Halos tatlong araw ng nagkukulong si Hannah sa kwarto niya. Ilang beses na din siyang kinatok ng magulang niya at ng kanyang nani. Nag-aalala ang mga ito dahil simula nang umuwi itong umiiyak ay hindi na ito lumabas pa ng kwarto niya.Isang katok ang narinig ni Hannah habang nakahiga siya sa kama. Kanina pa siya nakatulala sa kisame at walang ganang gumalaw at tumayo.
Ilang beses pang kumatok ang nasa labas bago nito buksan ang pinto. Nainis siyang nagtalukbong ng kumot dahil sa ginawa ng pumasok."Hannah" tawag sa kanya ng kanyang mommy.
"Hija anak...." Naramdaman niyang naupo ito sa gilid ng kama at bahagang hinaplos ang braso niya. Tila naluluha siya dahil sa haplos na ito, na ngayon niya lang ulit naramdaman.
Siyam na taong gulang siya nang iwan siya ng magulang niya sa pangangalaga ng kanyang nani. Noon man ay malapit na siya sa mommy niya. Gayun na lang ang galit at tampo niya nang iwan siya nito."Alam ko may problema... Pwede mo sa'kin ikwento 'yan para naman matulungan kita anak...."
".....Alam kong nagtatampo ka parin samin ng daddy mo. Pero sana maintindihan mo hija. Para rin sayo at sa ate Hailey mo ang ginagawa namin ng daddy mo"
Bakas sa mukha ng ginang ang sobrang lungkot at pag-aalala para sa bunsong anak.
"Nag-aalala na kami sayo. Simula nang umuwi kami ng daddy mo. Hindi mo man lang kami kinakausap o kaya lagi ka namang wala sa bahay. Tapos isang araw makikita ka naming umiiyak at nagkukulong."
Mariing napapikit si Hannah dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib habang nakikinig sa ginang.
"Gusto kong Mapag-isa please. Iwan niyo muna ako" tanging saad ni Hannah. Hindi parin maalis ang pait sa boses ng dalaga.
Napabuntong hininga na lamang ang ginang dahil sa sinabi ng anak niya. Sobra siyang nababahala at nag-aalala. Alam niyang marami siyang pagkukulang sa bunsong anak, ngunit hindi niya alam kung saan siya magsisimulang babawi kung ganitong ayaw siyang pagbigyan ng anak."Sige, basta lagi mong tatandaan na nandito lang kami ng daddy mo pati narin ng ate Hailey mo at Nani. Hindi ka nag-iisa anak. "
Tuluyan nang lumabas ang maraming luha sa mata ni Hannah nang marinig niyang nakalabas na ang kanyang mommy.
'Hindi ka nag-iisa anak'
Mga salitang hindi ko naramdaman. Dahil simula nang iwan nila ako. Mag-isa na ako.Walang ganang bumaba ng hagdan si Hannah. Lunes at naisipan niyang pumasok na. Ilang araw na din kasi siyang hindi pumasok at baka I-drop out na siya ng professor nila. Hindi porkit pamangkin siya ng may-ari ng school ay magiging abusado na siya. Kailangan niya ding mag-aral. Walang mapapala kung magkukulong at magmumukmok lang siya.
Pero sa loob loob niya ay gusto niya lang makita si Kurt.
Gumagawa lang siya ng palusot sa isip niya.'Break na sila ni Kurt diba? Buti nga '
'bruha kasi, desperada. Wala naman gusto sa kanya si Kurt'
'Malandi kasi'
'Tumigil nga kayo! Lagot kayo jan kapag narinig kayo'
Rinig niyang bulungan ng mga estudyante habang dumadaan siya. Gusto niya man itong sigawan at awayin gaya ng dati ngunit kanina pa siya walang gana.
Nakita niya ang mga dati niyang kaibigang sina Joan. Nakatingin ang mga ito sa kanya. Bakas sa mga mukha nito ang tuwa. Tuwang masasabing masaya sila dahil sa nararanasan niya ngayon.
Nalaman niyang kumalat pala ang nangyare sa selebrasyon sana nila. Para tuloy nagsisi siya na bakit pumasok pa siya. Ganoon ba siya naging malupit sa kanila para makitang masaya sila na nasasaktan siya ngayon?
Nararapat ba sa kanya ito? Nagmamahal lang naman siya. Bakit ganito kasakit ang magmahal? Hindi ba pwedeng masaya lang?
Gusto niya lang naman mahalin at wag iwan ng taong mahal niya. Mahirap bang gawin 'yun?"Hannah" naagaw ang atensyon niya nang tawagin siya ni Drew.
"Bakit mag-isa ka lang dito?"
Mag-isa lang si Hannah sa cottage kung saan sila lagi ni Kurt tumambay kapag may kailangan ito gawing paper works.
Nagbabakasakali siyang makita niya ang binata. Nahihiya kasi siyang pumunta sa room nito na nasa kabilang building medyo malayo sa building nila.
