chapter 7 ^_^

37 3 0
                                    


May lab experiment kami ngayon sa physics. May hinalo halo kaming mga chemicals to produce something and we will observe what will happen next. Nakagroupings kami.

Kagroup ko si chubby no.1 na si ester, yung payat na lalaki na si philip,yung escort ng klase na si larry , yung isa sa mga alalay ni alexis na si stacy na nalaman kong girlfriend nga talaga ni harold,yung tahimik lang sa klase na si stewart at saka si christian. 7 kami each group. Hinati lang kami sa 3 group since 21 lang naman kami sa klase.

Magkakahiwalay kami nila pinky at chlea ng group. Kagroup ni pinky si klifford at si alexis at saka yung iba naming classmate. Kagroup naman ni chlea si vincent at ang iba pa.

" so after you mix the two primary chemicals, put some titanium to make it thick more.." explain ni Ms. Wella. Ang aming beatiful teacher sa physics.

" hoy Sandagon na pangit ! Ikaw nga maglagay ng titanium, masyadong malagkit,hindi bagay sa kamay ko .." maarteng sabi ni stacy.

" oo nga ang ganda ng kamay mo stacy !, sayang naman kung mababahiran ng malagkit.." sang-ayon naman ni ester.

" si thalia din naman maganda ang kamay ahh.." singit ni stewart.

" so sinasabi mo na magkapantay kami ng ganda ng kamay ni thalia ? ~_^ "

" hindi.."

" mabuti naman alam mo.."

" kasi mas maganda yung kamay ni thalia sayo.. pang prinsesa.." sabi pa ni stewart.

" at panu naman mangyayari yun eh hindi naman nila afford ang bumili ng lotion ? " -->ester

" ahh ehh.. oo nga.. siguro kasi sa binibigay na lotion ng amo ko.." ang alam nga pala dito,nagtatrabaho ako bilang katulong kaya akala nila napakahirap ng buhay ko. Si chlea ang nakaisip,baka maawa naman daw kasi yung mga tao at tigilan na kami. Pero hindi umubra dahil lalo pa silang lumala sa panglalait.

" ganun naman pala..umaasa ka sa bnibigay sayo ng ibang tao para gumanda.. hindi ka naman tinatablan."

" o bakit hindi nyo pa nailalagay yung titanium ?" Tanong samin ni Ms. Wella ng mapadaan sya sa tapat namin.

" si thalia po kasi ang nakatoka sa paglalagay, eh ayaw po nya!" Sumbong ni stacy. sus' sinungaling.

" sabi ko po kasi kay thalia ako na lang ang maglalagay mam." Singit naman ni stewart kaya napatingin kami sa kanya.

" ganun ba ? O sya lagay nyo na at baka hindi nyo pa magawa ng maayos ang experiment nyo." Sabi ni Miss pagkatapos ay umalis na at pumunta sa ibang grupo.

" aba ! aba ! Masyado ka atang mabait dito kay Sandagon ah.." ngumunguyang sabi ni philip.

" naaawa lang ako kina thalia sa mga ginagawa nyo sa kanya.. "

" eh sa sarili mo hindi ka naaawa ? Pano kapag ikaw ang mapagbalingan namin ni princess alexis ?" Sabi ni stacy.

" kaya lang naman malakas ang loob nyong gumawa ng kalokohan ay dahil kay tristan eh. Dahil dikit kayo sa may-ari.."masama ang tingin na sabi ni stewart.

" alam mo naman pala eh.. nakikiepal ka pa!"mariing sabi ni philip.

" anong gusto mo ? Sayo namin gawin ?" Tanong ni stacy na nakataas ang kilay.

" ano ba ? Wag nga kayong magtalo dito," yamot na sabi ni larry sa kanila.

"Yes prince larry .." mapungay ang mga matang sabi ni ester. Pssh.. ang landi!

" hey thalia.,can you keep a distance .. wag ka masyadong didikit sakin.. nadudumihan ako." Mayabang na sabi pa ni larry.

" as if naman gusto kong dumikit sayo ? Christian palit nga tayo ng pwesto,nilalamig ako dito masyadong mahangin!! Hindi naman gwapo! Mas gwapo pa nga yung asong kalye na nakita ko e " naiinis na sabi ko.

Throne AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon