Exactly 1 month na namin dito sa throne academy,. Nothing unusual happen. Bentang benta pa rin kami sa pang-aasar ng ibang mga estudyante. What with the looks ,rich and popularity ba ? Porket mayaman ,maganda,gwapo at popular ka dito sa school. Sikat ka na ? Haixxt'nakakasawa na talaga magpasensya lalo na at pikon na pikon ka na sa mga ginagawa sayo ng mga tao . Pati pambabastos sa privacy namin pinapakealaman. Kagaya na lang ngayon.Tahimik kaming kumakain nila pinky dito sa canteen ng may 3 college students ang lumapit sa table namin. Pagdating kasi sa canteen, pwedeng makapasok ang mga college students sa canteen ng highschool at vice versa.
" hoy mga pangit na nerds!!"
" umalis nga kayo dyan at kakain kami !!" Sabi ng payat na lalaki
" bakit naman kami aalis dito ? Eh kumakain din naman kami ahh..!" Nakataas ang kilay na sabi ni pinky.
" dyan kami uupo at kakain . Saka ang mga tulad nyong pangit walang lugar dito.!! " the nerve naman makapagsalita tong kulot na to ng pangit kala mo naman kung sinong gwapo. Kulot salot talaga.'
Tumayo ako', " eh bakit kayo ? andito pa rin ? Wala rin naman kayong lugar dito sa school ahh ?"
" anong sabi mo ?!! " sigaw sakin ni payatot.
" di ba sabi mo ang mga pangit walang lugar dito ? Eh bakit ang mga tulad nyo !? " sigaw ko sa kanila .. geesh .. ang dami ng estudyanteng tumitingin sa lugar namin. Lagi na lang ba kaming center of attraction ?
" ANONG KARAPATAN MONG SABIHIN YAN HA ?? HINDI MO BA KO KILALA ? ANAK AKO NG HEAD SUPERVISOR NG SCHOOL NA TO !!" Namumula ang mukang sigaw ni kulot sa muka ko.
" MAY-ARI KAMI NG LIMANG 'SILVER AND GOLD ACESSORIES' SA IBA'T-IBANG BRANCH NG HOLY ROSE MALL !! ANG PINAKAMALAKING MALL SA PILIPINAS !! " singit naman ni payat.
Asus!! anong connect ? Saka hello? Isa lang yun sa mga mall nila pinky ahh. Tssk . Lagot ang negosyo mo kay pinky kapag napikon yan. Ang yabang mo kasi ehh. Tumingin ako kay pinky,nakita ko syang nakangisi kay payatot. Tssk.. sabi ko na eh.
Better luck next time..'
" AT STOCKHOLDER ANG PAMILYA NAMIN SA MGA MODELLING AGENCY NG HALLY T. COMPANY!! AT PARA SA KAALAMAN NINYONG MGA PANGIT,NO.1 MODELLING AGENCY YUN KAYA SIKAT KAMI."
Naku naman ' isa pa tong tsonggo na to. Makapagyabang din wala naman sa lugar . Stockholder lang pala.. eh nakapangalan na ang modelling agency na yun kay chlea ahh..
Napatingin din ako kay chlea. Napatigil sya sa pagsubo ng ice cream nya ng marinig nya yung pangalan ng company nya. Ito namang babaing to relax lang eh pinapaalis na nga kami sa mesa at nakikipag-away na nga kami ni pinky. Tiningnan nya yung mukha ni unggoy pababa sa sapatos nya. Saka ngumiti sakin ng nakakaloko. Alam ko ang mga ngiting ganyan ehh.
Hay naku' pasensyahan na lang talaga tayo.
" eh ano namang pakelam namin kung anak kayo ng supervisor.,may-ari ng mga tindahan ng alahas o sa modelling agency na yan ha? WALA KAMING PAKIALAM KAHIT NA SINO PA KAYO !! PARE-PAREHO LANG TAYONG MGA ESTUDYANTE DITO!! " sigaw ko sa kanila.
" aba't ang talas ng dila mong pangit ka ahh !! " sabi ni kulot at tinulak ako sa kaliwang balikat ko. Uso ba ang tulakan dito ? Napaupo naman ako ulit sa upuan ko. Tumayo ako at tinulak ko rin sya ng buong pwersa. Sus! Lampa' napaupo sa sahig.
Bumangon sya at susugurin dapat ako pero may pumunta sa harap ko at tumulak dun kay kulot.
" bakit kayo nanggugulo dito ?" Matigas na sabi nya.
Nakita ko yung pagkabigla sa muka ni kulot at ng mga kasama nya.
"T--tri--tristan.."
" sagutin nyo ko !! Bakit kayo nangugulo sa school ko ? Gusto nyo bang matapos na agad ang masasayang araw nyo dito ?!" Sigaw ni kuya sa kanila.
BINABASA MO ANG
Throne Academy
Teen Fiction"Free to hate me but if your going to judge me.. make sure you will do it correctly. Because even the famous google doesn't know about me.."