"Hey!" Jusko! Bakit andito na ang babaeng 'to? Ang aga aga pa! Excited ba siyang makasama ako? Aww. Ang sweet naman niya baka namiss niya ko?
"Hi. Can we start now? I have an important thing to do later eh." Ah yun pala yun gusto niya matapos kami ng maaga kasi may gaaawin pa siyang mas importante kesa sa grades niya.
" ahm.okay.Take a sit." Dati aakalain mong siya ang may ari ng bahay kapag andito siya samin ngayon parang isa lang siyang bisita na ngayon lang nakarating sa bahay namin.
Umupo naman siya kaagad sa sofa at nagpakabusy sa cellphone niya pumunta muna ako sa kusina para sabihan si manang na dalhan kami ng makakain mayamaya.
"Tara doon tayo sa study room?" Agaw ko sa atensyon niya dahil mukha siyang baliw na nakaharap sa cellphone niya at ngingiti ngiti pa.
Nag wawattpad yan for sure! Buti pa yung friendship nila ni wattpad mukhang hanggang kamatayan na eh yung amin wala na kainggit naman sana ako nalang si wattpad.
"Uy! Mixsy! Long time no see!" Abot tenga ang ngiti ni Ate dianne ng makasalabong namin siya na pababa ng hagdan.
"Hi." Masayang bati niya rin kay ate.
Awkward.
Nauna na 'kong umakyat dahil mukhang mag chichikahan pa silang dalawa. pagdating ko sa study room ay nakaayos na lahat ng gagamitin naming materials bumalik ako sa kwarto ko para kuhanin ang laptop ko.
"Ako nang bahala sa pag dedesign." Sinimulan na niyang mag gupit ng kung ano anong kaechosan para sa ikagaganda ng gawa namin mas mataas kasi ang makukuha naming grade pag may mga ganong Eklabush.
Ako naman ang bahala about sa mga information peste ang dami pala nito buti nalang uso ang copy paste kaya ayun click lang ng click hindi ko na rin mabilang kung ilang bond paper na ba ang nagagamit ko buti nalang may printer kami kasi hindi ko alam kung mag kano ang aabutin nito sa sobrang kapal!
Tapos ibabasura lang ni sir? Jusko! Madaming masasayang 'no!yung ink! Yung bond paper! Tapos kuryente pa! Kaya makita ko lang 'to sa basurahan ipapatapon ko siya kung saan nakatira si stitch!
"Hey!hey! Yatty! Kain muka kayo!" Bayun! Hanggang ngayon ba naman? Di ba siya nag sasawa sa pag mumukha ko? Kulang na nga lang dalhin niya yung mga gamit niya dito sa bahay eh.
Inilapag niya sa table ang dala dala niyang tray na merong orange juice at brownies.
Teka? Bakit nga pala may brownies? Eh wala naman si mama? Ahh. Baka pinabili ni manang kay ate dianne.
"Hi!" Bati niya kay mixsy na tumigil sakanyang ginawa para lang tingnan siya.
"Hello!kaklase kita diba? Why are you here?" Takang tanong niya.
"Hmmm. Because this is may bestfriend's house?"
Gulat siyang napatingin saakin at kay Aeron bakit ka naman gulat na gulat? Akala mo ba ikaw lang ang pwedeng mag karoon ng bagong kaibigan? akala mo ba sayo nalang iikot ang mundo ko? Dati mixsy oo pero ngayon hindi na pagkatapos mo kong ipagtabuyan? Pagkatapos mong ipamukha sakin na hindi mo na ko kailangan?
Kailangan mong tanggapin ang mga pagbabago sa buhay mo. hindi lahat ng tao forever mo ng kasama hindi yun mangyayari kasi walang ganon. Hindi lahat mag iistay sa tabi mo kaya mas maganda kong hindi ka masyadong maaattach sa kanila kasi once na iwan ka nila mahihirapan ka at masasaktan ka pa ng sobra sobra.
"Ahh. I'm mixsy by the way." Sabi niya sabay lahad ng kamay niya.
"Aeron." Kinuha naman ni Aeron ang nakalahad na kamay ni mixsy at nag shake hands silang dalawa.