"Good morning my princess!" Masiglang bati ni papa saakin pagkababa na pagkababa ko ng hagdan pagkatapos kong maghanda para sa pagpasok.
"Good morning baby!" Bati din saakin ni mama habang inaayos ang breakfast.
"Good morning ma!pa!"bati ko sakanilang dalawa humalik muna ako sa pisngi nila bago ako umupo.
Nilagyan ko ng fried rice at hotdog ang plato ko at nag umpisa na akong kumain tutal ay hindi naman ako kasali sa pag uusap nilang dalawa tungkol sa farm naman kasi eh wala naman akong alam don no!
"Princess how's mixsy?"
"Mukhang okay lang naman siya pa." Sabi ko habang ang atensyon ko ay nasa kinakain parin.
"Mag bebake ako mamaya para sa meryenda niyong dalawa!" Excited na sabi ni mama.
"She's not going here." Matabang na sabi ko sabay inom ng paborito kong milo.
"Huh?why?"
"Hindi ko po alam don bye ma!bye pa!" Mabilis ko nang tinapos ang pagkain ko at agad na lumabas ng bahay dahil alam kong magtatanong sila ng magtatanong sakin.
Ilang metro din ang nilakad ko bago ako nakalabas ng subdivision.
Hindi ko alam kung ilang beses na akong nasabihang tanga ni mixsy dahil daw sa kabaliwang kong 'to.
Ang tanga tanga ko daw kasi nagpapakapagod pa ko dahil sa paglalakad ang tanga tanga ko daw kasi may sarili naman daw kaming sasakyan nakikipagsiksikan pa ko sa masikip na jeep.
Hindi ko alam kung bakit pero ito talaga trip ko sa buhay.
Ilang minuto pa ko nag antay sa sa sakayan ng jeep bago may dumating na dadaan sa school.
Katulad ng lagi kong ginagawa isinuot ko ang earphones ko at nakinig ng paborito kong kanta ni Darren Espanto na paminsan minsan ay sinasabayan ko.
Ang ayoko sa jeep ay yung mga nag papaabot ng mga bayad nila kaya naman sa pinakadulo ako nauupo para walang istorbo.
Kumuha ako ng pera sa wallet ko na nakalagay sa bag at inabot ko iyon kay ateng kasunod ko.
Tinanggal ko muna yung isang Earphone ko pero ang isa ay nanatiling nasa kaliwang tenga ko.
"Saan to?" Tanong ng konduktor ng makarating na sakanya ang bayad ko.
"Isang Montessori valley po!"
"Wala ka bang barya? Anlaki nito eh!" Sabi niya sabay itinaas ang five hundred pesos na ibinayad ko.
"Keep the change nalang po kuya!"
"Salamat ganda!" Masayang sabi niya saakin.
Togoinks! Nang bola pa!
Nang tumigil ang jeep sa tapat ng school ay agad akong bumaba at gumilid dahil ayoko pang mamatay at hindi pa ako handa.
Kaya ko naman ng mag punta sa ibat ibang lugar pero itawid mo muna ako dahil hindi ako marunong.
Malaki ang pasasalamat ko dahil itinawid ako ni kuyang palaging nasa gitna ng kalsada na nakasuot ng vest na glow in the dark.
"Salamat po kuya."
Marami akong nakakasabay na mga Estudyante papasok ng school kahit masyado pang maaga.
Pinili ko na lamang na maupo muna sa bench na nakalagay sa ilalim ng puno dahil ayoko pang pumasok dahil sigurado ako na nandon na si mixsy.
"I was too dumb to notice
That there’s something about you
What am I supposed to do
I sure wish I knew
All the butterflies I felt inside
Never really mattered
Wishful thoughts inside and smiles
End up being shatteredWhat are we supposed to be
I’m hopelessly addicted to you
But you never felt the same
Time may pass us by
But you stay stuck on my mind
And that moment we stand that night
I thought it was right
But maybe I was wrong all along
I held onto something that never really mattered
Stuck on that starting line
I’m still silently, quietly hoping you’ll end up with me"Damang dama ko pa yung pagsabay ko sa kanta ni darren may papikit pikit pa kong nalalaman bigla tuloy akong napamulat ng mata dahil naalala kong wala pala ko sa bahay.
Napatingin ako sa paligid ko may ilan ilang dumadaan at napapatingin sakin jusko ang sarap Sabahing.
"Lupa!bumukas ka ngayon na! "
Agad kong kinuha ang bag ko at isinabit iyon sa balikat ko mabilis akong naglakad papunta sa classroom di na ako nag abalang lumingon pa dahil sobrang nakakahiya yung nangyari kanina.
Pagpasok ko sa classroom as usual may kanya kanya nanaman silang mga mundo may nagkikilay,may humiheadbang,may mga tutok na tutok sa mga cellphone nila na malamang nagbabasa sa wattpad dahil nangingiti mag isa,may mga nagchichikahan at siyempre may nag iisang nakikipag date nanaman sa libro niya.
Inilagay ko muna sa bakanteng upuan ang bag ko dahil wala namang nakaupo don tsaka ako naupo sa sarili kong upuan at pumangalumbaba wala naman kasi akong friend na pwede kong makichikahan alangan namang kausapin ko sarili ko diba? Edi nagmukha akong baliw.
Ilang minuto rin akong nakapangalumbaba at nagmamasid masid bago dumating ang teacher para sa unang subject.
Pagkatapos ng nakakabagot na talakayan ay agad na akong lumabas sa classroom para mag punta sa library.
Andaming assignment letche at dahil mabait akong Estudyante hindi muna ako uuwi at makikipag date ako sa mga libro mag aala lilianne muna ako.
Tahimik kong tinatahak ang daan papuntang library Medyo kunti nalang ang nakikita kong Estudyante dahil uwian na.
"Ahm.Miss pwede mag tanong?" Napatingin ako sa lalaking kasalukuyang humaharang sa daanan ko.
Matangkad siya at merong maputing balat Yung lips niya pink feeling ko may lipstick siya hmmm... Baka naman shokla siya?
"Nag tatanong ka na."
"Gusto ko lang itanong kong nasan yung library kasi bago ako dito eh." Yeah. Ngayon ko nga lang siya nakita dito.
"Tara sabay na tayo do'n din ang punta ko eh!"
"Thank you." Nakangiting sabi niya tuloy ay kitang kita ko ang taas at babang ngipin niya na may nakalagay na black brace.
And i find him cute.
Sabay kaming nagpunta sa library at hinanap ang kailangan naming libro akala ko ay pag dating namin sa library ay hihiwalay na siya sakin pero hindi kahit sa upuan ay magkatabi kami hindi naman ako maarteng tao kaya okay lang.
Nang matapos akong magbasa ay hinayaan ko munang makapagpahinga ang utak ko.
Napatingin ako sa lalaking katabi ko tahimik siyang nagbabasa at bahagyang nakakunot ang kanyang noo.
"Tapos ka na?" Tanong niya sakin.
La?feeling close.
"Hmm.Yeah!"
"Let's go."
Feeling ko hindi pa siya tapos sa binabasa niya. Nauna na siyang maglakad kaya naman sumunod na rin ako.
" ahm. Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya sakin ng malapit na kami sa gate ng school.
"I'm kira."
"Aeron." Nakangiting sabi niya sabay lahad ng kamay niya saakin nakangiting tinanggap ko naman iyon.
----------
Stuck by Darren Espanto