chapter 8

5 1 0
                                    


"Yatts  Nasan na kaya yung nagtitinda ng kwek kwek?" Tanong kay Aeron habang nasa labas kami ng gate uwian na kasi. Yatts naman ang tawag ko sakanya  wala lang nakita ko lang kanina sa fb ang cute eh.

"Dunno. Di ka ba nagsasawa? Mukha kang kwekwek."

"Ang sarap kaya. Nasan kaya yun? Gusto ko pa naman." Sabi ko habang nagpapalinga linga nagbabakasakaling makita ko si ate.

"Mag ice cream nalang tayo yatty."

"Ice cream? Sige tara!tara!" Hooray! Ice cream daw! Ilang linggo na rin ako hindi nakakain non dahil may sipon ako siguradong malalagot ako kay mama pag nalaman niyang kumain ako ng ice cream kahit may sipon ako.

Hindi kami nag commute dahil may motor si Aeron nalaman ko rin na hindi pa talaga siya marunong mag drive nag aaral pa lang siya.

Pagkarating namin sa ice cream shop ay humanap ako ng bakante at siya naman ang omorder ng ice cream matutuwa na sana ako kasi kala ko libre pero sabi niya sa susunod daw ay ako na ang magbabayad ambait niya no?

"Hmmmm. Ang saraaaaap!" Sabi ko habang ninanamnam ang malamig na ice cream sa loob ng bibig ko.

Nung huling kain ko nito ni hindi ko man lang na enjoy dahil sa bigat ng pakiramdam ko.

"Halos lahat naman ata masarap para sayo." Natatawang sabi niya.

"Hindi kaya. Ayoko sa strawberry ayoko sa lasa niya hindi masarap." Oo ayoko talaga sa strawberry kahit na meron kaming napakalawak na strawberry farm at wine na made of strawberry na iniexport pa sa ibat ibang bansa ay hindi ako kumakain non.

"Masarap kaya  Lalo na yung natikman kong strawberry wine." Sabi niya habang pinupunasan ng tissue ang gilid ng labi niya.

So natikman niya na pala yung wine namin?  Grabe kaya yung presyo non nakakalaglag ng panga sinabi ko pa nga kay papa na kung pwedeng babaan yung presyo pero ang sabi niya business is business daw kaya yun balasiladyan wala naman akong alam don eh.

"Basta para sakin hindi talaga siya masarap tapos."

Pagkatapos namin maubos ang ice cream naming pareho ay lumabas na kami alangan namang mag stay pa kami don diba? Edi para kaming eng eng.

"Bagalam mo naman! Wala namang humahabol sayo! " sabi ko sabay hataw sa balikat niya.

Ang bilis bilis niya kasi magpatakbo ng motor yung feeling na para kang tatangayin ng hangin.  Kaya yung puso ko feeling ko lalabas na dahil sa kaba ito kasi ang unang pagkakataon na umangkas ako sa motor.

Napasigaw pa nga ko ng kala ko tutumba kami yung kunti nalang hahalik na yung motor sa semento hindi ko alam kung naka ilang mura ako ng dahil sa ginawa niyang yun.

"Ayan? Okay na ba?" Malakas na tanong niya dahil hindi maririnig.

"Gago! Binagalan mo ba? Parang hindi naman!" Sigaw ko rin sakanya dahil punyemas parang ganon pa rin yung tulin eh.

"Kanina ka pa mura ng mura ah! Isa pa yatty!isa pa! Ilalaglag talaga kita!"

Dahil sa sinabi niya mas lalo akong humawak sa uniform niya jusko ayoko pa mamatay! Masyado pang maaga! Di pa ko nakakapagpakilala kay darren!

"Bagalan mo kasi gag– ahhhhhh! Hindi na! Hindi na! Hindi na ko magmumura! Bagalan mo! Baka matangay na ko!" Damn it! Mas lalo niyang binilisan feeling ko naiiyak na ko sa sobrang kaba.
Napapikit na rin ako sa sobrang takot.

Para na kong lintang nakadikit sakanya dahil yumakap na ako ng sobrang higpit para pag nalaglag ako kasama siyang gago siya.

"Yatty andito na tayo hindi na ko makahinga."

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon