Chapter 3

10 0 11
                                    

Gianna Dyson

"FIRST TIME! FIRST TIME NAGPAKILALA SI GIANNA DYSON SA ISANG LALAKE!"sabi niya na parang nakakita ng baboy na payat, uwak na puti at balyena na maliit.

"Eh ang kulit nung taong yun" sabi ko sabay irap. Naglalakad kami papunta sa apartment namin. Oo, nakatira kami sa iisang apartment. Pumayag ang mga magulang namin dahil matagal na kaming magkaibigan.

"Pero hindi mo sila pinapatulan kahit magkandarapa pa sila sa pangalan mo Gia" sabi niya na gulat parin.

"Walang nagkakandarapa sakin para lang makuha ang pangalan ko Cess" sabi ko. Nabigla naman siya sa sinabi ko.

"Ahw...wala pa nga... PERO FIRST TIME PARIN TO!" sabi niya at gulat ulit ang mukha at parang kinikilig pa.

"Eh ba't parang ikaw pa ang masaya?" tanong ko.

"Eh kasi naman po, sa tinagal tagal nating magkaibigan, ni isa wala ka pang sinabihan ng pangalan except sa magulang, kamag anak, at ako" sabi niya.

"Eh ba't ba ang big deal sayo?!"irita kong sabi.

"Kasi bago yun sayo!" masaya niyang sabi.

"Eh ano naman kung bago?" irita kong tanong.

"Ewan ko sayo Gia, basta masaya ako para sayo!" masaya talagang sabi niya. Inirapan ko nalang siya.

Nakarating kami sa apartment at ako naman ay pumunta agad sa aking kwarto at humiga sa aking kama. Nasa iisang apartment kami pero magkahiwalay na kwarto. Sakto lang ang laki ng room para saming dalawa.

Nag open ako ng facebook dahil trip ko lang. Yung profile pic ko ay si Marceline sa Adventure Time at ang cover ay lahat ng characters sa Adventure Time, yun kasi yung favorite ko simula pa nung bata ako.

Tiningnan ko lang ang Newsfeed ko at Notification, wala namang nagf-friend request sakin. Pero nabigla ako ng may isang nag friend request, tinignan ko ito at saka nagulat. Yung madaldal na Slate. Inistalk ko muna siya. Aaminin kong ang gwapo niya sa profile pic niya at cover, model ang gago. Ang dami niya ring friends at likes sa mga profile at cover pics. Ewan ko kung anong meron sa kanya ang nagtulak sakin para iaccept siya. Nabigla na naman ulit ako ng may mag chat.

Slate Ajax: Hoy may facebook ka pala? HAHAHA

Chat niya. Aba't ang bastos ng gago!

Gianna Dyson: Tanginamo!

Slate Ajax: Tangina mo rin Marceline! BWAHAHAHAHAHAH!

Gianna Dyson: Fvck you asshole!

Slate Ajax: Hey that's too much!

Gianna Dyson: It fits you hahaha!

Slate Ajax: Bitch!

Gianna Dyson: Thank you for that compliment asshole, my pleasure.

Biglang namatay ang phone ko kaya dali dali ko itong chinarge. Inopen ko ng phone ko at wifi. PUTA ANG HINA! Ini-off ko nalang ulit ang phone ko at humiga nalang sa kama. Naligo nalang ako at nagpalit ng damit. Lumabas ako ng kwarto para makapagluto ng ulam namin ni Cess. Lumabas na rin siya dahil naamoy na naman siguro niya yung luto kong adobong manok. Kahit naman boyish ako eh marunong din naman akong gumawa ng mga gawaing pambabae noh.

"ANG BANGOOOOOO!!" sigaw niya.

"Kailangan talagang sumigaw?" tanong ko.

"Ang sungit!" sabi niya at nagpout pa.

Having YouWhere stories live. Discover now