bakit?" tanong ko ulit sa kanya.

"Nagagandahan din ako sa kanya" paggaya niya sa sinabi ko kanina.

"Alam mo pabibo ka" sabi ko.

"Alam mo ang dali mong mapikon" paggaya niya sa tono ng pananalita ko. Pero hindi pa ako nakakapagsalita ay nag vibrate na ang cellphone ko at hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag at sinagot ko na ito.

"Oh?" sabi ko.

"Jusko salamat po at hindi niyo pa siya kinuha sakin" sabi sa kabilang linya.

"Ano bang pinagsasasabi mo Cess?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Nasan ka ba magaling kong bespren ha?! Hindi ka nagrereply sa mga text ko! Papatayin mo ko sa pag alala Gia!" sigaw niya.

"Nasa mall" sabi ko.

"San banda?" tanong niya.

"Sa garden" sagot ko.

"Hintayin mo ko jan! Nanggigigil ako sayo, bye!" sabi niya saka binaba. Tinignan ko naman ang cellphone ko at 20 messages ang natanggap ko galing lahat kay Cess.

"Pupunta siya dito?" tanong niya.

"Oo" sabi ko.

"Edi hindi nato date, tss" irita niyang sabi.

"Fake date Slate, fake date" pagtatama ko sa kanya.

"Date parin" sabi niya.

"Iba ang fake sa totoo okay? Nagpapanggap lang tayo dito" irita kong sabi. Teka ba't ba ako naiinis na fake lang to? Ba't parang gusto ko ng tot--hindi Gia! Fake lang to! Walang seryosohan! Hindi to magiging totoo!

"Okay" sabi niya nalang. Teka ba't parang nag-guilty ako? Totoo naman ah? Nagpapanggap lang kami dito. Tangina ba't ba ako nalulungkot sa mga pinag iisip ko?! Nakakainis na tong nangyayari sakin ah!

Hinintay nalang namin si Cess at nanatiling tahimik. Nang makita na niya kami at nakita na namin siya ay dali dali siyang tumakbo papalapit samin.

"Ano bang ginagawa niyo dito ha? Wala bang klase?" tanong ni Cess pagkarating niya samin.

"Wala naman daw papasok na mga teachers sa kani-kanilang mga classrooms" walang emosyong sabi ni Slate nang hindi tumitingin kay Cess.

"Teka LQ na naman ba kayo?" tanong ni Cess. Naalala kong hindi ko pa pala nakwento kay Cess ang tungkol sa peke naming relasyon ni Slate.

"Umupo ka sa tabi ko" utos ko at sumunod naman siya kaagad.

Kinwento ko sa kanya ang lahat tungkol sa fake relationship namin ni Slate at kung pano at kailan ito nagsimula.

"O...M...G" panimula niya pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. "Anong bang kalokohan itong pinasok niyo?!" sabi niya.

"Pwede ba? Wag kang oa fake lang naman. Tsaka ayoko ng manghingi ng pera kay papa, magiging pabigat lang ako" sabi ko.

"So ito ang tinatrabaho mo? Hindi to trabaho Gia! Hindi!" sigaw niya.

"Alam ko Cess, pero ito nalang ang pinakamadaling paraan" sabi ko.

"Hay, wala naman akong magagawa, andyan na eh" sabi niya. "Pero ang dapat niyo nalang gawin ngayon ay magpanggap ng hindi kayo nahuhulog sa isa't isa" pahabol niya.

"Di yan" chill ko lang sabi at sabay pa kami ni Slate.

"Sabi niyo eh" sabi ni Cess habang nakangiti ng nakakaloko.

"Di nga" sabay ulit naming sabi ni Slate.

"Sabi niyo nga diba? Ano ba?" sabi niya. "Masyadong defensive" bulong niya pero narinig naman namin ni Slate.

"Alam mo Cess, kung wala ka ng matinong masabi umalis ka nalang" sabi ko.

"Ouch, ganyan ka na ba talaga sakin Gia? Parang hindi mo ako bestfriend ah?" pag iinarte niya.

"Tigil tigilan mo ko dyan sa pag iinarte mo Cess ha. Sinisira mo araw ko" irita kong sabi.

"Gia?" boses ng lalaki sa harapan ko kaya tinignan ko kung sino ito.

hope you like this guys!
-shannah_mae

Having YouWhere stories live. Discover now