"Good morning" nakangiting bungad sa kanya ni Hailey.
Medyo nakaramdam Siya ng inis sa pagmumukha nito. Kung bakit kay aga ay mukha nito ang bumungad sa kanya.
"Naikwento sa'kin ni Kurt kung ano talaga kayo" Paninimula nito. Bakas sa mukha nito ang ngising mas kinainisan ni Hannah.
Naupo si Hannah sa hapag, kaharap ng kapatid niya na ngayon ay pinapatay niya na sa tingin.
Mas pinili na lamang ni Hannah na wag itong kibuin at kumain na lamang ng almusal. Ayaw niya sana itong kasabay kumain, iyon nga lang ay wala siyang magagawa, kesa naman Siya ang umiwas. Kelangan bang Siya pa ang mag-adjust? Tsk.
"Desperada" mahina ngunit malinaw sa pandinig ni Hannah ang salitang galing sa bibig ng kapatid.
Tiningnan niya ito ng masama, Pero wala lang ito sa kaharap.
"Ma'am Hailey nandito po si sir Kurt"
Saad ng isang kasambahay.
Sunod naman dito ang hindi niya inaasahang pupunta ng ganito kaagang oras para lang sa kapatid niya at hindi para sa kanya, na girlfriend nito.
"Hi" bungad nito kay Hailey.
"Good morning" nakangiting sagot ng kapatid. Lumapit ito sa kapatid niya at humalik sa pisngi. Bahagyang nagulat si Hannah sa ginawa nito.
"Ang aga mo naman ata ngayon bebz?" tanong niya rito, at hinayaan na lamang kung ano ang nakita niya.
Napansin naman siya agad ng binata dahil sa pag-agaw niya ng atensyon niyo. Bakas sa mukha nito na hindi siya nito napansin agad."Pinapunta ko siya dito kasi nangako siya na sasamahan niya ako ngayon."
Malawak ang ngiti nito sa kanya na animo'y iniis siya nito.Napairap na lang siya sa kapatid.
"No you're not coming with her bebz, diba may pasok ka ngayon? At tsaka diba lumabas na kayo kagabi sobra naman na ata yan, porket hinahayaan kita sinasagad mo naman"
Baling niya sa binata na ngayon ay seryoso siya nitong minamasdan.Wala itong sinabi bago binalingan si Hailey.
Mas kinainis niya ito. Tumayo si Hailey at agad na hinila na si Kurt paalis doon.
Hindi na siya nakapagsalita pa dahil mabilis na umalis 'yung dalawa.Gustuhin niya sana'ng pigilan ang dalawa o kaya ay sumama na lamang sa dalawa. Naisip niyang wag na lang baka mag-mukha lang siya'ng hangin pag-kasama sumama sita. Ayaw niya man aminin sa sarili na naiinggit siya sa kapatid dahil sa lahat na lang ng taong Mahal niya puro na lang Hailey ang nakikita. Pero sino nga ba siya?
Siya si Hannah.Si Hannah maganda
Si Hannah magaling
Si Hannah malakas
Si Hannah walang kinatatakutan
Si Hannah mayaman
Si Hannah masay----....
Bawat araw na nanatili ang kapatid niya, siya namang kinagagalit ni Hannah dahil sa mula nang dumating ito. Hindi na rin mapag-hiwalay ang dalawa.Isang Gabi nga ay hindi umuwi ang kapatid niya.
Kaya naman ikinabahala niya ito.
Hindi dahil sa nag-aalala siya para sa kapatid, kundi dahil nag-aalala siya sa posibilidad na mag-kasama ang dalawa.Kaya kinaumagahan, napagdesisyunan niyang puntahan ang condo unit ni Kurt. Nagbabakasakali na baka naroon ang kapatid. Na sana naman ay wala.
Nang makarating siya sa harap ng condo unit ni Kurt ay agad siyang nag-doorbell.
'Sa susunod kukunin ko na talaga pass code nito. '
Saad sa sarili ng dalaga.Hindi niya man aminin ngunit may parte sa isip niya na inaasahan niya ng makikita niya ang kapatid dito. Hindi nga siya nagkamali. Si Hailey ang nagbukas ng pinto para sa kanya at halata sa mukha nito ang gulat at kunot noo'ng tiningnan siya.

YOU ARE READING
Ang Bruha Na Desperada
Lãng mạnBruha, masamang ugali, walang budhi, baliw, Iyan ang pagkakakilala at sinasabi ng lahat kay Hannah Suarez. Isang malditang maganda iyon ang sabi niya. Malakas, walang nakakatalo at kinatatakutan ng lahat, ngunit bakit pag dating kay KURT ANDREW PECS...