chapter 6

11 1 0
                                    

"Ikaw ba yon?" Tanong ni sir sa taong nasa labas pa rin ng classroom na inistorbo ang klase namin.

"Yes sir."

Bakit  Pamilyar yung boses niya?

"Okay. Come in." Sabi ni sir at imwinestra pa ang kamay sa harapan.

Napangiti ako ng makita ang lalaking bagong kaibigan ko kuno.

Anong ginagawa ng asungot na'to dito? Nagpalipat siya? Pero sa pagkakaalam ko hindi na pwede.

Nang nasa harapan na siya ay luminga linga ang asungot na parang may hinahanap at ng magtama ang mga mata namin ngumiti nanaman siya yung ngiting gustong gusto ko laging nakikita ewan ko ba ang ganda kasi talaga ng ngiti niya kakaiba.

"Hey. I'm Aeron silvestre." Pagkatapos niyang sabihin ang nakapakahaba niyang litanya ay agad siyang naglakad patungo sa gawi ko dahil sa tabi ko lang naman ang may bakanteng upuan.

Kinuha ko ang bag ko na nakalagay sa upuang katabi ko at isinabit ko iyon sa upuang nasa unahan ko.

"Hey kira!" Masayang sabi nito ng nakaupo na siya sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko ng hindi man lang siya nililingon dahil nag uumpisa na ulit si sir sa naudlot niyang pagtuturo hininaan ko rin ang boses ko dahil baka may makarinig saamin.

"Bawal ba'ko dito?" Balik tanong niya at nakikita ko sa gilid ng mata ko na isinusulat niya ang mga nasa board.

Wow sipag!

"Hindi naman pero kasi nakakapagtaka lang bawal na kayang magpalipat ng section."

"Magaling ako eh." Sabi niya sabay tingin saakin itinaas baba niya pa ang dalawa niyang kilay saakin.

Buti nalang nagpalipat siya palagi nalang kasi akong mag isa sa isang sulok at walang kausap nakakabwiset din kaya yung ganon no!

Pagkatapos ng tatlong nakakabagot na klase ay tumunog na ang bell senyales na break time na.

"ano sasabay ka ba?" Tanong ko kay Aeron dahil mukhang wala siyang balak mag lunch.

"yatty." Sabi niya na mukhang hinang hina.

Anong nangyayari dito sa asungot na'to?tsaka ano daw yatty?

"Kira Aeron not yatty."

"Starting today yan na ang tawag ko sayo" sabi niya habang nakatakip ang mga palad sa mukha.

Bakit andami niyang alam? May pa yatty yatty pa siyang nalalaman jusme sumasakit ang ulo ko sa lalaking 'to!

"Yatty? Eh ano namang meaning niyan?" Nakapamewang ako sa harapan niya ng nakataas pa ang kilay.

"Dunno. Nakita ko lang ang cute eh."

Bakit ganon yung boses niya? Parang ang tamlay tamlay? hindi naman siya ganyan kanina ah?

"Okay. Pero tara na sa canteen nagugutom na ko."

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko nakapikit ito na parang hinang hina.

"Oi!anong nangyayari sayo?" Tinapik tapik ko pa ang mukha niya dahil nakapikit pa rin ito.

"Yatty masakit ang ulo ko." Sabi niya habang nakapikit na tumayo para siyang tamad na tamad kumilos.

"Tara sa clinic." hinayaan kong nakawak ang kamay niya sa kamay ko at nararamdan kong mainit ang palad niya hinila ko siya palabas ng room naka dilat na ito pero halatang gustong gusto niyang pumikit.

"Oi! Masakit lang ang ulo mo ah! Wag kang mahihimatay! Hindi kita kaya!iiwan kitang nakasalampak sa sahig tingnan mo!" Pagbabanta ko sakanya dahil sa sobrang bagal niyang maglakad na aakalain mong matutumba ano mang oras.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon