chapter 17

4 0 0
                                    

"YATTY!!GISING!LATE NA TAYO!" Isang malakas na hampas ng unan ang gumising sa natutulog kong diwa gusto ko pa matulog pagod na pagod ako dahil sa biyahe at gusto ko lang magpahinga buong araw pero may isang kumag ang pumasok sa kwarto ko para lang mambulabog.

"Yatts! Inaantok pa 'ko give me five minutes more." Nakapikit kong sabi sakanya parang ayoko pumasok ngayon.

" No!Come on! Yatty! Get up! We're already late!" Naramdaman kong sumampa siya sa kama at itinayo niya ako mula sa pagkakahiga nakapikit akong bumangon pero nakaupo pa rin ako sa aking kama.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinulungan akong tumayo nakapikit pa rin ako hanggang ngayon dahil talaga namang nakakaantok hinawakan niya ako sa braso at nasa likod ko siya habang itinutulak ako papuntang banyo.

"YATTY!Ano!? Ako pa mag papaligo sayo? Bilisan mo na!" Iminulat ko ang mata ko at sandaling nag unat unat at pumasok na sa banyo dahil mukhang inis na inis na itong si kumag.

Hindi na ako nag tagal sa banyo binilisan ko talaga kahit alam ko namang hindi na kami aabot sa first subject namin.

Pagkatapos kung mag ayos ng sarili ay bumaba na ako at nakita ko si Aeron na mukhang nakahinga ng maluwag ng makita niya akong pababa ng hagdan.

Pupunta sana akong kusina ng bigla niya akong pinigilan.

"Manang! Aalis na po kami!" Sigaw niya at hindi na niya hinintay ang sasabihin ni manang dahil mabilis na niya akong hinila palabas ng bahay.

"Hindi pa ko kumakain I'm hungry." Reklamo ko habang binabaybay namin ang daan papuntang school traffic ngayon dahil may salpukan daw ng sasakyan kaya bumagal ang daloy ng mga sasakyan ito namang si kumag singit lang ng singit over take ng over take ang galing niya lumusot sa mga sasakyan nakakabilib pero nakakatakot din.

"It's your fault. Mag tiis ka."

Napanguso nalang ako dahil sa sinabi niya. Ang sama niya.

It's our first time na ma late kami kaya mukhang badtrip siya panigurado kasing paglilinisin kami.

Hays. Sana wag sa cr

Pag dating namin sa school ay may ilan ilan ding palakad lakad mga late din katulad namin.

Pagdating namin sa room sakto namang paglabas ng first teacher namin agad na tumaas ang isang kilay ni sir ng makita kami.

"In my faculty.lunch time." Sabi niya.

Agad naman akong nanlumo ibigsabihin hindi kami makakapag lunch jusko nagugutom pa naman ako nagwewelga na ang mga alaga ko sa tiyan baka sa sobrang gutom nila ay kainin na nila ang mga organs ko halaaaaa! ayoko pa mamataaaay!

Nakanguso akong pumasok sa loob ng room at umupo sa sarili kong upuan ganon din ang ginawa ni Aeron.

Tahimik lang kami habang hinihintay ang susunod na subject teacher pero hindi ko maiwasang hindi mapapadyak sa sobrang pagkainis nagugutom na talaga ako at nararamdan ko na ang pag sakit ng tiyan ko nakikita ko naman sa gilid ng mata ko na panay ang pagpipigil ng tawa ni kumag.

Maya maya lang ay tumunog ang tiyan ko kinuha ko ang notebook ni Aeron na nakalapag sa mesa niya at itinakip ko sa mukha ko grabe nakakahiya napatingin ang ilang mga kaklase ko sakin.

Naramdaman ko rin ang paginit ng pisngi ko sa labis na hiya kaya mas lalo kong itinakip sa mukha ko ang notebook niya.

"Hahahahaha!" Hindi na niya napigilan at humagalpak na siya ng tawa parang nangangati yung kamay ko parang ang sarap manapak.

"Stop!laughing!" Inis kong ibinto sakanya ang notebook niya na nasalo naman agad niya.

"Your face is Red like tomato!haha!"

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon