10

82 8 0
                                    

Isang linggo na rin ang nakalipas at isang linggo na rin simula nang maging sila ni Kurt.

Isang linggo na ring walang improvement ang relasyon nila.

Kung hindi siya pumupunta sa condo ni Kurt ay wala lang talaga ito sa binata. Ni maski tawag o text ay wala sila.

Kaya ang ginagawa niya ay tumatambay na lang minsan sa condo nito kapag tapos na ang klase.  Dalawang beses ma rin siyang natulog sa condo ng nobyo. Pero hanggang doon na lang 'yon. 

Kung hindi niya ito kinukulit o kaya naman nilalambing ay jindi naman siya nito pinapansin. Parang hinahayaan lang siya nito.

This past few days napansin niya ring busy si Kurt sa cellphone at kung minsan ay may katawagan pa ito. Kapag tinatanong niya naman ito ay Hindi naman siya pinansin. Kaya nababalewala niya na lang ang mga ito. Baka pag-awayan pa nila.

Pero sa isang linggo nilang relasyon, ngayon talaga ang sumusobra na.

Flashback

Simba ng umaga naisipan ni Hannah Na puntahan ulit si Kurt sa condo niya.

Kagabi kasi hindi siya nakapunta dito dahil sa may tinapos pa siyang research paper.

'Kahit na ganito ako, nag-aaral din naman ako ng maayos no! Wag kayong ano jan!' 

Nang makarating siya sa floor kung saan ang condo ni Kurt ay agad naman siyang nag-dorbell.

Hindi kasi binibigay sa kanya ni Kurt ang pin code ng condo unit niya kahit anong pilit Pa ni Hannah sa kanya.

Matamis ang ngiti ni Hannah ng unti unting bumubukas ang pinto.

Ngunit agad namang nawala ng bumungad sa kanya ang nakatupis ng towel na babae at animoy kakatapos pa lang maligo.

"Oh~ sino ka?"

Nakataas ang kilay na tanong sa kanya ng dalaga.

Tulala pa rin si Hannah sa babae. Hindi pa rin mag-register sa utak niya ang nakikita.

"Miss sino ka? Anong kailangan mo?" Tanong ulit sa kanya nito. At bakas na rin dito ang pagkairita sa presensya niya.

Napaayos ng tayo si Hannah at hinarap ito ng buong tapang. Na kahit para bang nanglulumo SiyA sa naiisip na dahilan kung bakit nandito sa harap niya ang babaeng ito. Hindi naman SiyA tanga para Hindi maisip kung anong ginagawa nito sa condo ng boyfriend niya.

Nakita niya namang tila tumaas ang isang kilay ng babae sa inakto niya.

"Nasaan si Kurt? At tabi nga diyan laki mong harang" saad niya dito sabay bunggo sa balikat ng babae.

"Aba't sino ka ba!" Inis naman Na tirun sa kanya nito.

Hinarap niya ito at tinaasan ng kilay.

"Girlfriend lang naman ng nilandi mo. At pwede ba lumayas Na Na dito bago Pa kita makaladkad palabas ng ganyan ang itsura mo"

Napakunot naman ang noo ng babae. Sa sinabi niya. 

Mas kinainis niya ng ngumisi ito sa kanya.

Napansin niyang tiningnan SiyA nito mula paa hanggang ulo.

Naka-cross arm Pa ito habang tiningnan SiyA.

"Girlfriend ka ni Kurt? Kagabi lang sinabi niya sa'kin Na single SiyA, so anong ibig sabihin non?" nakangisi Pa ring saad nito.

Malawak ang pagpipigil ng inis ni Hannah. Mas sanay kasi SiyA Na SiyA ang nang-iinis kesa SiyA ang iniinis.

Pero Dahil sa sinabi ng dalaga ay nagtitimpi Na SiyA ng sobra.

Ang Bruha Na DesperadaWhere stories live. Discover now