Gianna Dyson
Sinakay niya ako sa kotse niya. HUMMER tol! Hiyang hiya naman ako sa palakad lakad namin ni Cess.
"San mo ba ko dadalhin!? Kung may balak kang masama wag mo nalang ituloy! Wala kang maaasahan sakin!" sigaw ko sa kanya. Nagsimula na siyang magdrive.
"Wala akong balak sayo, sino bang magbabalak sayo?" sabi niya ng nakangisi. Aba'y gago pala tong kasama ko!
"San mo tinatago yang bunto't sungay mo ha!?" maangas kong sabi.
"Wala ako nun" nakangisi paring sabi niya. "Gwapo, talino at talent lang talaga ang meron ako, pasensya na" sabi niya.
"Alam mo, narinig ko ngayon lang na may bagyong paparating para tapusin ang mundo, BAGYONG SLATE daw" irita kong sabi.
"Hahahahaha" tawa niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"San mo ba talaga ako dadalhin ha Slate alyas gago?" naiinis ng sabi ko.
"Manghihingi lang ng tulong" sabi niya.
"Ba't ako!? Wala kang maaasahan sakin gago!" sigaw ko sabay turo sa sarili ko.
Pero hindi na siya nakapagsalita dahil nakita kong ipinasok niya ang sasakyan niya sa loob ng gate. May nakita akong mansyon kaya hindi na ako magugulat kung sa kanya yun, sasakyan palang big time na. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Kaya kong magbukas ng pinto ng kotse" cold kong sabi. Bahagya lang siyang tumawa. "Ano bang ginagawa natin sa mansyon mo?" nabobored ng sabi ko. Pero hindi na naman niya ulit ako sinagot dahil hinawakan niya na ako sa kamay at naglakad papasok sa mansyon.
"Wow" mangha kong sabi pagkapasok pa lang. Ang laki talaga! hindi aabot sa kalahati ng room namin ni Cess ang mansyon nato!
"Tara" hinila niya ulit ako. Nakarating kami sa may kitchen. Nabigla naman ako ng may makitang taong kumakain doon. Mga pamilya niya ata to! Tae anong ginagawa ko dito!? humanda ka talaga sakin mamaya Slate!
"Good morning" nakangiting sabi ni Slate sa kanila. Isang batang lalaki na mukhang hindi pa nag-aaral, batang babae na nasa mga elementary palang na siguro ay kapatid ni Slate at mga nasa 50 ang edad na magandang babae at gwapong lalaki, magulang niya ata.
"Good morning" sabi ng magandang babae na mama niya ata.
"Join us" sabi naman ng gwapong lalaki na papa ata ni Slate.
Magkatabi kaming umupo ni Slate. Tae ba't ba kinakabahan ako!? Ihanda mo talaga ang rason mo sakin Slate!
"Ahhh...Ma, Pa, si Gianna po, girlfriend ko" nakangiting sabi ni Slate. Nabigla naman ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanya pero hinawakan niya lang ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa. Kumuyom naman ito tsaka palihim na tinaboy ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Gia, this is my father, Vince Ajax" sabay turo niya sa kanyang papa. "My wonderful mom, Althea Ajax" turo niya sa kanyang mama. "May little sister, Annitha Ajax" sabay turo sa kapatid niyang babae. "And my little brother, Vanre Ajax" turo na pinakabunso niyang kapatid.
"Hi hija" nakangiting sabi ng mama ni Slate. Nginitian ko ito ng pilit.
"A-ahh hello po" sabi ko.
"You didn't mention na may niligawan ka pala?" tanong ng papa ni Slate.
"Sorry dad, it's just..." hindi tinuloy ni Slate ang sasabihin niya dahil parang naiilang siyang banggitin ito.
"Okay" sabi nalang ng papa ni Slate.
"Anong pangalan mo hija?" nakangiting tanong ng mama ni Slate sakin.
"Gianna Dyson po" sagot ko.
"Ilang taon ka na?" nakangiti paring tanong ng mama ni Slate.
"17 po" sabi ko. Bihira lang akong mag po pero bakit ba ako napapa po ng pamilyang to?!
"Pano ba kayo nagkakilala nitong panganay kong anak na si Slate?" tanong niya ulit. Patay hindi ko alam pano gawing mala once upon a time ang isang fairytale gago! I hate it!
