chapter 16

8 0 0
                                    

"Magandang araw po!" Grabe ang ganda talaga dito sa farm! Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling tumulong para mag harvest ng mga Strawberries kahit hindi naman ako kumakain nito.

"Uy!Magandang araw kira! Ngayon ka nalang ulit napadalaw dito sa farm ah!" Masayang sabi ni kuya rolly habang hawak hawak ang basket na gawa sa kahoy hindi ko alam ang tawag don eh.

"Oo nga po eh!" Andami ng strawberry! Buti nalang sinabi sakin ni manang na ngayon ang araw na mag haharvest ng mga strawberries gustong gusto ko kasi na nakikita ang farm na hitik na hitik sa bunga ang ganda kaya tingnan tapos nakakawala pa ng stress yung atmosphere.

Wow...fresh air.

Sayang di ko kasama si Aeron di tuloy niya makikita ng personal ang mga 'to hanggang picture lang.

Tsaka di rin siya makakalanghap ng sariwang hangin hindi ko naman kasi pwedeng ilagay sa isang plastic yun diba? Ano abnormal lang?

"Kuya rolly pwedeng pahiram niyan?" Tinuro ko yung hawak niyang basket na gawa sa kahoy para don ko ilalagay yung mga pipitasin ko yieee! Exciting!

"Oh ito. Gusto mo bang pasamahan kita sa isa sa mga tao dito sa farm?"

"Wag na po kuya Rolly kasama ko naman po si Ate dianne may kinuha lang po siya sa sasakyan."

"Oh sige. Basta pag may kailangan ka ipatawag mo lang ako ha?"

"Sige po kuya!"  Kahit Excited na ako libutin itong farm pero hinintay ko muna si ate dianne kung san niya sinabing hintayin ko siya.

Maya maya lang ay nakita ko na siyang naglalakad papalapit sa gawi ko balot na balot siya ganon din naman ako dahil nga malamig dito nakasuot pa siya ng salamin. Wow! Ate Papicture!

Syempre hindi lang naman pag haharvest ng mga strawberries ang pinunta niyan dito mag pipictorial din yan.

Kaya habang naglalakad siya ay itinaas ko na ang nakasabit kong camera sa leeg at kinuhaan ko siya may palipad pa ng buhok effect.

" akin na yan." Kinuha niya sakin ang hawak kong basket at nag umpisa na kaming maglibot libot panay ang bati samin ng mga tauhan ni papa dahil matagal na bago ulit ako  nakapunta dito kaya tuwang tuwa naman sila na makita ulit ako.

Kinuha saakin ni ate dianne ang camera ko at siya ang gumagamit non minsan pag pumipitas ako ng strawberry ay kukuhaan niya ako ng picture.

"Ang dami!" Tuwang tuwa ako habang nakatingin sa basket na hiniram ko kay kuya Rolly napuno na kasi namin yun at hindi pa ako kuntento gusto ko pa mamitas kaya naman iniwan nalang namin ang basket na may lamang pinitas namin ipapakuha nalang namin sa isa sa mga tao at kukuha kami ng bagong basket!yoooooohooo!

"Kuya Rolly!" Rinig kong tawag ni ate dianne kay kuya Rolly ako naman busy ako sa pagkuha ng mga picture ang ganda talaga dito gusto ko pa sana mag stay ng matagal kaya lang may pasok na kinabukasan kaya mamayang gabi ay uuwi na kami diba? Bitin na bitin? Nakakainis nga eh hindi kasi ako pwedeng umabsent baka pagalitan ako ni papa. Pero wala naman sila eh hindi naman nila malalaman na umabsent ako unless may magsabi sakanila.

Tsk! Si manang! Si ate dianne! Oo baka mag sumbong silang dalawa kaya wag nalang next time nalang tsaka tatawagan din nila ako hindi pa naman ako magaling mag sinungaling slight lang.

Tsaka malamang sa alamang tatawagan ni Papa si kumag para sa update kung may ginagawa ba akong kalokohan hayst! Andaming matang naka masid sa mga galaw ko kainis.

Pagkatapos naming mapuno ang basket na hiniram ni ate dianne ay nag gala gala pa kami  picture dito picture doon picture everywhere!

Busy ako sa pagkuha ng mga picture gamit ang camera kong nakasabit sa leeg ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.

Yatty pogi calling...

"Hello yatts!" Bungad ko ng sagutin ko ang tawag niya.

"Hey!yatty! Kumain ka na ba?malamang oo ang takaw mo eh!"

Bwiset na lalaki 'to! Tumawag lang para mang asar!

Pero mali kaya siya hindi pa kami kumakain kaya nga nagwewelga na yung mga bulati ko sa tiyan eh.

"Hindi pa kaya ako kumakain." Nakangusong sabi ko na akala mo naman nakikita niya 'ko.

"Wow! Talaga? Kaya mong hindi kumain?" Sabi niya sabay hagalpak ng tawa sa kabilang linya.

"Bwiset!" Naiinis kong sabi sabay pinatay ko na ang tawag ang ganda ganda ng araw ko eh tapos panay ang pang aasar niya sapakin ko siya eh!

Naiinis kong kinuha ang cellphone ko ng maramdaman kong nag vibrate nanaman ito

1 new message..

It's from yatts pogi.

Yatty kumain ka na baka mas lalo kang pumayat matangay ka na ng hangin whahahaha!

Bwiset talaga punyemas! humanda ka sakin pag ako nakabalik diyan! Hindi naman ako ganon kapayat tama lang ang katawan ko hindi mataba hindi rin payat at parang kahit anong kain ko ay hindi na ako tataba.

Hindi nalang ako nag reply dahil baka ano pang masabi ko dahil sa sobrang inis ko sakanya ang hilig niyang mang asar nakakasura.

May nakita kaming lomihan kaya kumain muna kami ni ate naka dalawang magkok ako dahil sa sobrang gutom at masarap din ang lomi kaya mapapa 'ate!isa pa nga po!' Ka talaga.

Tawang tawa sakin si ate dianne dahil kahit saang lugar daw eh ang takaw takaw ko bakit kailangan ba may lugar kung saan lang pwede maging matakaw? Wala naman ah!

"Ang sarap dito ate 'no? Sariwa rin yung hangin di katulad dun sa lugar natin polluted Air."

"Anong masarap kira natikman mo? Lasa?" Natatawang sabi niya habang kumakain ng taho strawberry flavor.

" I mean ang sarap sa pakiramdam dito yung atmosphere kasi!" Nakakabwiset ang pilosopo!

"Haha biro lang! Oo nga kung pwede nga lang sana tayo mag stay ng matagal dito."

"Pag wala na tayong pasok dito tayo mag gagala mag papaalam ako kay papa."

"Payag yun for sure! Ayaw mo talaga?" Itinaas niya ang plastic cup na may lamang taho at ipinakita saakin nakangiwing umiling iling naman ako di ako kakain niyan kahit kailan.

I really hate strawberry,pineapple and Rambutan.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon