15

36 2 0
                                    

Nagising si Hannah dahil sa sinag ng araw na sumisilip mula sa glass window ng condo.

Naabutan niyang naghahanda ng almusal si Kurt sa kusina. Hindi pa nito napapansin ang presensya niya dahil nakatalikod ito sa kanya. Dahan dahan siyang lumapit at niyakap ang binata patalikod. Naramdaman niyang tila napatigil ito sa ginagawa.

Napabuntong-hininga na lamang ito.
"Ang sarap talaga ng feeling kapag niyayakap kita Bebz sana habang buhay lang ganito."
Bakas ang lungkot sa mukha ni Hannah. Binaon niya na lamang ang kanyang mukha sa likod nito habang mahigpit niya paring niyayakap ang binata.
Hindi niya alam kung bakit nagiging emosyonal siya ngayong nagdaang araw. Hindi naman siya ganito noon.

Tahimik lang ang binata na pinagsisilbihan siya. Tila nakaramdam si Hannah ng pagkailang dahil parang ibang iba ang presensya ng binata.
Mariin niya itong pinagmamasdan habang kaharap niya itong kumakain.

Napabaling ito sa kanya. Hindi niya mabasa ang emosyong meron ito.

"May gusto ka bang puntahan ngayon?" Tanong nito sa kanya. Tila lumiwanag ang mukha ni Hannah sa narinig.
"Magd-date ba tayo?"
Hindi niya mapigilan ang laki ng ngiti niya.
"Kung 'yan ang gusto mo, saan mo ba gustong pumunta?"

Seryoso parin itong nakatingin kay Hannah. Gusto niyang pagbigyan ngayon ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit kagabi ay para siyang nasaktan nang maabutan niya ang dalagang natutulog sa malamig na damuhan sa madilim na sementeryo. Parang gumuhit bigla ang awa at sakit sa dibdib niya.
Sanay siyang makulit ito at may pagka maldita ngunit parang nabigla siya kagabi sa harap ng mga magulang nito.

Masayang nakakapit si Hannah sa braso ni Kurt habang naglilibot sila sa mall. May gusto kasing bilhin si Hannah at nagpasama siya kay Kurt.

Bawat stall ay pinupuntahan ng dalaga wala ding magawa ang binata dahil sa hatak hatak ito ni Hannah.

"Look bebz! Ang ganda" pinakita ni Hannah ang isang simpleng couple bracelet.

"Maganda po 'yan mam! Couple magnetic bracelet po ang tawag jan. Magkalayo man kayo ni sir! Pilit kayong paglalapitin ng bracelet na 'yan!" Alok sa kanya ng tindera. Napanguso na lamang si Hannah. Sa isip niya ay hindi naman sila magkakalayo ni Kurt dahil sa hindi niya ito hahayaan.
Nagulat ang dalaga nang bayaran ito ni Kurt. Natutuwa namang inabot sa kanya ng tindera ang supot ng dalawang bracelet. Napangiti siya nang kinuha niya ito. Ito siguro ang unang bagay na binigay sa kanya ni Kurt.
"Thanks! Bebz!"
Agad niyang sinuot ang isa sa papulsuhan ni Kurt. Habang ang isa naman ay sinuot niya. Nilapit niya ang kamay niya kung saan nakasuot ang bracelet sa kamay ni Kurt. Kusa namang nagkadikitan ang dalawang bilog na disenyo sa bracelet nila.
Natutuwang pinagmasdan ito ni Hannah. Para siyang bata dahilan para hindi mamalayan ni Kurt na napangiti na pala siya habang pinagmamasdan ang dalaga.
Buong araw silang magkasama. Walang reklamo ang binata sa pagsama sa kanya. Para siyang naninibago dahil dito. Hindi niya alam kung matutuwa o kakabahan ba siya. Dahil sa isip niya. Ang mga masayang pangyayare ay may kalakip na kalungkutan. Tama ba?

"Araw araw na lang kayong magkasama huh baka magsawa na sayo si Kurt niyan Hannah" nakangising saad ni Drew sa kanya. Nakatambay sila ngayon sa cottage malapit sa building ng engineering. Kasama din nila ang ibang kaibigan ni Kurt.
"Pakialam mo ba? Selos ka?" Naiirita niyang baling kay Drew. Katabi niya lang ito sa upuan. Sa kabila niya naman nakaupo si Kurt na abala sa pagsulat. Gaya ng iba nilang kasama.
"Bakit naman ako magseselos?" Natatawang tanong ni Drew. Natutuwa kasi itong asarin ang dalaga. Namumula kasi palagi ang pisngi nito lalo na kapag inaasar niya. Para itong diyosang sasabog.
"Kasi gusto mo si Kurt!"
Biglang natawa na lang ang mga kaibigan nito dahil sa sinabi ni Hannah. Mas lalo siyang nainis nang makita ang aroganteng mukha ni Drew.
"Asa! Hindi kami talo ni Kurt. Ikaw pwede pa"
"Feeling mo! Hindi kita type! Pangit mo Drew!"
"Sus! Crush mo nga ako dati e! " dahil sa asar ni Hannah. Akma niya sanang bibigwasan ang mukha ni Drew. Kaso nga lang ay nakaiwas ito at agad na lumipat sa kabilang upuan. Natatawa ito. Aaminin niyang tama naman ang sinabi ng binata. Crush niya ito dati dahil sa gwapo at matalino ito. Madaming babae ang nagkakagusto dito. Kaso nga lang nawala ma ang interes niya sa lalaking ito nang makilala niya si Kurt.
Inirapan niya na lang ang binata at binalewala. Tumahimik na lamang sa tabi ni Kurt si Hannah. Napaiwas ang dalaga nang magtama ang mata nila ni Kurt. Tila nananantya ang mga titig nito. Ngumiti lamang siya dito.

Ang Bruha Na DesperadaWhere stories live. Discover now