chapter 13

4 0 0
                                    


Ngayon ko balak kausapin si mixsy tungkol sa gagawin naming performance task dahil nakasanayan ko na talagang gumawa ng maaga para wala na akong iniisip pa.

" uhm.hey! Mixsy! Gusto lang sana kitang kausapin tungkol sa performance task natin kay sir!" Sabi ko habang ngiting ngiti sa salamin bigla akong nainis dahil mukha akong batang nanghihingi ng ice cream.

"Hey! Mixsy! Gusto ko na sanang gawin na natin yung performance task ni pinapagawa ni sir."

Mas lalo akong nainis dahil mukhang akong patay na tuta habang sinasabi ko ang linyang yun!

"Argh! Kainis!" Inis kong ginulo ang buhok ko dahil sa frustration. Bat ba kasi kailangang siya pa! Pwede namang yung iba na lang eh! Di talaga magandang ideya 'to.

Aish! Bahala na nga si batman,superman,iron man pati na rin yung wonder pets sama ko na si dora tsaka si spongebob ay pati pala si doraemon tsaka si luffy hmm....si sakuragi din ay pati pala si phineas and ferb syempre kasama rin si detective conan!

"Kirara! Bilisan mo na diyan! Kumain ka na!" bungad saakin ni ate dianne ng pumasok siya sa loob ng kwarto ko para maglinis.

"Ito na tapos na baba na nga eh oh!" Sabi ko sabay kuha sa bag at phone ko bago lumabas ng kwarto.

Nasa hagdan palang ako ay kitang kita ko na si Aeron na nakaupo sa sofa at may nakapasak na Earphone sa tenga niya nakapikit rin siya nakahilig din sa sofa ang ulo niya na mukhang natutulog.

Ano kulang ba siya sa tulog? Puyat na puyat ganon?

"Hoy!" Binato ko siya ng nakita kong unan dahil alam kong  masasayang lang laway ko kapag nagsalita lang ako dahil hindi rin naman niya ako maririnig.

He just gave me a bored look tapos pumikit ulit siya potek kang lalaki ka di kita yayaing mag break fast! Bahala ka!

Pumunta nalang ako sa kusina para kumain sakto namang naabutan ko si manang na inaayos na ang mga pagkain bigla akong nagutom ng maka amoy ako ng tuyo mukhang mapaparami ang kain ko!

"Magandang umaga kira nasan si Aeron?"

"Good morning manang. Andyan siya sa sala patay na este umiiglip ata."

Andami ngang pagkain wala ka namang kasabay kumain wala rin.wala kasi sila mama at papa lumipad sila papuntang hongkong as usual business matters minsan lang naman sila umalis ng pilipinas pag sobrang kailangang kailangan na talaga.

Umalis muna si manang at pumuntang sala malamang yayain niya ang kumag na sabayan akong kumain.

Kumuha ako ng  fried rice, tuyo tsaka itlog dinamihan ko yung fried rice kasi may tuyo madami kasi akong nakakain pag tuyo ang ulam ang sarap kaya diba?

Maya maya lang nakita ko ng mukang zombieng  naglalakad papunta dito si Aeron tamad na tamad parang bigat na bigat sa katawan parang hirap na hirap kumilos anong nagyayari sa kumag na'to?

"Good morning yatty." Tamad niyang bati sakin. nakita niya na 'ko kanina ah? Bakit ngayon lang niya ko binati? Abnormal amp.

"Anong nangyayari sayo?"

At dahil pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko ako na ang naglagay ng pagkain sa plato niya dahil mukhang wala siyang balak gumalaw sa kinauupuan niya. 

"I'm sleepy."

Hindi nga halata eh. Alisin ko kaya lahat ng pagkain dito sa mesa at dito ko siya pahigain?

nakayuko siya sa mesa at ginawa niyang unan ang braso niya kung nandito si papa siguradong mapapagalitan siya dahil sa ginagaw niya.

"Bakit ba kasi? Kumain ka nga muna."

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon