"Anong ba yang ginagawa mo?" Tanong ko sabay dungaw sa cellphone ni Aeron para makita ko kung anong ginagawa niya.
Kanina pa kasi siya kagat ng kagat sa pangibabang labi niya na mukhang nagpipigil ng tawa tapos iiling iling pa.
"Nagbabasa." Sagot niya pero di man lang niya ko nililingon.
"Nagbabasa? Ng ano?"
"Sa wattpad. Yung my promdi girl alam mo yun?" Tanong niya sabay pinatay ang cellphone at inilagay sa kanyang bulsa.
Wattpad? Lagi ko yun naririnig kay mixsy dati. minsan nga hinahampas pa niya ko dahil kinikilig daw siya.
Tapos minsan makikita mo nalang tumatawa tapos iiyak tapos mag kakasalubong yung kilay tsaka kukunot yung noo.
Niyaya niya pa nga ko dati na magbasa daw ako pero tumanggi ako kasi nga tinatamad ako di ko yun hilig.
"Hindi ko alam yun kasi di naman ako nagbabasa sa wattpad." Sabi ko sabay kuha sa cellphone ko.
Walang teacher ngayon dahil may meeting daw kaya malaya kaming gawin ang gusto naming gawin pero bawal ang lumabas ng classroom dahil baka daw kung anong mangyari samin habang walang teacher.
"Snapchat tayo!" Sabi ni Aeron habang ngiting ngiti.
Binuksan ko muna ang snapchat app ko bago ko itinaas.
Nakailang shot kami na iba iba ang filter pero mas marami ang shot sa dog filter dahil pareho naming gusto ang filter na yun.
Natawa ako ng makita ko ang isang shot namin dog filter yun na parang nakadila sa pisngi ko ang dila ni Aeron.
Busy ako sa pagtingin sa mga picture ng bigla nalang inagaw saakin ni Aeron ang cellphone ko.
"Oi! Anong ginagawa mo?" Tanong ko sakanya dahil nag sisimula na siyang mag pipindot nanlaki ang mata ko ng makitang nasa fb app siya at ipinopost ang ang mga pictures namin with caption 'yatty!'.
"Ayan okay na." Sabi niya sabay abot sakin ng cellphone ko.
"Bat mo pinost?" Tanong ko habang binubuksan ang fb ko halos mapanganga ako sa nakita ko ilang minutes palang niya pinost pero nasa 1k na ang likes at ang daming comments at may mga nag share pa.
Nyare?
"Ang cute kasi natin diyan!" Natatawang sabi niya pa wow di siya mahangin.
"Relationship goals!"
"Omoooo!ang cute nila!"
"Sana lahat."
"Kainggit."
"Geez.parehas pa sila ng brace ang cute!"
"Esh!esh!"
"Walang poreber! Maghihiwalay din kayo!"
"Yieeeee! Sana meron din akong ganyan!"
Di ko alam kung mabwibwiset o matatawa ba ko sa mga comment nila.
Di ko nalang sila nireplyan balasiladyan. Kinuha ko ang Earphones sa bag ko at pinakinggan ang mga paborito kong kanta ng nag iisang Darren Espanto. Okay fangirl mode on habang nakikinig ako pumunta ako sa gallery ko at tinignan ko ang mga bago kong save na picture ni darren yes! Fangirl niya ko! Pag meron siyang album launching nandon ako lagi tapos ganon din kapag may mallshow siya.
Ginawa kong wallpaper yung bago niyang picture na sinave ko.
"Sino yan?"narinig kong Tanong ni Aeron habang nakatingin sa cellphone ko.
Nakataas ang isa niyang paa sa upuan sa unahan niya para siyang nakahiga sa pwesto niya kaya para siyang nakahiga sa balikat ko.
"Si Darren Espanto asawa ko."
Tinanggal niya ang isang Earphone na nakalagay sa tenga ko at inilagay sa tenga niya.
"Asawa moto!kilala ko yan sa mukha pero di ko alam ang pangalan." Sabi niya habang nakapikit.
"Darren. Darren ang pangalan niya at ako ang asawa niya."
"Sige lang mangarap ka lang."
"Tingnan mo! Bagay kami diba?" Sabi ko habang pinapakita ang picture naming dalawa ni darren ito yung pumunta ako ng album signing niya sa sm nakayakap ang mga kamay ko sa leeg niya ngiting ngiti kaming dalawa sa picture bigla tuloy akong kinilig dahil naalala ko yung araw na yun yung amoy niya yung hininga niya,yung lambot ng pisngi niya,yung mata niya yung ilong,yung lips niya,yung dimples niya tapos yung ngiti niyang nakakalaglag ng panty jusko! Mahal na mahal ko talaga yung lalaking yun.
Kahit na hindi niya ko kilala.kahit na mahal niya lang ako bilang isang fan.
Umayos muna siya ng upo bago tingnan ang picture.
" di kayo bagay. tsaka bakit para kang kamatis na sasabog diyan? Ang pula mo." Sabi niya sabay kurot sa ilong ko.
Tinampal ko naman agad ang kamay niya ang sakit kaya!
"Masakit ah! Isa pang kurot sa ilong ko tinginan mo! Masasapak talaga kita!" Sabi ko habang hinahawakan ang ilong kong sa tingin ko'y namumula.
"Easy lang may dalawang likod ka pa." Sabi niya habang natatawang tinatapik tapik ang likod ko.
Parang lahat ng dugo ko sa katawan umakyat sa ulo ko dahil sa sobrang inis dahil sa sinabi niya.
Oo punyeta! Ako na flat!ako na pader! Ako na tabla! Ako na walang makakapitan! Peste!
"Bwiset ka!" Sabi ko sabay bato sakanya ng panyo ko wala kong mahagilap na pwede ipambato eh.
"Totoo naman ah? Bakit ka nga pala nag babra? Dagdag labahin lang yan alam mo ba yun?" Sabi niya habang nagpipigil na humagalpak sa tawa.
Letche ka!peste!
"Bwiset ka talaga!" Di ko na napigilan ang sarili ko sinabunutan ko siya leche eh!
"Aray! Yatty!masakit!wag yung buhok ko!" Sabi niya habang hawak hawak ang kamay ko at inaalis sa buhok niya.
Napatingin tuloy samin yung iba naming kaklase dahil sa sigaw niya. Mind your own business peoples!
"Nakakaurat ka kasi! Bwiset!" Binitawan ko na ang buhok niya dahil mukhang nasasaktan talaga siya dahil namumula ang tenga niya.
"Ang sakit." Reklamo niya habang hawak ang ulo niya at minamasahe yon.
Ibinalik ko sa bag ang cellphone at Earphones ko bago ako humarap kay aeron.
"Yuko ka." Sabi ko sabay tapik sa desk niya.
"Sasabunutan mo ulit ako?" Tanong niya sabay pout bakit ang cute ng nilalang na'to?
"Hindi." Ako na ang nag yuko sa ulo niya sa desk inumpisahan ko ng ayusin ang buhok niya at ginawa ko ang ginagawa ni mama sa ulo ko bago ako matulog dati kaso ngayon di niya na nagagawa sakin yun eh kasi pag dating niya galing sa work syempre pagod kaya kailangan ring magpahinga.
Hindi na ko nagulat ng nakita ko siyang tulog dahil masarap at nakakaantok talaga ang ginawa ko sakanya kanina.
Pag ginagawa sakin yun ni mama Automatic na Nakakatulog kaagad ako.
Nang dahil sa lalaking 'to hindi na 'ko loner hindi na'ko naiinggit sa iba pero natatakot ako kasi alam kong panandalian lang naman to kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko.