chapter 19

7 0 0
                                    

"Hey!vryan!"

"Hi!

" hey! Tara!pasok kayo!"

Pumasok na kami sa bahay nila vryan yung partner ni yatts. ngayon kasi sila gagawa ng performance task ewan ko ba dito kay Aeron bakit kailangan kasama pa 'ko eh wala naman akong gagawin dito.

Nang nasa living room na nila kami ay nagulat ako ng may makita akong asong komportableng nakahiga sa sofa grabe ang cute ang kapal ng balahibo niya tapos ang cute pa ng kulay.

"Upo muna kayo." Sabi ni vryan at dumiretso siya sa kitchen nila.

"Yatts ang cute niya no?" Turo ko pa sa natutulog na aso hindi niya ata naramdaman na may dumating na tao kaya hindi siya nagising puyat ata nanood ng kdrama.

"Yeah."

Maya maya lang ay may dumating na kasambahay sa sala at may dala dala ng meryenda.

Nag umpisa na rin sila Aeron na gumawa ng kailangan nilang gawin. dito nalang sila gumawa dahil sira daw ang Aircon sa study room nila vryan.

"Ang cute mo! what's your name?" Pag kausap ko pa sa asong nasa kandungan ko nagising siya kanina eh naingayan yata siya.

"Ubra bang kausapin yung aso?" Epal talaga ang kumag na'to papansin masyado.

"Epaaaaal!walang friends." Pang aasar ko pa sakanya.

"Her name is Sisi." Sabi ni vryan na naka focus sa kanyang laptop.

"Alaga mo?" Tanong ko habang patuloy lang sa paghaplos sa makapal na balahibo nitong asong 'to  mukhang gusto niya naman ang ginagawa ko dahil may papikit pikit pa siyang nalalaman.

"Hindi yatty. Alaga yan ng kasamabahay nila." Epal talaga! Nakakayamot!

"Aray! Masakit yun ah!"

Nabatukan ko tuloy siya masyadong epal eh. Nakita ko naman na tumatawa si kulot este vryan habang sumusulyap saamin.

Ngayon ko lang napansin ang cute pala ng buhok niya medyo kulot tapos may dimple din siya sa bandang baba ng labi niya teka... Bakit nandon yung dimple niya?

"Manahimik ka nga! Epal ka masyado di naman ikaw ang kausap ko."

"Kayo ba?" Halos naibuga ko ang iniinom kong juice ganon din si Aeron dahil sa tanong ni vryan.

"Hindi ah!" Sabay pa naming sagot.

"Hindi kayo?" Gulat na tanong niya na kulang na lang malaglag yung eyeballs niya dahil sa paglaki ng mata niya.

"Hindi!"

"Eh ano lang kayo?" Bat ang dami niyang tanong? Kalalaking tao ang daldal.

"We're just best friends." Sagot ni Kumag.

"Yeah." Pag sang ayon ko naman.

Tumango tango lang siya pero mukhang hindi siya kumbinsido sa naging sagot namin. Ano bang inaasahan niyang maging sagot namin?

Inabot rin kami ng ilang oras sa bahay nila vryan doon na rin kami kumain ng lunch at nagpasikat pa ang loko sabi niya  sa boung angkan daw nila siya ang pinakamagaling mag luto syempre nag pasikat din si kumag sa buong angkan naman daw nila siya daw ang pinakamagaling mag baked.

mga pasikat eh!

"Yatty ice cream tayo?"tanong niya ng palabas na kami ng gate ng subdivision nila vryan.

"Sige." 

Wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa ice cream house dahil sa bilis niyang mag patakbo ng motor nasanay na rin naman na ako kaya hindi na ako natatakot.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon