"Ano bayan! Umalis ka nga sa harap ko masyado kang pangit sa paningin ko!...Naalibadbaran ako! Alis!" Inis na sigaw ni Hannah sa isa sa mga kasambahay nila. Nagkukumahog naman na umalis ang kasambahay dahil sa takot.Umaga pa lamang ay mainit na ang kanyang ulo ni Hannah. Paano ba naman ay, pagka-gising niya pa lang, tawag na ng kanyang kaibigan ang bumungad sa kanya.
Isang nakakapang-init ng ulo ang balitang isiniwalat nito sa kanya.
Hindi naman gaano kalaki ang sinabi nito, sadyang hindi niya lang matanggap na siya si Hannah Suarez!Isang Suarez ang tinanggal nila sa listahan ng mga modelo sa walang kwentang proyekto nila.
Kaya naman ganun na lamang ang inis niya sa kasambahay na nakatapon ng juice sa harap niya.
Napagbuntungan niya pa ng galit ang walang kamalay-malay na kasambahay."Hija, Hannah bakit ba ang init na naman ng ulo mo? Kay aga." panimula ng isang may edad na babae siguro ay nasa singkwenta na.
Siya si Nani Lisa na halos buong buhay niya ng kasama, para niya na itong ina, ito na kasi ang nagpalaki sa kanya simula pagkabata.
"Bakit nga pala hindi ka pumasok ngayon?" malambing na tanong sa kanya ng matanda.
Sanay na siya sa ganitong tungo sa kanya ng kanyang Nani. Sa lahat ito lang ang tumuturing sa kanyang pamilya. At ito lang rin ang umiintindi sa ugali niya. Kahit na minsan ay sumusobra na siya.
May pasok sila ngayon ngunit nawalan siya ng gana kaya naman naisipan niyang tumambay muna siya sa kanilang mansyon.
"Nagpapalamig lang ako ng ulo Nani. Masyadong nakaka-stress ang mga tao sa school kaya dito muna ako" paliwanag nito sa matanda. Sabay pilantik sa kamay at inayos ang kanyang buhok.
Narinig niya naman itong tumawa, sa labing siyam na taon na nitong kasama ang dalaga ay sanay na ito sa ugali ng anak anakan niya.
Lumaki kasi si Hannah na tanging ang kanyang Nani lamang ang kasama nito. Dahil sa wala palagi ang kanyang mga magulang, ito na halos naging magulang niya.
Ang mga magulang ni Hannah ay nag t-trabaho sa America kung saan nanduon ang kanilang malaking negosyo. Tanging siya lamang ang naiwan dito sa Pinas samantalang ang kanyang ate Hailey ay isinama ng kanyang magulang. Dalawa lamang silang magkapatid at siya ang bunso.
Kaya naman ay lumaki itong may tampo sa mga ito. Kung bakit dahil ang ate niya ang pinili nitong kasama.
Sa dahilang sakitin ang kanyang ate. Na noo'y ipinangarap rin ni Hannah na sana ay may sakit rin siya para sa gayun ay isama rin siya ng kanyang magulang gaya ng kanyang ate Hailey.
Lumaki si Hannah na sunod sa luho, lahat ng gusto niya dapat makuha niya. Hindi na magtataka kung bakit siya lumaking may galit sa mga tao na hindi siya binibigyan ng atensyon. Siguro'y dahil ito sa kakulangan ng atensyon ng kanyang magulang.
Kaya pinipilit niyang maging angat sa lahat kahit na maraming taong lumalayo sa kanya dahil sa ugali niya.
Kinabukasan napag-pasyahan na niyang pumasok. Nag-aaral siya sa isang pribadong Unibersidad na tanging mayayaman lang ang nakakapasok. Pwera na lamang sa mga iskolar na kinaiinisan niya.
'Kala mo naman kung sinong matatalino porke iskolar, tsk wala namang ganda' sambit ng isip niya.
Isa siyang Business Management student.
At nasa ikalawang taon na ng kolehiyo."Haaaannaaahh babe kanina pa kita hinihintay! Halika na nagbago na ang isip ng organizer kelangan pa nila ng isang model at ikaw ang ni-recommend nila." Saad ng baklang may red scarf sa leeg tila nilalamig kahit na mainit naman ang panahon sa Pinas.

YOU ARE READING
Ang Bruha Na Desperada
RomanceBruha, masamang ugali, walang budhi, baliw, Iyan ang pagkakakilala at sinasabi ng lahat kay Hannah Suarez. Isang malditang maganda iyon ang sabi niya. Malakas, walang nakakatalo at kinatatakutan ng lahat, ngunit bakit pag dating kay KURT ANDREW PECS...