Chapter 18

8 0 8
                                    

Gianna Dyson

"Uy Gia tara na uwi na tayo, gabi na rin" sabi ni Cess at makapal ang mukhang pumasok sa kwarto ni Slate.

"Sino bang nagsabi sayo na pumasok ka sa kwarto ko?" nakataas ang kilay na tanong ni Slate kay Cess.

"Lah, wala namang nakalagay na bawal ako sa kwarto mo ah?" nakangusong sabi ni Cess at parang naiiyak na.

"Bakit ka umiiyak?" supladong tanong ni Slate. Konti nalang at matatawa na ako sa kanila.

"H-hindi naman ako u-umiiyak" sabi niya at nag iwas ng tingin. Halata naman na namamasa na ang mata niya. Teka ba't ba siya naluluha? Anong meron sa kanya ngayon?

"Uy joke lang wag ka ngang umiyak" sabi ni Slate at nilapitan si Cess. Pinalo naman ni Cess si Slate sa balikat at tuluyan ng tumulo ang mga luha.

"Bakit ka ba umiiyak Cess? Dati naman hindi ka umi-" naputol ang sinabi ko dahil sumingit na siya.

"Sorry, nag acting kasi kami ni Annitha kanina. Iiyak sana ako kaso hindi natuloy kasi gabi na kaya hinanap kita. Dito tuloy tumulo ang luha ko" paliwanag niya.

"Hindi naman mahilig si Annitha mag acting" siguradong sabi Slate. Imbis na sumagot si Cess ay sinarado niya ang pinto at umupo sa kama at umiyak.

"N-nakausap ko si A-annitha. K-kinwento niya s-sakin ang tungkol sa s-sakit niya" iyak niya paring sabi. Natahimik nalang kami ni Slate. "A-ang lungkot lang nang marealize mo na, sa likod ng pagiging masayahin niya ay may tinatago siyang lungkot at takot" hagulgol niya. Hindi ko namalayan na natulala na pala si Slate habang nakikinig at may mga luhang tumulo sa kanyang mata.

"S-sinabi ba niyang n-natatakot siya?" malungkot na tanong ni Slate. Tumango naman si Cess.

"Pero k-kakayanin niya daw k-kasi ayaw niyang m-mag alala ang mga taong m-mahal niya" malungkot ding sabi ni Cess. Sa sinabi ni Cess ay parang naninikip ang dibdib ko. Hindi ko rin namalayan na may tumulo ng luha sa isa kong mata. Napansin naman ni Cess na parang hinahabol ko na ang hininga ko pero hindi ito napansin ni Slate.

"A-ahh Slate, mauna muna kami" sabi ni Cess at dali dali akong hinila. "Sorry Slate, naalala ko na pupunta pala si tita sa apartment ngayong gabi kaya mauna na kami" sabi ni Cess.

"Hatid ko na kayo" sabi ni Slate at hahakbang na sana pero pinigilan siya ni Cess.

"Huwag na! Magdidinner date daw kasi kami sabi ni tita, kaming tatlo lang. Alam mo na? Bonding bonding ganun. Pasensya na" sabi ni Cess at agad nag abang ng taxi.

"Okay" sabi ni Slate at humarap sakin. Kinagat ko naman ang labi ko para mamula dahil namumutla na ako. "Ingat Love okay? I love you" sabi niya at hinalikan ako sa noo. Buti nalang sa noo!

"I-i love you too" sabi ko. Jusko! Ba't ngayon pa! Magsasalita na sana si Slate pero nakapara na ng taxi si Cess.

"Sige salamat Slate! Paki bye nalang din kay Annitha ha? Byeeee!" sabi ni Cess at agad na pumasok. Hinila din naman niya ako agad.

Nang masiguro namin na hindi na kami makikita ni Slate ay agad kong kinuha ang inhaler sa bag ko.

"Gia naman eh! Ba't ayaw mo pa kasing sabihin kay Slate ang totoo!?" nas-stress niyang tanong.

"Salamat Cess" sabi ko ng maging okay na ang pakiramdam ko.

"Gia naman oh! Hindi sa lahat ng oras mapagtatakpan kita! Malalaman at malalaman din ni Slate ang totoo!" alalang sabi niya.

"Kaya nga hihingi ako ng pabor sayo. Kung maaari ay hindi ka muna magsasalita hanggat wala pang nalalaman si Slate" sabi ko.

"Gia naman eh! Pinapahirapan mo lang ang sarili mo kahit may madaling paraan naman jan!" disappointed niyang sabi.

"Please?" sabi ko habang nagdadasal na sana pumayag siya.

"Tsk! kainis ka naman eh!" sabi niya.

"Hay, sige oka-" naputol kong sabi.

"OO NA! OO NA! PARA NAMANG MAY MAGAGAWA PA AKO!" irita niyang sabi.

"Salamat" nakangisi kong sabi.

"Sa isang kondisyon" sabi niya.

"Tsk. Ano ba yun?" tanong ko.

"Pa check up tayo ngayon" sabi niya. Magsasalita na sana ako nang magsalita siya ulit. "Ops! Wala ka ng magagawa! Yun ang kondisyon!" sabi niya kaya tumahimik nalang ako.

Nagpacheck up nga kami ni Cess. Naghintay lang kami sa doktor para malaman ang resulta. Nang dumating na ang doktor ay nagsalita na siya agad.

"Gia, hindi biro itong sakit mo. Palala na ng palala" sabi ng doktor. Nalungkot naman ako sa kanyang sinabi.

"Hindi ka pwedeng mapagod Gia at lalong lalo na ang mastress" sabi ng doktor.

"Eh doc, kakayanin niya pa bang pumasok sa school?" tanong ni Cess. Nagtaka naman ako sa tinanong niya. Asthma lang naman to.

"Oo naman. Pero iwasan lang niya ang mapagod at mastress sa school at sa mga tao" sabi ni doc.

"Ano po ba ang mangyayari kung mastress siya or mapagod?" tanong ulit ni Cess.

"Maaaring mas lumala pa ang sakit niya at posibleng hindi na siya magkakaroon ng normal na buhay" sabi ni dok.

"Ano pong ibig niyong sabihin sa hindi na siya magkakaroon ng normal na buhay?" tanong ni Cess.

"Well, hindi na siya pwedeng mag aral. Kailangan lang niyang nasa bahay parati at magpahinga na parang pasyente" paliwanag ni doc. Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ang sinabi ni doc.

"Ahh sige po, maraming salamat po doc" sabi ni Cess at tumayo. Tumayo rin ako at nagsalita.

"Sige doc, maraming salamat" sabi ko.

"Walang anuman. Magpagaling ka hija" sabi naman ni doc. Ngumiti ako at tumango.

Lumabas kami at sumakay ng jeep. Tahimik lang kami ni Cess nang biglang magvibrate ang cellphone ko.

Love Calling...

"Hello?" sabi ko.

"Nasan ka?" malambing niyang tanong.

"Ahh.. may binili lang kami saglit ni Cess sa mall" palusot ko.

"Sana nagpasama nalang kayo sakin" sabi niya.

"Ahh sorry, biglaan din kasi" sabi ko nalang.

"Pag uwi mo kumain ka na ha?" malambing niyang sabi.

"Oo. Ikaw din" sabi ko nalang.

"I love you Marceline" malambing niya ring sabi. Napangiti naman ako sa tawag niya sakin.

"Love you too" halos pabulong ko ng sabi at binaba ang cellphone ko.

Sorry kung hindi ko masabi sayo ang tungkol sa sakit ko Slate. Pero habang lumalala ako, ayokong pahirapan ka dahil hindi habangbuhay ay maitatago ko ito sayo.

AN:
Thank you sa mga nagbabasa nito at sa mga magbabasa pa nito. Promise ko po na tataposin ko ang story na to. Yun lang, thank you thank you thank you so much guys!! Love yaaah! ❤

Having YouWhere stories live. Discover now