"Ah ma ganito kasi yun, nagkabangga po kasi kami sa daan tas parang na love at first sight ako sa kanya. Naging close friends kami tapos ayon nagkadevelopan hanggang sa umamin akong gusto ko siya at gusto niya rin pala ako" paliwanag ng unggoy. Ang pangit ng story niya!
"Wow, it was so nice" nakangiting sabi ng mama ni Slate.
"I like Gia for you Slate, tahimik at mahinhin" sabi naman ng papa niya. Ako!? Mahinhin!? HAHAHAHAHA!
"Hahahaha i agree" sabi naman ng mama niya at bahagyang tumawa.
"Kuya pwede ko ba syang matawag na ate?" tanong ng batang babae kay Slate. Nangiti naman ako sa sinabi ni Annitha. Mahilig ako sa mga bata, sobra. Parang sila yung stress reliever ko.
"Ofcourse" nakangiting sabi ko. Nginitian niya naman ako.
"Thanks ate Gia" sabi niya sabay ngiti ng malapad. Nginitian ko naman siya pabalik. Ang ganda niyang bata.
"Ahh ma balik na po kami sa school, may klase pa po kasi kami, nag excuse lang kami sa mga teachers" sabi ni Slate. Humanda ka talaga mamaya Slate!
"Sige anak, mag ingat kayo ha? And nice to meet you Gia" nakangiting sabi ng mama ni Slate. Nginitian ko naman to.
"Nice to meet you din po" sabi ko.
"Nice to meet you Gia" sabi naman ng papa ni Slate. Nginitian ko nalang ito ng pilit.
"Bye ate Gia, balik ka dito ha para makapaglaro tayo!" masayang sabi ni Annitha.
"Ofcourse little princess" sabi ko ng nakangiti. Nilapitan ko naman ang batang babae at marahang pinisil ang dalawa niyang pisngi.
"Bye bye little girl" sabi ko at saka tumayo. Lumabas na kami ni Slate sa mansyon nila at pumasok sa loob ng kotse niya.
"ANONG KALOKOHAN YUN!?" sigaw ko agad pagkapasok niya sa kotse.
"Hey wait! I can explain" sabi niya habang hinaharap ang dalawa niyang palad sa harap ko na para bang pinapachill ako.
"THEN EXPLAIN!" sigaw ko. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. Nagsimula na rin siyang magdrive.
"Ganito kasi yun, kapag hindi daw ako nagkagirlfriend hanggang next year, hahanapan nila ako ng babaeng papakasalan ako at alam mo ba kung sino ang napili nila?" tanong niya sakin.
"Who?" tanong ko naman.
"Si Aria Salazar" sabi niya. Nabigla naman ako sa sinabi niya. Ni ako eh hindi ko kakaibiganin si Aria, aasawahin pa kaya!?
"So ako ang iniharap mong girlfriend sa pamilya mo?!" walang emosyon kong sabi.
"I'm sorry okay? Di mo ako masisisi kung ayaw kong ipakasal ang sarili ko sa malanding babaeng yun" naiinis na sabi niya.
"Tss so ito pala yung hinihingi mong tulong?! Sa lahat ba naman ng ihihingi mo, ba't ito pa!?" naiinis ko na talagang sabi. "Eh ano naman ang matatanggap kapag pumayag ako!?" tanong ko.
"Lahat ng gusto mo ibibigay ko" sabi niya. "Pero may isa pa akong favor" sabi niya.
"Malaking pabor na sa akin yung maging girlfriend mo sa harap ng pamilya mo, lalakihan mo pa ba!?" galit kong tanong.
"Sagot ko ang mga kailangan niyo sa bahay" sabi niya. Sayang din naman yun. Gusto ko rin kasing makatipid.
"Ano ba yun?!" irita kong tanong.
"Kailangan rin nating magpanggap pati sa loob at labas ng school" ani niya.
YOU ARE READING
Having You
TeenfikceAng akala ko ay tatanda akong mag-isa. Wala naman talaga akong balak magkaroon ng makakasama sa buhay nang biglang makilala ko ang isang taong magpapabago sa desisyon ko. Pero desisyon ko nga lang ba ang magbabago? O pati buhay ko? Does having you i...