Dito na lamang siya nanatili at nagbabakasakali. Pumunta din siya sa field kung saan sila lagi ni Kurt ngunit wala ito doon.
"Okay ka lang ba?"
"Hmm"
Tumango ito. Nagtaka naman ang mukha ni Drew dahil sa pinakita ng dalaga. Hindi ito sanay na ganito ito. Tila walang buhay.
"May sakit ka ba? Parang namumutla ka at nangangayayat"Bakas ang pag-aalala sa binata. Hinaplos nito ang noo ni Hannah at dinama.
"Wala ka namang lagnat" Mahinang saad nito.
"Si Kurt?" Tanong niya dito dahilan para mapatigil ito.
Seryoso siya nitong tinitigan dahilan para mapaiwas siya ng tingin.
"Speaking off" tanging saad nito habang nakatingin sa mga kaibigang papalapit. Nagkakatuwaan ang mga ito at tila hindi pa sila nakikita.Nasa likod si Kurt habang abala sa pakikipag-usap kay Kit. Tila lumungkot ang mukha ng dalaga dahil sa nararamdamang pagkasabik sa binata.
Bahagya itong napatigil nang makita ang dalaga. Natahimik ang iba nilang kasama sa pagsasalita. Tila alam nila ang nangyayare sa dalawa.
"Hi" nahihiyang bati ni Hannah sa binata. Tila hindi na ito ang dating malakas ang loob at mataray na si Hannah Suarez. Ayaw niyang magalit sa kanya si Kurt.
Nagtiim ang bagang ng binata habang seryoso siya nitong tinitingnan. Nagbuntong hininga ito bago harapin ang mga kaibigan."Mauna na muna ako sainyo pre may pupuntahan pa pala ako" hindi niya na hinintay pa ang sasabihin ng mga kaibigan at agad na siyang tumalikod sa mga ito.
Bahagya siyang nakaramdam ng inis sa sarili."Bebz" habol sa kanya ni Hannah. Hinawakan siya nito sa kamay dahilan para mapatigil siya sa paglalakad. Napatitig siya sa dalaga.
Halos isang linggo niya din itong hindi nakita. Sinabi ni Hailey na nagkukulong lang ito sa kwarto. Gusto niya sana itong dalawin dahil sa siya ang may kasalanan kung bakit nagiging ganito ang dalaga. Ngunit bakit pa?"Saan ka pupunta?" Pilit siyang ngumiti sa binata. Seryoso lang itong nakatingin sa mga mata niya.
"Diba napag-usapan na natin 'toh? Tigilan mona ako" nahalata ni Hannah ang pagpipigil ng binata. Alam niyang nakukulitan na ito sa kanya.
"A-Alam ko pero kasi miss na kita. Akala ko kaya ko pero hindi ko pala kaya. Gusto ko lagi kang nakikita Bebz." Naluluhang saad ng dalaga.
Gumuhit ang galit sa mukha ng binata. Bahagya siyang nakaramdam ng pangamba dahil sa pinakitang expresyon ng binata."Nakakaawa ka..." Bahagyang napaawang ang labi ng dalaga dahil sa malamig na pagkakasabi nito ng binata.
"Hindi ko na kasalanan kong hindi mo kaya. Wag mo akong itulad sayo. Dahil kahit hindi kita makita kakayanin ko. Iyon nga ang gusto ko diba? Tigilan mo na ang kakakulit mo sa'kin."
Kumawala ang hikbi ni Hannah. Wala siyang pakialam kung may makakita sa kanila. Ang tanging naiisip niya lang ay ang kung gaano kasakita ang nararamdaman niya ngayon."Makasarili ka...Sarili mo lang ang iniisip mo. Pinagpipilitan mo ang sarili mo sa'kin kahit na ayaw ko. Dahil doon ka masaya. Naisip mo ba nagusto ko ang ginagawa mo?"
"Tigilan mo na 'toh! Dahil....." Mariing napapikit si Kurt. Tila nasasaktan siya sa mga binibitawan niyang salita. Hindi niya mawari kung bakit. Ang gusto niya lang ay ang lumayo sa kanya ang dalaga dahil sa naguguluhan siya sa tuwing nakikita niya ito. Aaminin niyang tila nasanay na siyang kinukulit ng dalaga. Ito ang gusto niyang takasan. Gusto niyang pigilan ang sarili.
"Dahil nahihirapan na ako" mahina niyang saad.
"S-Sorry" saad ng dalaga. Nag-iinit ang mga mata niya tila nagbabadya ang mga luha niya habang pinagmamasdan ang umiiyak na dalaga sa harap niya."Hangga't maari ayaw na kitang makita"
Huling salita ng binata bago siya nito talikuran.

YOU ARE READING
Ang Bruha Na Desperada
RomanceBruha, masamang ugali, walang budhi, baliw, Iyan ang pagkakakilala at sinasabi ng lahat kay Hannah Suarez. Isang malditang maganda iyon ang sabi niya. Malakas, walang nakakatalo at kinatatakutan ng lahat, ngunit bakit pag dating kay KURT ANDREW PECS...