Gianna Dyson
Nang makarating kami sa apartment ay agad kaming pumasok. Nagulat kami ni Cess sa aming nakita."Ma?" gulat kong sabi.
Nandito ang magulang ko! Minsan lang kasi silang bumisita pero hindi naman nila kami sinusorpresa ni Cess ng ganito.
"Anak" sabi ni mama at agad akong niyakap.
"Tito bat po kayo nandito?" tanong ni Cess.
"Binibisita kayo" nakangiting sabi ni papa. Kumalas naman si mama sa pagkakayakap sakin.
"Kamusta ka anak? Okay ka lang ba? Parati ka bang inaatake ng asthma mo? Hindi mo na ba kaya?" deretsong tanong ni mama.
"Ma, okay lang ako" sabi ko at umiwas ng tingin.
"Gia, yung totoo?" seryosong sabi ni mama. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.
"Palala na daw ng palala ang sakit ko, ma" malungkot kong sabi.
"Anak tumigil ka nalang kaya sa pag-aaral para makapagpahinga ka" sabi ni mama. Umiling naman ako.
"Hindi ma, ayoko. Pano kami ni Slate?" naluluhang sabi ko.
"Anak, ayaw mo namang ipaalam kay Slate ang tungkol sa sakit mo eh.." sabi niya. Alam ko na ang susunod na mangyayari.
Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko at tumakbo papunta sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto ng kwarto ko at umiyak sa kama.
Hindi na naman ako makahinga ng maayos kaya kinuha ko agad ang inhaler ko habang umiiyak parin. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makatulog na ako.
***
Gumising ako at ramdam ko agad ang bigat ng mata ko. Napuyat kasi ako sa kakaiyak kagabi. Hindi muna ako papasok ngayon dahil makikita ni Slate ang mugto kong mata, panigurado mag aalala yun. Chineck ko ang cellphone ko at nakita kong nagtext si Slate.
From: Love
Love? Nasan ka? May problema ba? May sakit ka ba? Kapag di ka nagreply pupuntahan kita jan agad.
Nireplyan ko naman siya.
To: Love
Pumasok ka. Okay lang ako. Kita tayo mamaya sa garden ng mall pagkatapos ng klase.
Tanging reply ko sa kanya.
Bumangon ako at naligo. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa baba para kumain.
"Anak" tawag ni mama sakin pagdating ko sa kusina. Kami lang ni mama ang nasa apartment.
"Morning" matamlay kong bati.
"Anak, sorry. Hindi ko naman sinasadyang masabi ang tungkol sa inyo ni Slate" sabi ni mama.
"Hindi ma, tama naman kayo. Gagawin ko ang dapat kong gawin" pilit kong ngiti at nagsimulang kumain.
"Pwede mo namang sabihin sa kanya anak para hindi ka na mahirapan" sabi ni mama.
"Pagkatapos? siya naman ngayon ang mahirapan? Ma hindi ko kayang makita si Slate na naghihirap lalo pa't may sakit din ang kapatid niya" sabi ko.
"Pero mas mabuti na ang alam niya" sabi ni mama.
"Pero hindi iyon makakabuti sa kanya, ma" sabi ko inubos ang pagkain ko.
Pumunta ako sa kwarto ko at umiyak ulit. Hindi na ako nag lunch dahil wala naman akong gana. Umiiyak lang ako buong maghapon.
Nang malapit ang oras ng uwian nina Slate ay nagbihis na ako. Tinakpan ko ng mabuti ang eyebags ko para hindi mahalata. Nagsuot lang ako ng plain white V-neck t-shirt, black pants at rubber shoes.
YOU ARE READING
Having You
Teen FictionAng akala ko ay tatanda akong mag-isa. Wala naman talaga akong balak magkaroon ng makakasama sa buhay nang biglang makilala ko ang isang taong magpapabago sa desisyon ko. Pero desisyon ko nga lang ba ang magbabago? O pati buhay ko? Does having you i...