"Pa! Pupunta 'ko sa mall show ni darren ah?" Kahit na alam kong papayagan naman ako ay nag paalam pa rin ako baka kasi kung saan nila ako hagilapin bukas katulad nung nakaraang mall show ni Darren sa sobrang pag ka excite ko nakalimutan ko ng mag paalam sa kanila kaya ayon kung saan saan nila ako hinanap di ko rin napansing tinatawagan pala nila 'ko pano ko mapapansin eh busy ako kay Darren.
"Saan 'yon? Sinong kasama mo?" Tanong niya habang busy sa kanyang cellphone kakauwi lang nila pero trabaho nanaman. sasabihin ko nga kay mama na mag out of town sila para naman makapag relax relax sila puro nalang kasi trabaho baka mamaya mabaliw na silang dalawa kawawa naman ako.
"Dyan lang sa SM pa kasama ko naman si Yatts kaya Don't worry about me po."
I'm so Excited to see you Darren it's been a month since the last time I saw you.
"Okay then. But please be safe okay?"
"Yes po! thanks pa!"
"It's merienda time!" Sigaw ni mama mula sa Dining room kaya agad kaming tumayo ni papa mula sa pag kakaupo sa sofa pinatay niya muna ang kanyang phone at inilagay sa bulsa niya. isinukbit ko naman ang kamay ko sa braso niya gaya ng lagi kong ginagawa bahagya naman niyang ginulo ang buhok ko dahil do'n.
Pagkapasok namin sa Dining room ay agad akong humiwalay kay papa at agad akong kumuha ng brownies God! Namiss ko 'to!
Narinig ko naman na natawa si mama at papa dahil sa ginawa ko.nang matawag ni manang si ate Dianne ay sabay sabay na kaming nag merienda.
"Where's Aeron pala Baby?"
"Ahm. Nasa Driving school po siya ngayon ma."
"Kung mag aral ka rin kaya mag drive princess?"
Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni papa ako? Mag aaral mag drive? Hell no! Para saan? Ayoko pa mamatay no! May driver naman bakit kailangan ko pang mag aral? Tsaka may paa naman ako para makapag lakad kaya hindi na kailangan.
"Ayoko po pa." Nakangusong sabi ko sakanya na ikinatawa naman niya.
"Princess you need to learn how to drive hindi naman habang buhay ay magkasama kayo ni Aeron paano kung wala siya? Sinong mag da drive sayo?"
Ano ba yan si papa ginagawang issue ang driving. Paano kung wala si Aeron? Edi si manong Driver o kaya naman mag cocommute ako o kaya lakad I have a lot of choices!
"Papa madaming paraan madaming sasakyan diyan sa kalsada na pwede kong sakyan kung saan ko gusto mo mag punta." Tama naman ako diba? Babayaran mo lang sila tapos boom! Makakarating ka na sa gusto mong puntahan!
"Hindi na safe ngayon."
Bumuntong hininga nalang ako at hindi na nakipag talo pa pagkatapos naming mag merienda ay umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga kailangan ko ng energy para bukas.
Hindi ko alam kung ano ng gagawin kong pwesto dito sa kama ko hindi ako makatulog. kaya para akong bulating inasinan dahil paggulong gulong ako sa kama tumayo nalang ako at sinet up Ang Dvd manonood nalang muna ako baka sakaling dalawin ako mamaya ng antok.
Hihiga na sana ako sa kama ng mag vibrate ang cellphone ko sa side table. Agad na kumunot ang noo ko ng mapansing unregistered number ang nag text agad kung binuksan ang massage at halos pag pawisan ako sa nakita ko.
Hindi ako pwedeng magkamali siya to.
Bakit sila magkasama? Sino siya?
Huminga ako ng malalim bago pinatay ang cellphone ko. kumuha ako ng bottled water at atsaka ko uminom doon.
Wala siya saking nakwekwento na kahit ano kaya nakakapag takha talaga.
Inalis ko nalang sa isip ko ang nakita ko ano naman kung may kasama siyang iba? Wala dapat akong pake gawin niya kung anong gusto niyang gawin hindi ko siya pipigilan hindi ko siya pagbabawalan sino ba naman ako diba? I'm just his bestfriend.