chapter 10

9 1 0
                                    

Agad kong tinakpan ang mata ko ng makita ko ang liwanag na nanggagaling sa ilaw.

Nagugutom na ako sobrang nagugutom na ako feeling ko ilang araw akong hindi kumain.

"Baby!"

"Princess!"

"Yatty!"

Tinulungan ako ni papang makaupo ng maayos galing sa pagkakahiga alam ko kung nasaan ako hindi ako tanga para hindi malamang nasa hospital kami ang ipinagtatakha ko lang ay bakit ako nandito.

"Pa nagugutom ako." Nakangusong sabi ko sakanya dahil nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan.

"May nararamdaman ka ba baby? Tell me." Sabi ni mama habang inaayos ang takas na buhok ko inilagay niya iyon sa tenga ko.

"Nagugutom talaga ko ma." Sabi ko habang hawak hawak ang tiyan ko.

"What do you want to eat?"

" sa ano ma 8-7000 jollibee delivery." Pakantang sabi ko na ikinatawa niya agad naman iyon tinawagan ni papa.

"Okay ka na ba?" Tanong naman ni Aeron na umupo sa tabi ko.

"Who are you?" Mapag tripan nga ang isang 'to.

"Huh? Di mo ko kilala?"gulat na gulat na sabi niya.

Umiling naman ako dito kaya napahilamos siya sa mukha.

" hey!yatty! This is me Aeron the pogi!" Sabi niya sabay hawak sa magkabilang balikat ko.

"Hindi kita kilala." Sabi ko sabay tanggal sa kamay niya na nasa balikat ko.

"Tita pupuntahan ko lang po si dad." Sabi niya kay mama na nagpipigil ng tawa.

"Bakit?"

"Itatanong ko lang po kung bakit hindi ako maalala ni yatty pero kayo naalala niya kayo.this is Unfair!" Sabi niya at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Dito na kami natawa ni mama si papa naman iiling iling lang dahil sa kalokohan ko.

Maya maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok si Aeron na hingal na hingal.

"Hindi ko makita si Daddy ang lawak ng ospital na'to!" Iritadong sabi niya.

Agad naman itong lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko titig na titig siya sakin.

"Hindi mo ba talaga 'ko maalala? Yung mukhang 'to? Ang gwapo ko para makalimutan mo." Naka ngusong sabi niya. Nagpapacute letche!

"Ang hangin mo!" Natatawang sabi ko at inalis ang kamay niya sa mukha ko.

"Hindi mo 'ko basta basta makakalimutan ang pogi ko eh!"

"Pakipatay nga yung Aircon sobrang hangin na eh!"

Natawa naman sila mama at papa bigla namang umupo si Aeron sa tabi ko seryosong seryoso siya.

"You make me worried yatty. Please don't do that again."

Nakagiti akong tumango sakanya kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari sakin.

Dumating na rin ang order ni papa halos mag ningning ang mata ko dahil sa dami non kulang na lang mag laway ako habang inaayos ng delivery boy ang inorder namin para akong asong ulol na hindi nakakain ng ilang araw.

Naiwan kaming dalawa ni Aeron sa loob ng kwarto dahil aayusin daw ni mama ang mga bayarin sa ospital si papa naman ay may importanteng  tatawagan.

"Easy yatty wala kang kaagaw." Natatawang sabi niya.

Hawak ko sa magkabilang kamay ko ang chiken na kanina ko pa pinagnanasahan.

"Rice! Aeron!Rice!" Sabi ko habang abala sa paglapastangan sa chiken.

Agad niya naman akong sinubuan ng kanin. Hindi naman siya kumakain eh meron lang siyang float.

Float? Di ba yan yung instrument float okay mais mais.

"Penga nga ko ng Mc freeze frazen dalendarren." Natatawang sabi ko ng matapos na akong kumain.

"Anong Mc freeze? Eh sa jollibee ka nag pa order ah?" Sabi niya sabay pasak sa bungaga ko ng tatlong fries peste talaga ang nilalang na'to.

Maya maya lang ay pumasok na si mama kasama ang doctor na hawig ni Aeron.

"How are you? Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ng Doctor saakin.

"Yes po." Nakangiting sagot ko dito.

" Good.by the way I'm Dr. Silvestre Aeron's father."

"Nice to meet you po." Nakangiting sabi ko at inabot ang kamay niyang nakalahad.

"Please Don't stress yourself too much nakakasama sayo iha."

Tumango at ngumiti ako dito. nagpasalamat din ako bago siya lumabas.

Pag sobra ka palang nasasaktan at hindi mo na talaga kaya ang sakit may possibility na mahiga ka sa hospital bed o baka ako lang ang ganon dahil masyado akong mahina para sa mga ganong problema.

"Kakasabi lang ni Dad don't stress yourself too much. Tigilan mo ang kakaisip ng kung ano ano."

"Ano ba kasing nangyari sakin?" Ang natatandaan ko lang kasi ay yung simpleng tanong ni mixsy na sobrang dumurog sa puso ko.

Simpleng tanong pero grabe yung epekto sakin tagos hanggang buto nanunuot sa kalamnan.

"Hayaan mo na yun. Magpahinga ka na muna mamaya pwede ka ng umuwi." Tinulungan niya akong makahiga ng maayos at kinuha niya ang upuan at inilagay sa tabi ng kama ko.

Kumunot ang noo ko ng pakialamanan niya ang bag kong ngayon ko lang napansing nasa sofa.

Kinuha niya ang suklay doon at umupo sa upuang inilagay niya sa tabi ng kama ko tinanggal niya ang pagkakatali ng buhok ko at nag umpisa na siyang suklayin iyon.

Hindi ako inaantok kanina pero nararamdan ko na ang pagbigat ng talukap ng mata ko.

Hapon na nang magising ako wala na rin si Aeron dahil umuwi daw muna ito sa bahay nila sabi ni mama. hindi naman malayo ang ospital kung saan ako dinala kaya di rin kami nagtagal sa biyahe pagkarating namin sa bahay ay niluto ni manang ang paboritong ulam ko kaya kahit na marami akong nakain sa ospital ay marami pa rin akong nakain sa bahay kaya naman narinig ko nanaman ang katagang

"Kain ng kain di naman tumataba."

Syempre alalang ala ang mga tao sa bahay pero sinabi ko na naman na sakanila na ayos lang ako.

"I can handle myself okay lang ako ate Dianne." Sabi ko dito dahil hanggang sa pag akyat ko sa hagdan ay naka alalay siya sakin.

"Ihahatid lang kita sa kwarto mo wag kang makulit kirara."

Ako daw yung makulit eh siya nga tong makulit eh!

Kahit sa paglagay ng comforter ay siya ang gumawa hindi na ako nakipagtalo pa dahil hindi rin naman niya ako papakinggan.

Paglabas niya ng kwarto ay kinuha ko ang cellphone kong pinacharge ko sakanya kanina pagkauwi namin. kinuha ko rin ang Earphones kong nasa table katabi ng kama ko.

Humiga muna ako bago ako nagtaklob ng makapal na comforter sabi nila bawal daw ang phone ngayon magpahinga daw muna ako pero dahil mabait akong anak hindi ko sila sinunod.

Napangiti ako ng makita ko ang wallpaper ko it's Darren.

Miss ko na si Darren ilang buwan ko na rin siyang hindi nakikita eh san kaya ang next mallshow?

Inilagay ko na sa tenga ko ang Earphones ko at yun nanaman yung boses niya na nakakapagpakalma sakin.

I really love his voice.

Now playing:pasko na by Darren Espanto

Nakangiti akong pumikit habang dinadama ang kanta niya hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon