Gianna Dyson
"Nasan ang parents mo?" tanong ko."Wala sila ngayon, nasa trabaho" sabi niya kaya tumango nalang ako.
Pumunta kami sa hindi ko alam kung saan dahil sa mansyon itong pinasukan ko.
"San tayo pupunta?" tanong ko pero hindi na niya ako sinagot dahil agad din kaming huminto sa harap ng isang kwarto. Binuksan niya ito at nakita ko na ang sagot sa tanong ko.
"Kuya" malungkot na sabi ni Annitha at yumakap sa kanyang kuya.
"Oh ba't malungkot ang prinsesa ko?" malambing na sabi ni Slate. Alam kong nalulungkot din siya pero ginagawa niya ang lahat upang hindi ito ipahalata sa kanyang kapatid.
Maya maya lang ay nakarinig kami ng hikbi.
"K-kuya ayaw k-ko pa pong m-mabul-lag" hagulgol ni Annitha habang yakap yakap parin si Slate.
"Hindi ka mabubulag Annitha okay?" pagpapatahan ni Slate sa kanya. Humiwalay ito kay Slate at saka nakangiting tumingin kay Slate.
"Talaga kuya?" masayang sabi ni Annitha.
"Talagang talaga" nakangiting sabi ni Slate.
"Ate Gia!" masayang bati niya at lumapit sakin. "Bakit ka po umiiyak?" tanong niya. Agad ko namang hinawakan ang pisngi ko at tama nga siya, umiiyak ako. Pinunasan ko naman ito kaagad at ngumiti sa kanya.
"Napuwing lang" palusot ko.
"Bakit ka po nandito ate?" nakangiting tanong niya sakin. Naaalala ko na naman yung nakaraan.
"Syempre dahil sayo, diba maglalaro pa tayo?" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Opo!" nakangiting sabi niya sakin. Naiiyak na naman ako dahil naalala ko na naman ang mga nangyari sa nakaraan.
Naglaro lang kami ng kung ano ano ni Annitha. Habang naglalaro kami ay sobrang saya niya. Sobrang ganda ng nguti niya ba parang nakakalimutan niyang may sakit siya. Pero masaya rin ako na napapasaya ko ang batang to. May nararamdaman kasi akong kung ano sa kanya. Na para bang may maibibigay ako sa kanya.
Pagkatapos naming maglaro ay oras na para umuwi na ako. Malapit na rin kasing mag alas nuebe.
"Salamat ate Gia. Nag enjoy ako sa paglalaro natin" nakangiting sabi niya. Nakahiga na siya ngayon sa kanyang kama. Umupo naman ako sa tabi niya.
"Buti naman at nag enjoy ka, oh sige na. Bye bye little princess" sabi ko sabay hagod sa buhok niya at hinalikan siya sa noo.
Tumayo na ako at bago ko pa maisarado ang pinto ay sinilip ko muna sa ulit. Natutulog na siya ng napakahimbing. Sinarado ko na ng tuluyan ang pinto at saka bumaba.
"Salamat sa araw nato Gia, napasaya mo ng sobra sobra si Annitha" sabi ni Slate pagkarating ko sa labas ng mansyon nila.
"Wala yun" sabi ko nalang.
Tahimik lang kami habang sa loob ng kotse. Buti nalang at may music kaya hindi masyadong boring.
"Mahilig ka ba sa mga bata?" biglang tanong ni Slate. Bahagya akong nagulat ngunit binawi ko rin.
"Oo" sabi ko.
"Ahhh, may kapatid ka ba?" tanong niya at natulala ako bigla.
"Kamusta na pala si Annitha? May donor na ba daw?" pag iiba ko ng usapan.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" sabi niya.
"Wala akong dapat sagutin" sabi ko. Unti unti nang nababasa ang mga mata ko.
"Pwede mo akong pagkatiwalaan Gia" sabi niya at huminto sa kung saan. Hindi ko namalayan na dinala niya pala ako sa taas ng bundok kung saan makikita mo ang lahat. Bumaba kami at umupo sa damuhan.
"Handa akong makinig" pagkasabi niya nun ay agad na bumagsak ang mga luhang hindi ko na mapigilan. Niyakap ko ang sarili kong mga tuhod at doon umiyak. Ayokong may nakakakita sa mukha ko habang umiiyak. Umiyak lang ako ngunit maya maya lang ay pinunasan ko na ang mga luha ko.
"May bunso akong mga kapatid" panimula ko. "Fraternal twins sila" tulala kong sabi. Nanatili lang siyang tahimik kaya nagpatuloy ako.
"July 3, 7 years ago" nagsimula ng uminit ang nga mata ko. "Susunduin na sana nila mama at papa ang dalawa kong kapatid sa school nang mabalitaan naming nabangga sila ng isang bus habang tumatawid" kwento ko at pinipigilang umiyak ang aking sarili.
"Agad kaming pumunta sa ospital kung saan dinala ang mga kapatid ko" patuloy ko sa pagkwento. "Ilang linggo din sa ospital ang mga kapatid ko" naluluha ng sabi ko. "Araw araw akong nasa ospital upang bantayan sila kasi gusto ko, ako yung una nilang makita paggising nila" kwento ko habang inaalala ang mga pangyayaring iyon.
"Hanggang sa d-dumating ang araw na hindi ko i-inaasahan" umiiyak na ako ngunit pinipigilan kong humikbi. "July 21 nun ay s-sabay na bumigay ang k-k-katawan nila. H-hindi daw kinaya ng katawan ng mga k-kapatid ko. 6 years old palang sila nun" at tuluyan na akong humikbi. "10 years old palang ako nun" hagulgol kong sabi.
"Iyak lang ako ng iyak sa kwarto ko. Naisip ko na, bakit yung mga kapatid ko pa? ba't hindi nalang yung mga masasamang loob ang pinapatay?" napapapikit nalang ako sa sobrang sakit habang tuloy tuloy ang pag agod ng mga luha ko sa aking pisngi.
"Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko" niyakap ko nalang ang mga tuhod ko at umiyak lang nang umiyak. "Higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko" kwento ko. "Sila ang rason kung bakit araw araw ay masaya ako. Sila ang rason kung bakit ako nag aaral ng mabuti" patuloy parin ako sa pag iyak.
"Wala ng mas s-swerte pa sa may kapatid na mapagmahal, mabait, masayahin" kwento ko at pinunasan na ang aking mga luha at tumingin sa harap kung saan makikita ang iba't ibang mga ilaw galing sa baba.
"Ito ang rason kung bakit hindi ko kasama sa iisang bubong ang mama at papa ko" tulala kong sabi. "Bilang mga magulang, mas nasasaktan sila kaysa sakin" sabi ko. "Pero alam kong mas nasasaktan ang mama ko" nagsimula ulit na uminit ang mga mata ko. "Dinala niya ang dalawang iyon ng siyam na buwan. Inalagaan at prinotektahan niya yun ng ganong katagal" at nagsimula ulit ako na maiyak.
"Tapos mawawala lang ng ganon ganon lang" sabi ko. "Pinaka nahihirapan sa aming magmove on ay si mama. Siya ang nagluwal sa mga yun eh. Hindi madali ang magdala ng dalawang bata sa loob ng tiyan mo" iyak kong sabi.
"Kaya ayun, nung nag 15 na ako, napagdesisyonan kong umalis ng bahay at manirahan sa apartment nato" sabi ko sabay punas sa aking luha.
"At pumayag sila?" tanong niya. Tinanguan ko naman siya.
"Mas mabuti na rin daw yun sabi ni papa. Ayaw niya rin kasing makita kong umiiyak si mama araw araw" sabi ko. "Pero binibigay naman sakin nina mama at papa ang mga pangangailangan namin ni Cess dito" pahabol ko.
"Eh teka, pano nga ba kayo nagkakilala ni Cess?" tanong niya.
happy new year guys! hope you like this, love yaah!❤
YOU ARE READING
Having You
Teen FictionAng akala ko ay tatanda akong mag-isa. Wala naman talaga akong balak magkaroon ng makakasama sa buhay nang biglang makilala ko ang isang taong magpapabago sa desisyon ko. Pero desisyon ko nga lang ba ang magbabago? O pati buhay ko? Does having you i...