ika-walo

67 8 0
                                    


----------

Naalimpungatan si Hannah dahil sa ingay na nanggaling sa cellphone.

'Bwesit ang ingay' naiiritang hinanap ni Hannah kung saan nanggagaling ang tugtug.
Halos mairita siya sa kakakapa dahil wala siyang makuha. Sa bandang taas ng ulo niya ito nakuha.
Napansin niya na hindi niya ito cellphone.

'Nasaan Na ba si Kurt at naiwan niya ang cellphone niya dito'

Napaidtad ng upo si Hannah Dahil sa muling pag-tugtog ng cellphone.

Nang makita niya ang kung sino ang tumatawag ay bigla naman siyang nainis.

Katelyn Ann calling......

'Sino naman kayang babae toh'

Walang pagdadalawang isip niya itong sinagot.
Nang itapat niya sa tenga ay agad naman niyang narinig ang matilis nitong boses.

"Putcha"

Napakunot naman ang noo ni Hannah dahil sa narinig sa kabilang linya. Hindi niya ito maintindihan.

"Hello? Sino ka ba?" Tanong ni Hannah.

Bakas pa rin ang inis niya sa tumatawag. Kapag nalaman niya na babae 'toh ni Kurt ay makakatikim 'to sa kanya.

"Ikaw ang sino ?" Sagot ng kabilang linya.

Nabigla si Hannah nang biglang may kumuha sa cellphone.

Hindi niya napansin na kakapasok pa lang pala ni Kurt. At bigla naman siyang kinabahan dahil sa baka magalit lalo ito sa ginagawa niyang pangingialam sa cellphone ng binata.

"Ano kailangan mo?" Seryosong bungad ni Kurt sa kabilang linya habang matalim ang tingin nito sa kanya. Inirapan niya na lamang ito at ibinaling ang mata sa labas ng bintana.

Pasado alas singko plang pala ng umaga. Bwesit na caller yan ginising ang siya.

"Bakit Hindi ka humingi ng Pera kina mommy?" Rinig niyang saad ni Kurt.

'Mommy?'

"Tumigil ka nga Kate sa next year Pa naman ang GDA ah? Excited? ....oo bibigyan kita ng Pera ....wala kaibigan ko lang 'yun.... Subukan mo lang ...ge!"

Pagkababa ng telepono ni Kurt ay matalim Na titig ang ibinigay ni Hannah sa kanya.

"Sino 'yun? At kaibigan? Nagtanong ba 'yun kung sino sumagot kanina huh! Kurt Andrew Pecson!"

Bahagya namang napalunok sI Kurt Dahil sa inakto ng dalaga. Nakakatakot para bang may black aura siyang nakikita sa paligid nito (haha)

Ngunit Hindi niya ito pinahalata bagkus ay nagkibit balikat Na lamang Siya.

"Kurt sino nga 'yun?" Sigaw ni Hannah ng lumabas si Kurt sa kwatro. Sinundan niya ito hanggang kusina.

Dito niya napansin Na naka pang-jogging pala ito.

Hindi man lang Siya sinama sa pag jogging. Tsk.

Nakita niyang kumuha ito ng isang bote ng gatas sa ref at nag salin ng isa sa baso.

Naupo si Hannah sa dinning table ng makitang may almusal ng nakahanda dito.

Bahagya siyang ngumiti ng maisip Na kakain SiyA ng breakfast kasama si Kurt at take note luto ni Kurt.

Napaangat naman SiyA ng tingin ng makita niyang may isang basong gatas ang nilagay si Kurt sa harap niya.

Seryoso itong umupo sa tabi niya at nagumpisang kumain ng almusal.

Gusto niyang kinikilig Dahil sa pinapakitang pag-aaaikaso sa kanya ni Kurt.

"S-salamat" nauutal nitong saad sa binata. Nakita niyang bahagya itong tumingin sa kanya at bakas dito Na naguguluhan ito.

"Para saan?" Saad nito bago uminom ng kape.

"Para dito! Kinikilig ako Bebz hehe"

'Tsk"

Nagpatuloy silang kumain ng walang ingay.

Sanay naman si Hannah sa ganitong ambiance.

Walang ingay sa hapag.

Ikaw ba naman lumaking mag-isa at walang pamilya na kasama sinong Hindi masasanay?

"Sino nga kasi iyon Kurt? Yung tumawag kanina?" Pangungulit ulit ni Hannah. Hindi kasi talaga SiyA matahimik sa isang 'yun.

Bahagya naman niyang nakitang tumigil si Kurt sa pagkain at tiningnan SiyA ng masama..

"Hindi kita bebz titigilan hanggat Hindi mo sa'kin sinasabi kung sino 'yun! .."

"....kagabi may kausap ka at ngayong umaga meron nanaman umamin ka nga Kurt sino mga 'yun?"

Napabuntong hininga Na lamang ang binata Dahil sa inaasal ng dalaga.

Kailan kaya SiyA masasanay dito.?

"Just eat"

Malamig Na utos ng binata.

"Bakit ba kasi Hindi mo masabi kung sino ang mga 'yun! "

"F*CK ! Can you just please shut up! You're so annoying!"

Nagulat ang dalaga sa biglaang galit ng binata. Nagtatanong lang naman SiyA kung sino ang mga babaeng 'yun. Bakit nagkakaganun Na SiyA.

Kung galit ang binata ay sobra namang naiinis si Hannah Dahil sa pinagtaasan SiyA nito ng boses.

ABA Hindi porke ganito SiyA sa binata ay papatalo Na SiyA.

"P*TCH* KURT WAG MO AKONG TAASAN NG BOSES DAHIL HINDI KITA TINATAASAN NG BOSES! HUH! SASAGOT KA LANG NAMAN BAKIT KA NAGAGALIT AGAD? SIGURO NILOLOKO MO NA AKO! ANO?" Hingal Na umupo ulit si Hannah sa upuan niya.

Bakas rin sa binata ang gulat sa ginawa niya.

'Akala niya'

"Tsk annoying.." Tanging mahinang sambit ng binata.

"Narinig ko 'yun bebz umayos ka." Naiinis Na saad ni Hannah dito.

Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob kung bakit nakaya niyang ganunin si Kurt, at sa harap Pa ng almusal.

Kasi naman simpleng tanong Hindi masagot, baka nga talaga babae niya 'yun.

-----

"Kay simpleng tanong Hindi masagot nakakainis talaga!" Mahinang sambit ng dalaga habang nakasakay sa passenger seat ng kotse ni Kurt.

Tiningnan niya si Kurt Na seryoso sa pag-mamaneho.

Hindi sana SiyA nito isasabay sa pagpasok kung Hindi niya lang ito naunahang pumasok sa kotse.

Hindi niya namalayan Na nakatitig Na pala SiyA sa binata.

'Tingnan mo nga naman, Kay gwapo ng boyfriend ko. Ang haba ng pilik Mata at ang tangos ng ilong. Ang Pula ng lips.' Napakagat ng labi si Hannah Dahil sa naisip niya.

'Paano kaya kung halikan ako ni Kurt? Yung French kiss! Ahayyy kinikilig ako' Hindi namalayan ni Hannah Na napahagikhik pala SiyA Dahil sa naisip.

Kunot noo siyang binalingan ni Kurt Na agad din namang binawi at binalik ang Mata sa kalasada.

-----

Ang Bruha Na DesperadaWhere stories live. Discover now