Gianna Dyson
Teka.....HUTA! so siya si Slate Ajax!? Yung nakabangga ko kanina, siya yung pinuputok ng bibig ng mga malalandi kong kaklase!?
"S-slate" namumutlang sabi ni Aria. Nagulat rin ako dahil hindi ko inaasahan na siya yung Slate na pinag aawayan namin.
"Yes I am, Why are you shouting? Don't you know that your voice are too loud that I can hear your voice 1 km away from here?" sabi niya at halos magdikit ang halos perpekto niyang kilay.
"S-sorry Slate" nakayukong sabi ni Aria.
"Tss" sabi nung Slate tsaka nilagpasan siya. Kung mamalasin ka nga naman oh, magkaklase pala kami, at kung mamalasin ka nga naman ulit, sa bandang likod nalang din ang available na upuan, in short, dito sa banda ko.
Deretso siyang naglakad papunta sa direksyon ko. Tatlo lang ang upuan dito sa likod kaya sa ayaw at sa ayaw ko, ayaw ko talaga pero either sa tabi niya ako or one seat part kami.
Huminto siya sa gilid ko at tinignan ko naman siya at tinaas ang isa kong kilay. Tinignan niya lang ako at saka umupo sa tabi ko. Malas nga talaga ako letche.
"Ikaw ba yung nakaalitan nila?" biglang tanong niya at tinutukoy sina Aria at ang alagad niya.
"Wala kang pakealam" i said coldly.
"Ahm, I'm sorry?" tanong niya na para bang hindi niya narinig ang sinabi ko.
"Just shut up" sabi ko nalang.
"Nagtatanong lang naman tsk" bulong niyang sabi pero rinig ko parin.
"Pwede bang manahimik ka nalang!?" sigaw ko sa kanya. Nakakairita na kasi eh! Kanina, mga malalandi, ngayon naman, madaldal!
"Problema mo Miss? Nagtatanong lang naman ako ah?!" sabi niya habang nakataas ang isang kilay.
"Wag ka ng magtanong! Nakakairita ka!" sabi ko at nanahimik naman siya.
Nagsimula na ang klase at sobrang boring, hindi nalang ako nakinig. Pagkatapos ng klase namin ay recess na pero hindi na ako lumabas dahil ayokong makipagsiksikan sa mga tao, ang gugulo!
"Hoy, since seatmate tayo, anong pangalan mo?" biglang tanong ng katabi ko.
"Seatmate lang tayo, hindi mo na kailangan pang malaman ang pangalan ko" sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Teka miss, may ginawa ba akong mali at ganyan ka kasungit sakin?" halos magdikit na naman ang halos perpekto niyang kilay.
"Tanungin mo kaya ang mga kaklase natin kung may ginawa ba silang mali sakin" sabi ko. Tumayo siya pero hindi ko naman pinansin.
"HOY! MAY GINAWA BA KAYONG MALI SA BABAENG KATABI KO?" sigaw niya kaya nabigla ako.
"Wala bro!" sigaw ng kaklase kong lalake.
"Eh ba't ang sungit nito?" tanong niya sa lalake.
"Masungit talaga yan sa lahat bro" pabulong na sabi nung lalake pero narinig ko naman. Seriously? ganun na ba yung bulong sa kanila?!
Tumingin sakin ang katabi ko habang nakataas ang isa niyang kilay at umupo.
"Ano?!" tanong ko at tinaas rin ang isang kilay ko. Tumingin naman siya sa harapan pero may ibinulong na dinig ko parin!
"Meron ata" dinig kong bulong niya.
"Anong meron!?" galit kong tanong. Alam ko naman talaga yung pinopoint niya, nanggigil na talaga kasi ako sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo dyan?!" nakataas na naman ang isa niyang kilay. Huminga nalang ako ng malalim upang kumalma. Tumingin nalang ulit ako sa labas ng bintana habang suot ang earphones at nag play ng music.
Nagsimula ulit ang klase pero hindi parin ako nakinig. Tulala parin ako sa labas ng bintana. Dalawang guro na ang pumasok pero at hindi parin ako nakinig sa kanila, wala namang pake ang mga teacher nato. Hindi ko namalayan na lunch na pala dahil nag-eenjoy ako sa soundtrip ko dito.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko bago lumabas. Nasa Canteen lang ako dahil dito kami nagkikita ni Cess tuwing lunch.
