Abala ang mga kasambahay ng mga Suarez sa paghahanda ng lahat sa pagdating ng mag-asawa na siyang magulang nina Hannah at Hailey.Ito siguro ang kauna-unahang pag-uwi nila sa taong ito.
Wala namang event o pagdiriwang na gaganapin upang maging dahilan ng pag-uwi nila. Sadyang gusto lang ng mga ito na umuwi sa Pilipinas dahil matagal na rin panahon na Hindi Sila nakauwi.
"Nakakabagot naman dito" Reklamo ni Hannah habang nakasalampak sa sala ng condo unit ni Kurt.
"Bakit kasi nandito ka na naman? " Saad sa kanya ng binata habang abala naman ito sa ginagawa niya sa laptop.
"Mas nakakabagot naman sa bahay 'noh. Lalo na nadoon pa si Hailey, at tsaka nag-hahanda Sila ng pagdating ng mga matanda, reunion nila 'Yun ayaw ko makisali, kaya dito muna ako. "
"Araw araw na lang nandito ka. "
Reklamo ni Kurt sa kanya.
Halata sa boses nito ang pagkairita.
Siguro nagsasawa na ito sa pag-mumukha na kulang na lang tumira siya kasama nito."Ayaw mo 'nun Hindi mo ko mamimiss" Malambing na Saad dito ng bruha na Hindi naman agad pinansin ng binata. At patuloy parin sa ginagawa.
"Date tayo Bebz mamaya. Hmm? Hindi pa kasi tayo lumalabas ng tayo lang 'eh"
Hirit nito dito. Sa Ilang beses niyang tinangka na ayain ito makipag-date ay lagi na lamang siyang nababalewala.Matatapos na ang buwan hindi man lang sila nakapag-date. Kaya naman sinusulit na lang ni Hannah ang pag-punta niya sa condo nito.
At doon niya kinukulit ang binata.
Noong isang araw nga muntik na siyang hindi papasukin ng guard dahil utos daw ni Kurt. Aba'y ang bruha talagang hindi umalis at nagpumuilit na papasukin siya. Wala naman ng nagawa ang binata kundi papasukin ito, dahil sa nag-e-eskandalo na ito sa labas.Bumalik ang ulirat ng bruha ng bigla niyang marinig ang sagot ng binata.
" Bakit pa? Patapos na ang buwan, Tapos na rin ang dare. Tapos na rin tayo. Kaya Hindi na kailangan 'Yan. "
Saad nito na para bang wala lang sa kanya ang sinasabi at Naka-pukos lang ang mga mata sa ginagawa.
'Sarap hampasin ng laptop' saad ng kanyang isipan."You know what Kurt konteng push mo pa, kapag ako napagod na mahalin ka who you ka. "
Saad nito na Hindi naman pinatulan ng binata."Wala ka pala 'eh takot ka rin pala. " Lumapit ito Kay Kurt at yumakap sa likod na lagi niyang ginagawa kapag may pag-kakataon na malalambing niya ang binata.
Tuwang tuwa naman ang bruha dahil sa bukod nakapag-chansing na siya, masaya rin siya dahil sa nagagawa niya ang bagay na iyon na Hindi nagrereklamo ang binata. Hindi gaya ng dati na sobrang layo nito sa kanya. At least ngayon kumportable na siyang lumapit dito kahit minsan sinusungitan siya nito."Isang linggo na lang tapos na ang dare, gusto ko lang ipaalala sayo, baka gusto mo I-extend?" Nakangising saad nito sa binata. Napansin niya naman na bahagyang kumunot ang noo ng binata sa sinabi niya.
"No thanks" simpleng sagot nito.
Napangiwi na lamang ang bruha sa narinig.
"You will miss me seriously Kurt"
-------
"Bakit kasi umalis pa tayo sa condo mo 'eh! " Pagmamaktol ni Hannah sa tabi ni Kurt.
Alas singko na ng hapon ng umalis Sila sa condo ni Kurt at pumunta ng bahay ng mga Suarez.
Hindi siya pinansin ni Kurt at basta na lamang siya nitong iniwan at pumasok na ng bahay nila.
Sa mga oras na 'toh ay nandoon na ang mga magulang niya.Wala Sana siyang balak umuwi ng bahay kaso nga lang basta na lang siya napadpad dito dahil sa binata.
Nang pumasok siya sa loob ay agad niyang napansin ang mga bagong mamahaling furniture sa living area na Hindi pa naaayos at halata mong bagong bago.
![](https://img.wattpad.com/cover/125958264-288-k745853.jpg)
YOU ARE READING
Ang Bruha Na Desperada
RomansaBruha, masamang ugali, walang budhi, baliw, Iyan ang pagkakakilala at sinasabi ng lahat kay Hannah Suarez. Isang malditang maganda iyon ang sabi niya. Malakas, walang nakakatalo at kinatatakutan ng lahat, ngunit bakit pag dating kay KURT ANDREW PECS...