Chapter 15

11 0 4
                                    

Gianna Dyson

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tinignan ko ang oras at late na naman ako.

Bumangon ako at agad na pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos ay kumain lang ako ng konti at tsaka lumabas. Nagulat ako nang makita si Slate na nakasandal sa kanyang sasakyan.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Sinusundo ang girlfriend ko" nakangiting sabi niya at diniinan ang salitang 'girlfriend'

"H-hindi mo naman kai-" putol kong sabi.

"Alam ko. Gusto ko lang gawin" sabi niya.

Hindi narin naman ako pumalag at pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagpasok niya ay nagsimula na siyang magmaneho.

"Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Ahh oo, pero konti lang" sabi ko.

"Tss. Love, you should eat alot" sabi niya.

"Oo na" sabi ko nalang.

"Tss" nalang ang sinabi niya.

"Ahh...Slate" nag-aalangan kong sabi.

"Hmmm?" sabi niya.

"Balak ko sanang...ipakilala kita sa p-parents ko" nakayukong sabi ko. Naramdaman ko naman hininto niya ang sasakyan at tumingin sakin.

"It's my pleasure love" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sakin at kitang kita sa kanya na ang saya saya niya. Nginitian ko naman siya pabalik bago magsalita.

"Mamayang uwian, okay lang ba?" tanong ko at nagpatuloy na siyang magmaneho.

"Oo naman" nakangiti paring sabi niya. Kitang kita sa kanya ang pagiging excited. Palihim nalang ako napangiti.

Pagdating namin ay agad kaming bumaba at sabay na pumasok sa classroom. Habang nagkaklase kami ay napapansin kong maganda ang ngiti ni Slate.

"Huy, ba't ka nakangiti jan?" bulong ko sa kanya.

"Masaya lang" nakangising bulong niya sakin.

"Bakit? Sa kakangiti mo para kang tanga" bulong ko.

"Akala ko hindi mo na ako ipapakilala sa magulang mo kaya magtatanong na sana ako" sabi niya.

"Pero nagulat ako kanina na ikaw pa ang nag imbita sakin" nakangiting sabi niya. Napayuko naman ako sa hiya.

"I love you" bulong niya. Nanindig naman ang mga balahibo ko. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sakin para ibulong yun. Damang dama ko ang hininga niya sa tenga ko.

"S-shh, baka mahuli tayo" nakayuko paring sabi ko.

"Eh ano naman? Mahal naman parin kita" nakangising bulong niya. Bumuntong hininga nalang ako.

Nang mag-lunch na ay sabay kaming kumain kasama si Cess.

"Talaga!? Omg!" tili ni Cess matapos kong sabihin na ipapakilala ko si Slate sa magulang ko.

"Tigilan mo ngang tumili Cess, nakakairita" irita ko talagang sabi pero mukhang wala siyang narinig dahil hindi niya ako pinansin.

"Halata namang hindi ka masaya at excited sa lagay mong yan Slate noh?" sabi ni Cess. Tinignan ko naman si Slate at sobrang ganda ng ngiti niya.

"Hahahaha" tawa nalang ni Slate. Nanindig ulit ang balahibo ko dahil sa tawa niyang yun. Ang.....sexy.

Pagkatapos naming mag-lunch ay nagsibalikan na kami sa aming classroom.

Having YouWhere stories live. Discover now