"Oh mukhang badmood ka ata ngayon ah?" sabi ni Cess pagkadating na pagkadating niya at umupo sa harap ko.
"Tsk" sabi ko nalang.
"Balita ko binungangaan ka na naman nung mga malalandi't mahaharot na yun ah?" tanong niya. Ang bilis naman kumalat ng putanginang scene na yun kanina?
"Pinaglihi sa machine gun eh" irita kong sabi.
"Hahahaha ano na naman bang ipinutok ng bunganga nila?" tanong niya. Nagsimula na rin kaming kumain.
"Eh sa hindi ko daw kilala yung tanginang Slate ano yun? Basta slate daw yun" sabi ko at halos magdikit ang aking kilay.
"SERIOUSLY GIA!? HINDI MO TALAGA SIYA KILALA!?" tanong niya habang nanlalaki ang mga mata na animoy gulat na gulat.
"Ngayon kilala ko na, classmate kami at katabi ko pa ng upuan. Ano bang meron sa putang Slate na yun?" sabi ko.
"Sik-" hindi niya naituloy ang kanyang sinabi dahil may tumawag sa kanya. Pagkatapos niya itong nakausap ay nagsalita siya.
"Una muna ako Gia, may summative daw kasi kami, biglaan at wala akong copy, sorry talaga maya nalang uwian bye!!" sabi niya at tumakbo.
Mag isa nalang akong kumakain pero may biglang nakatayo sa gilid ko.
"Wala ka bang kaibigan dito ni isa?" tanong ng pamilyar na boses ng isang lalake. Umupo siya sa harap ko. Tinignan ko ito at bahagyang nabigla, yung putanginang Slate!
"Wapakels" sabi ko nalang.
"Sungit" sabi niya.
Kumain lang kami ng tahimik. Halos kami nalang ang naiwan sa canteen. Tapos na kaming kumain ng bigla niya akong hilahin.
"T-teka nga! Ba't mo ba ako hinihila!?" sabi ko at pilit na inaalis ang kamay ko sa kamay niya.
"Late na tayo sungit, hindi mo ba nakikita na tayo nalang ang naiwan sa canteen?" sabi niya. Malapit na kami sa aming classroom. Hila hila niya parin ako. Pagpasok namin sa classroom ay naabutan naming nagkaklase na sila. Deretso lang kaming umupo sa aming upuan habang hawak hawak niya parin ang kamay ko. Pag upo namin nakatingin samin lahat ang mga kaklase namin.
"Omg ba't magkahawak sila ng kamay ni baby Slate ko?" gulat na sabi ng isa sa mga alagad ni Aria.
"Bitch" bulong ni Aria pero dinig ko parin. Tangina ano ba ang bulong sa kanila?! Napansin kong hawak niya parin ang kamay ko.
"Ahm...yung kamay ko? Pwede mo ng bitiwan" sabi ko dahil naiilang na ako pero hindi ako nagpapakita ng kahit na anong emosyon. Nabigla siya sa sinabi ko at binitawan niya naman ito.
"Sorry" sabi niya. Inirapan ko nalang siya.
Nagsimula na ang klase at ganun parin, hindi parin ako nakikinig, ang boring kasi talaga nilang magturo. May isa pang pumasok na guro pero wapakels parin ako. Uwian na kaya tumayo na ako at kinuha ang bag.
"Buong araw tayong magkatabi pero hindi ko pa alam ang pangalan mo" biglang sabi ni Slate.
"Slate Ajax" pagpapakilala niya ulit sa kanyang sarili ang naglahad ng kamay. Tinanggap ko nalang ito bago nagsalita.
"Gianna Dyson" sabi ko at binitawan ang kamay niya saka dumeretso palabas.
YOU ARE READING
Having You
Teen FictionAng akala ko ay tatanda akong mag-isa. Wala naman talaga akong balak magkaroon ng makakasama sa buhay nang biglang makilala ko ang isang taong magpapabago sa desisyon ko. Pero desisyon ko nga lang ba ang magbabago? O pati buhay ko? Does having you i...