Gianna Dyson
Habang tinitignan ko siya papalayo sa akin ay unti unti ng bumuhos ang luha ko. Gusto ko siyang habulin kasi kapag hindi ko ginawa ay hindi na siya babalik sakin. Pero hindi ko ginawa.Nanatili lang ako sa aking pwesto. Buti na lang at wala masyadong tao dito.
"I'm so sorry Slate" bulong ko habang umiiyak. Napaupo ako sa ilalim ng puno at niyakap ang mga binti ko at umiyak.
Nang maubusan na ako ng luha ay huminga ako ng malalim at umuwi.
Pagdating ko sa apartment ay para akong hindi nakakain ng ilang taon sa sobrang lamya.
"Kamusta? Okay na ba kayo ni Slate? Alam na ba niya?" bungad sakin ni mama kaya napahinto ako. Nakakunot ang noong tinignan ko si mama.
"Anong pinagsasabi mo ma? Wala na kami" walang gana kong sagot at nagpatuloy sa paglakad.
"ANO!?" sigaw nina mama at Cess.
"Wala na kami! Pwede ba!? Wag niyo muna akong kulitin!" irita kong sabi.
"Akala ko ba gagawin mo ang dapat mong gawin!? Ba't umabot sa hiwalayan anak!?" tanong ni mama. Inis ko naman silang nilingon.
"Oo nga!? Gagawin ko ang dapat kong gawin at yun ang hiwalayan si Slate!" sigaw ko at dumetso agad sa kwarto ko at nilock ang pinto. Agad kong niyakap ang unan at umiyak ng umiyak.
***
2 years later.
Dalawang taon. Dalawang taon na rin ang lumipas nang maghiwalay kami ni Slate. Ang taong minahal ko ng sobra sobra. Pero pinakawalan ko. Kung tatanongin niyo ako kung ano ang nangyari matapos ang paghihiwalay namin ni Slate?
Halos araw araw ay wala akong ganang kumain. Para akong kinuhaan ng kaluluwa. Parang wala ako sa sarili ko. Ni wala akong ganang pumasok araw araw.
At ang tungkol sa sakit ko? Maswerte pa ako at hindi pa ganong sobrang lala. Sa isang araw inaatake ako ng isang beses, minsan nga dalawa. Kaya ayun, lumipat si Reice sa school na pinag-aaralan ko para bantayan ako. Request kasi yun ni mama at sumang ayon naman si Reice at ang magulang niya.
At si Slate? Ewan. Sabi nila nasa UK na daw siya at doon nag aral. Pagkatapos naming maghiwalay ay wala na kaming komunikasyon sa isa't isa. Wala na rin akong masyadong balita sa kanya.
"Okay ka lang?" tanong ni Reice.
Nang mag 2nd year college na ako, dito na lumipat ng skwelahan si Reice.
"May masakit ba sayo Gia?" tanong naman ni Cess. Simula nun ay kaming tatlo na ang magkakasabay na pumasok.
"Okay lang ako" sabi ko.
"Oh my god! Talaga?" hindi makapaniwalang sabi nung mga babaeng magkakaibigan.
"Oo! Nakita ko ang sasakyan niya sa parking lot!" sabi nung isa.
"Akala ko ba nasa U-"
"Girls! Omg!" sigaw ng babae habang nakatingin sa isang direksyon.
Nagsitakbuhan naman ang mga babae at hindi makapaniwala ang kanilang mukha.
Titignan ko na sana kung ano ang pinagkakaguluhan nila nang tawagin ako ni Cess.
"Gia! Dito ang classroom niyo ni Reice!" sigaw niya kaya naglakad na ako papalapit sa kanila.
Magkaklase kami ni Reice habang si Cess ay nasa katabing building lang namin.
"Oh pano? Una na ako sa classroom ko ha? First day na first day, late ako" sabi niya kaya tinanguan ko siya. Si Reice naman ay nakatitig lang sa kanya at nakita kong parang naiilang si Cess sa titig ni Reice. Tumalikod agad si Reice upang pumasok sa classroom at si Cess naman ay mabilis na lumayo sa amin.
Pumasok ako ng classroom at umupo ako sa pinakalikod sa tabi ng bintana, si Reice naman ay nakaupo sa harap ng inuupuan ko. Yun nalang kasi ang vacant sa row namin. Sa kabilang row naman ay may isang vacant na upuan na malapit din sa bintana.
"Oh my god" react ng babaeng katabi ni Reice.
"Anong meron?" tanong ng pinsan ko sa babae ngunit hindi siya nito sinagot at nakatitig sa kung sino kaya tinignan ito ni Reice.
Tumingin rin ako sa tinitignan nilang lahat at bigla akong nanigas. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad siya papunta sa bakanteng upuan sa kabilang row.
Slate...
Pagkaupong pagkaupo niya ay lumingon siya sa akin. Napalunok nalang ako dahil sa lamig ng titig niya sakin. Umiwas agad ako ng tingin at doon ko lang napansin na ang bilis na ng paghinga ko.
Nabigla ako ng bigla akong hilahin ni Reice palabas. Nang makapunta kami sa pinakamalapit na lugar kung saan walang taong makakakita sa amin ay agad kong kinuha ang inhaler ko.
"Akala ko ba nasa Uk na siya?" tanong ni Reice.
"Ewan ko Reice" sabi ko matapos habulin ang paghinga ko.
"Okay ka lang?" tanong ni Reice.
"Okay na ako, salamat" sabi ko at bahagyang ngumiti.
Pumunta kami sa classroom at naabutan namin ang isang matandang lalaki na nakatayo sa teacher's table. Napahinto kami ni Reice sa pinto at tumingin naman ang lahat sa amin.
"Good morning sir, I'm sorry were late-"
"San kayo galing?" striktong tanong nung matandang lalaki kaya napalunok ako.
"Library po, sir" palusot ko.
"Ang aga aga naglalandian kayo sa library" matigas na sabi nung matanda. Nagtawanan naman ang mga kaklase namin. Agad na uminit ang dugo ko pero nanatili nalang akong tahimik.
"Hind-"
"Sit down!" galit na sabi nung matanda.
Umupo kami ni Reice sa aming upuan ng tahimik. Tumingin ako sa lalaking ngayon ay nakangisi sa akin. Yung ngising nang-iirita. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya. Slate Ajax.
Nagsimulang magsalita ang matandang lalaki. Siya si Mr. Frederico Agape, ang adviser namin. 56 years old na siya. Ayaw niya daw sa mga late comers at mga madaldal sa klase. Natapos ang klase ni sir Fred at pumasok susunod na prof.
Nang maglunch na ay pumunta kami sa canteen ni Reice at nandun na rin pala si Cess.
"Kamusta first day?" nakangiting tanong sakin ni Cess. Nanatili lang akong tahimik kaya nagtaka siya.
"Kaklase namin si Slate" sabi ni Reice. Lumaki naman ang mukha ni Cess.
"What!? S-s-si Slate!?" namumutlang sabi niya.
"Oo" sabi ni Reice.
"Pwede naman sigurong magpalit nalang kayo ng room diba?" tanong ni Cess.
"Hindi na pwede" sabi ni Reice.
"Eh pano na yan?" alalang tanong ni Cess.
"Di, okay lang" pilit ang ngiting sabi ko.
"Sure ka?" paninigurado nilang dalawa.
"Oo nga" sabi ko.
Pagkatapos naming maglunch ay nagpaalam na sa amin si Cess. Tatayo na sana ako ng biglang magsalita si Reice.
"Gia, may kukunin lang ako. Sa kabilang building pa kasi yun eh. Kung pasasamahin kita baka mapagod ka lang" paalam niya sakin.
"Sige, okay lang. Kaya ko naman eh" sabi ko sabay tango.
Nagsimula na akong maglakad mag isa. Nakayuko lang ako habang naglalakad. Papaliko na sana ako sa direksyon ng classroom namin ng may nabangga ako.
YOU ARE READING
Having You
Teen FictionAng akala ko ay tatanda akong mag-isa. Wala naman talaga akong balak magkaroon ng makakasama sa buhay nang biglang makilala ko ang isang taong magpapabago sa desisyon ko. Pero desisyon ko nga lang ba ang magbabago? O pati buhay ko? Does having you i...