Nag karoon ka na ba ng kaibigan? Hindi lang basta kaibigan yung tipong magkapatid na ang turingan niyo sa isat isa? Ako kasi oo at sobrang saya ko dahil dumating siya sa buhay ko.
Pero sinaktan ka na ba niya? Iniwan ka ba niya? Yung basta nalang nagbago ang lahat sa hindi mo alam na dahilan?
Tinatanong ko sa sarili ko kung may nagawa ba kung mali kung bakit biglang nagbago?
Kung bakit biglang nagkaharang sa pagitan naming dalawa.
Nakaupo lang ako sa sarili kong upuan at nag fefacebook wala naman kasi akong kausap walang akong kaibigan dito sa loob ng classroom ay meron pala kaso parang hindi niya ko nakikita parang hangin lang ako sakanya parang wala kaming pinagsamahang dalawa parang hindi kami magkakilala.
Ang sakit pala nang ganon no? Yung nakikita mo yung kaibigan mo na may bago nang kaibigan? Yung dating katawanan mo iba na ang katawanan.
Yung dati mong kasama para mag lunch sa canteen iba na yung kasama.
Yung dati mong kakwentuhan iba na yung kakwentuhan.
Yung dating kasama mo araw araw ngayon iba na ang kasama.
Di ko namamalayan na may butil na nang luha ang nahulog sa pisngi ko kanina pa pala ako nakatitig sa mga pictures naming dalawa.
Ang sakit pala ang sakit sakit pala no? Totoo nga yung sinasabi nila na mas masakit ang break up ng mag bestfriend kaysa sa mga nasa relationshit.
Pero bakit ganon? Ang unfair bakit parang ako lang yung nasasaktan bakit parang ako lang yung nahihirapan.
Bakit parang ang dali dali lang para sakanya nung nangyari?
Ako kasi durog na durog na ko. Wasak na wasak na yung puso ko ganto siguro talaga pag sobrang minahal mo yung tao ganto siguro talaga pag sobra mong pinahalagahan yung pinagsamahan niyo.
Sabi nila pag mahal mo yung isang tao maging masaya ka kung saan siya masaya.
Pero parang hindi ko ata kaya yun.
"Hmmm... Kira kanina ka pa tinatawag ni sir." Muntik ko nang mahulog ang cellphone na hawak ko ng bigla akong kalabitin ni lilianne ang isa sa pinakatahimik sa mga kaklase ko.
Magsasalita lang siya kung may nagtatanong sa kanya minsan nga tango lang ang isasagot niya.ibubuka lang niya ang bibig niya kapag importante ang kailangan niyang sabihin at ang madalas niyang kaharap ay ang mga nagkakapalang libro hindi naman siya nerd wala siyang makapal na salamin hindi rin naka braid ang buhok niya at wala rin siyang pimples.
"Ms.fornell anong nagyayari sayo? Masama ba ang pakiramdam mo? Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo 'ko pinapansin nasaang lupalop ng planeta ka?"
Hindi ko man lang napansin na na may teacher na pala sa harapan dahil sa dami ng iniisip ko. Agad kong pinatay ang cellphone ko at inilagay sa bulsa ko bago tumayo.
"Okay lang po ako sir pasensya na po."
"Nasa katinuan ka na ba?"
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ni sir tuloy ang sarap magpalamon sa lupa sa mga oras na'to.
Bakit baliw ba 'ko kanina?sinapian ba 'ko?
"Yes sir sorry po." Nahihiyang sabi ko.
Tumango naman ito sa'kin at isinenyas na maupo na ako na agad ko namang sinunod.
Habang nagkaklase hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa gawi kung saan nakaupo si mixsy katulad nang dati ay seryosong seryoso siyang nakikinig sa itinuturo ni sir.
Nagulat ako nang magtama ang
Mga paningin namin nginitian ko siya kaso agad din siyang nag iwas ng tingin.Parang sinaksak ng karayom ang puso dahil sa ginawa niya.
Hindi ako sanay at hindi ko alam kung masasanay ba 'ko sa ganong pakikitungo niya sakin.
Sa katabi kong upuan kung saan nakalagay ang bag ko kinuha ko ang notebook at ballpen ko para mag sulat.
Dapat siya ang katabi ko ngayon dapat hindi bakante ang upuang katabi ko.
Pagkatapos ng nakakabagot na klase ay pumunta akong mag isa sa canteen para kumain.
Ampangit pala sa pakiramdam pag mag isa ka lang feeling mo ikaw na yung pinaka nakakaawang tao sa buong mundo.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainggit sa mga nakakasalubong ko papunta sa canteen halos lahat sila ay may kasama.
Biglang nag init nanaman ang sulok ng mata ko ng dumaan sa harapan ko si mixsy kasama ang bago niyang kaibigang si aubrey nakasampay ang mga kamay ni aubrey sa braso ni mixsy.
Dapat ako yan eh. Ganyan lagi kami pag magkasama.
Agad akong tumakbo papuntang cr ng maramdaman kong nag uunahan nanaman ang mga luha ko.
"Ang hina mo! Ang hina hina mo!" Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang paghampas ko ng kamao ko sa dibdib ko.
Hindi ako makahinga.
Sumisikip ang dibdib ko.
Ang babaw ko no? Pero wala eh sobra ko talagang minahal ang bestfriend kong si mixsy.
Agad akong naghilamos ng may narinig akong paparating ayokong may makakita kung gaano ako kahina.
"Ahm miss okay ka lang?" Tanong saakin ng babaeng kakapasok lang.
Meron siyang malaking hinaharap yun talaga yung una kong napansin eh kasi nga malaki. Bigla tuloy akong nahiya ng mapatingin ako sa hinaharap ko
Meron siyang mahaba at pa alon alon na buhok kulay gray din ang mga mata niya na malamang ay may contact lense mamula mula din ang pisngi niya na halatang natural hindi rin niya ginawang coloring book ang mukha niya kaya makikita mo talaga ang natural niyang ganda.
"Ah oo okay lang ako salamat." Pinilit kong ngumiti sa harapan niya at alam kong nahalata niyang pilit ang ngiting yun.
Ngumiti ulit ako sakanya bago ako nag paalam na mauuna na ako.
Pag karating ko sa canteen ay wala na masyadong nakapila kaya agad akong bumili ng makakapagpasaya sakin kahit na ilang minuto lang.
"One chocolate ice cream po." Sabi ko sabay abot ng bayad.
"Bakit di kayo magkasama ng kambal mo? Himala di kayo magkadikit." Natatawang sabi ni ateng tindera
"Ahm di ko po alam eh." Sabi ko sabay ngiting plastik.
"Bakit?anong nangyari? Oh!ayun pala siya oh!" Sabi ni ate sabay may tinuro kaya napatingin din ako sa gawing kanan ko kung saan siya nakaturo.
Agad akong nagiwas ng tingin ng makita ko siyang masayang masayang kumakain kasama ng iba.
" mag ka awa—" hindi ko na pinapatapos pa ang sasabihin niya ng magsalita ako.
"Ate yung ice cream ko."
Nang makuha ko ang binili ko ay agad akong naupo sa bakanteng upuan malapit sa glass window mula sa pwesto ko ay kitang kita ko ang field kung saan nandon ang mga magjojowang maghihiwalay din naman.
Nandon din yung mga magkakaibigan na nag phophotoshoot para sa pang profile picture o kaya naman pang Instagram.
Meron din namang mga nakaupo lang sa damuhan nag sesenti ganern.
Parang ako.