Gianna Dyson
"Oh?" sagot ko kay Slate."Gandang bungad" sarkastikong abi niya.
"Ano na naman bang kailangan mo unggoy?" bored kong sabi sa kanya.
"Wala lang, kailangan ko ng kausap" sabi niya.
"Pwede namang iba jan, ba't ako pa? Wala ka bang barkada?" tanong ko.
"Wala" sabi niya. Bahagya naman akong nagulat.
"Eh bestfriend?" tanong ko ulit. Naku pagbestfriend wala parin baka alien tong kausap ko ngayon.
"Wala" sabi niya.
"Yung totoo? Alien ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Porket walang kaibigan alien na agad?" sabi niya at bahagyang tumawa. Wtf!? ba't kahit sa cellphone ang sexy ng boses niya habang tumatawa? Eww Gia.
"Tss, so ba't ka nga tumawag?" tanong ko.
"Kailangan ko nga ng kausap" pag uulit niya sa kanyang sinabi kanina.
"Ano bang pag uusapan natin?" irita kong tanong.
"Magkwento ka" sabi niya.
"Ba't ako?! eh ikaw tong may kailangan ng kausap" sabi ko.
"Yun na nga, para may mapag usapan tayo" sabi niya at sigurado akong nakangisi ang mokong ngayon.
"Dami mong alam" irita kong sabi.
"Matalino eh" proud niyang sabi. Sarap hampasin sa pader.
"Asa" sabi ko.
"Sige na magkwento ka na" pagpipilit niya.
"Ayoko nga" irita kong sagot.
"Sige ako nalang, basta makinig ka nalang ha?" sabi niya.
Umupo ako sa sulok ng aking kama habang niyayakap ang aking mga tuhod.
"Ge" sabi ko. Hindi ko alam kung ba't ako sumang ayon pero parang may nagtutulak sakin na pakinggan siya.
"Ang sakit palang tingnan na yung taong mahalaga sayo ay nanghihina at nasasaktan" panimula niya pero hindi ko naman yun masyadong naintindihan.
"Si Annitha" sabi niya kaya nagulat ako. "Posible siyang mabulag" malungkot na sabi niya.
"Kailan pa?" tanong ko.
"Kanina lang" sabi niya. "Sinabi rin kasi sa amin ni Annitha na lumalabo na daw ang paningin niya" sabi nito.
"Baka naman lumalabo lang talaga?" tanong ko.
"Hindi, nagpacheck up sila nina mama at papa kanina at may depirensya daw si Annitha sa mata" sabi niya.
"K-kahit kaya naming magbayad ng malaking halaga upang m-maagapan iyon, w-wala kaming mahanap na d-donor" pumipiyok ang boses na sabi niya. Nanatili lang akong tahimik.
"Sa lahat, ba't siya pa?" sabi niya at alam kong pinipigilan niya lang na umiyak. "Napakabata pa ng kapatid ko para sa sakit nato" sabi niya.
"Napakabait niyang bata" malungkot na sabi niya. Pati ako ay nalungkot sa kanyang sinabi.
"Mabubulag lang naman siya, pero hindi pa mamamatay" pagpapakalma ko sa kanya.
"P-pinapatay ako ng awa Gia. Ayokong n-nakikita ang kapatid ko na u-umiiyak. Ayoko s-siyang nakikita na n-nahihirapan. Ayaw pa niyang m-mabulag. G-gusto pa niyang m-makita ang mga mukha ng mga t-taong m-mahal niya" sabi niya at tuluyan na siyang humikbi. Naaawa ako sa kanya, pero mas naaawa ako sa kay Annitha.
"Kayanin mo, kung para kay Annitha, kayanin mo. Yan ang dapat mong gawin" sabi ko. Natahimik siya pero maya maya lang ay nagsalita na siya.
"Hay, salamat sa pakikinig Marceline ha? Malaking tulong ito para sakin" sabi niya at tumahan na sa kanyang pag iyak.
"May kapalit yun" sabi ko.
"Nyeta ka Gia" sabi niya. Tumawa nalang ako dahil sa reaksyon niya.
"Joke lang. Hahahaha wag ka ng umiyak, ang bakla mo" sabi ko.
"Shut up Marceline" irita niyang sabi ngunit tumawa rin sa huli. "Sige Gia, salamat talaga, pasensya na sa distorbo. Goodnight" sabi niya.
"Goodnight" sabi ko at inend ko na ang tawag.
Humiga na ako sa aking kama ngunit hindi parin maalis sa isip ko ang balitang iyon ni Slate. Bakit nga ba ang mga batang katulad nila ang binigyan ng ganung sakit? Ba't hindi nalang yung mga magnanakaw, rapist, manloloko, gago, puta etc.
Sa sobrang pag iisip ko ay may naalala ako. Yung alaala kung bakit ako naging ganito, kung bakit wala ako sa poder ng magulang ko, kung ba't ako nalulungkot ngayon at kung ano ang personalidad ko ngayon. THEY are the reasons why Gia is not the Gia of way back then anymore.
Nalungkot ako nang maalala ang lahat ng iyon. They are my strength. They are my inspiration. They are my happiness.
Umiyak lang ako buong gabi pero nung mapagod na ako kakaiyak ay pinunasan ko ang mga luhang umaagos sa pisngi ko ngayon. Ayoko nang alalahanin ang mga yun ngayon. Unti unting bumibigat ang mga mata ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
***
Late na akong nagising kaya agad agad na akong bumangon. Pagtingin ko sa aking mukha sa salamin ay namumugto ang mga mata ko.
Pagkatapos kong maligo at kumain ay dumeretso na ako papuntang school. Pagkarating ko sa classroom ay nagsimula na ang klase kaya pagpasok ko ay nagsitinginan sila sa akin. Tumingin ako sa katabi ng upuan ko at nakita ang namumugtong mga nata ni Slate na nakatingin sakin.
"Ms. Dyson, you may go to your seat now" sabi ng prof namin. Pumunta na ako sa katabing upuan ni Slate habang nakayuko. Tahimik lang kami at hindi nakikinig sa prof. Parang pinapakiramdaman namin ang isa't isa.
Tahimik lang kami habang nagkaklase Pero naririnig ko ang nga bulong bulongan ng mga malalandi.
"Bakit kaya namumugto ang mga mata nila?" tanong ni bitch 1
"Baka nag away?" sabi naman ni bitch 2
"Omg! baka inaway niya si baby Slate ko!" pag iinarte ni bitch 3
Hindi nalang namin sila pinansin at nanatiling tahimik. Nung recess na ay saka siya nagsalita.
"Ba't namumugto ang mga mata mo?" tanong niya.
"Puyat lang" pagsisinungaling ko.
"Sinungaling" sabi niya. Natahimik kami ng ilang sandali at maya maya lang ay nagsalita ako.
"Kamusta si Annitha?" tanong ko. Nakayuko lang siya pero kitang kita ko ang lungkot ng kanyang mga mata.
"Ganun parin" malungkot niyang sabi.
"Pwede ko ba siyang puntahan mamaya sa inyo?" tanong ko.
"Oo naman. Sigurado akong matutuwa yun" sabi niya at tumingin na sakin ng nakangiti. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya.
Buong araw lang kaming hindi nakinig dahil sa lungkot na bumabalot sa amin. Kaya nung uwian na ay saka ulit kami nag usap.
"Tara na?" tanong niya. Tumango naman ako sa kanya. Hindi na sumabay sa amin si Cess dahil may kailangan pa daw siyang tapusin.
Pagkarating namin sa bahay nila ay agad kaming bumaba sa kanyang sasakyan at pumasok na sa kanilang bahay.
YOU ARE READING
Having You
Teen FictionAng akala ko ay tatanda akong mag-isa. Wala naman talaga akong balak magkaroon ng makakasama sa buhay nang biglang makilala ko ang isang taong magpapabago sa desisyon ko. Pero desisyon ko nga lang ba ang magbabago? O pati buhay ko? Does having you i...