chapter 12

5 0 0
                                    

"Yatty kaya mo na ba?" Tanong niya habang nag lalakad kami papunta sa classroom.

"Anong kaya ko na ba?"

"Diba partner mo si mi--zy?mi--ckey?mi--nnie? Sa perfomance task kay sir stitch?"

"It's mixsy yatts. I don't know if i can do it with her."

Mahirap makisama sa taong ayaw ka ng makasama.

" let's go then." Hiniwakan niya ako sa wrist at hinila.

Bat ba ang hilig niyang manghila? pag talaga nahiwalay ang kamay ko sa katawan ko makikita niya talaga!

"Hoy!saan tayo pupunta?"

"Kakausapin natin si sir."

Di na ako pumalag pa dahil gusto ko rin naman ang ideyang yon.

Mukhang hindi naman kami malelate dahil masyado kaming maaga pumasok ngayong araw.

"Come in." Rinig naming sabi ni sir sa loob pagkatapos kumatok ni Aeron.

"Good morning sir." Sabay naming sabi ng makapasok kami sa loob. nakaupo si sir sakanyang swivel chair habang nakatutok sa kanyang laptop na ang cover sa likod ay stitch.

Mukha talagang stitch Sabagay cute naman ang alien na yun. Teka alien ba yun?

"Good morning. Oh. Are you okay now kira?" Tanong ni sir ng makita niya ako.

"Yes po sir."

Tumango naman ito at itinuro ang upuan sa harapan ng kanyang mesa agad naman kami umupo doon ni Aeron.

"So what's brings you two here?" Tanong niya sabay tingin sa aming dalawa ng kasama ko.

"Sir it's about sa performance task po." Kahit kinakabahan ay pinilit kong maging maayos ang pananalita ko.

"Diba sabi ko sayo ipaliwang mo kay Ms.Fornell ang gagawin?" Sabi ni sir sabay tingin kay Aeron na feel na feel ang pagkakaupo.

"Yes sir sinabi ko po."

Yeah sinabi niya sakin ang gagawin sa perfomance task dahil wala ako nung ipinaliwanag ni sir ang gagawin namin.

"So what's the problem Ms.fornell?" Kunot noong tanong niya saakin.

" Sir.Pwede po bang iba na lang ang partner ko?"

Kahit alam ko naman ng hindi pwede.

"No."

"Eh kung ako na lang po mag isa ang gumawa?"

"No."

No choice.kailangan ko siyang pakisamahan.

"Sir do you know that i have a human size stitch?" Biglang sabi ni Aeron na talaga namang ikinalaki ng mata ko. Sinusuhulan niya ba si sir para mapapayag?

Natatawang napatingin naman si sir kay Aeron na nakangisi din sakanya.

"Mr.silvestre I have a one too." Itinaas baba pa ni sir ang kanyang kilay na parang nang aasar.

"How 'bout mascot ni stitch?"

Malakas na napabuntong hininga si sir bago nag salita.

"Hindi mo na mababago ang isip ko Mr.silvestre." natatawang sabi niya.

Diba mahilig tumawa si stitch? Tapos labas pa yung mga matutulis na ngipin di kaya nahawa na si sir kay stitch?tawa ng tawa eh.

"Sir thank you po. Mauna na po kami." Kailangam na naming makaalis dahil baka kung ano pang kabaliwan ang masabi nitong kasama ko letche lang!

Ng tumango si sir ay agad kong hinila palabas ang kasama kong nakanguso na ngayon ano nanamang inaarte nitong lalaking 'to?

"Oh?ano nanamang problema mo?bat nakabusangot ka dyan?"

Dapat nga ako ang nakabusangot ngayon dahil para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil hindi pumayag si sir sa gusto kong mangyari pano na yan ngayon? pano ko siya pakikisamahan?sa performance task nakasalalay ang kalahati ng grade namin kaya hindi pwedend hindi gagawa non.

"Hindi tayo ang partner yatty pano ka niyan? Kaya mo bang gumawa kasama si minnie?"

"Mixsy sabi yun eh!" Bakit parang napakahirap sakanya na matandaan ang pangalang mixsy? "Kakayanin ko para sa grades." Sa ayaw man niya o sa gusto magakakasama at magkakasama kami kahit na nagsisimula na akong kalimutan siya gaya ng ginawa niya saakin ay pipilitin kong makisama para sa grades sana ay ganon din siya.

Pagdating namin sa classroom ay wala pa ang teacher sa first subject kaya naman may sari sarili nanaman silang mga mundo tahimik lang kami naupo ni Aeron sa sarili naming upuan.

Pagkapasok ng late naming first subject teacher ay halos mapahilamos ang ilan sa mga kaklase ko ang iba pa nga ay napamura dahil sa surprise test ni maam.

Narinig ko pa ang isa kong kaklase na laging naglalagay ng nike sign sa kilay niya sabi niya bakit daw hindi sinabi ang sarap sabihing "surprise nga eh! Bakit sasabihin? yan! lagi kasing inuuna ang pagkikilay kesa mag aral!" Kaya lang hindi naman ako pabidang tao hinayaan ko nalang.bahalasiyadyan!

Buti nalang nagaral ako kaya hindi naman ako nganga may nasagot naman ako kahit papaano ganon din naman si Aeron na seryosong seryosong nakatingin sa test paper niya parang oras na istorbohin mo siya buhay ang kapalit.

"Grabe! Ang sakit sa ulo!" Reklamo ko sabay facepalm hindi kinaya ng mga Brain cells ko ang mga nangyari jusko! Imagine? Halos lahat ng teacher namin ay may pa suprise test? Grabe lang!napamura na nga ako kanina dahil hindi ako nakapag review sa isang subject kaya ayon for the first time in history! Nabatukan ako ni Aeron! Sobrang lutong kasi ng pagkakamura ko kaya ayon natikman ko tuloy ang batok ng kumag.

"Mas masakit pag wala kang ulo."sabi ng kaharap kong kumag na kumakain ng pizza.

" shut up! Tanggalan kita ng ulo eh!" Inis kong sabi sabay kagat sa pizza ko.

"Awww.ang brutal mo naman yatty kaya mo bang gawin yun sakin?" Nakangusong sabi niya na tila nag papaawa.

Masyado ng masakit ang ulo ko sa mga kaganapan ngayon at mas lalong sumasakit ang ulo ko kapag naalala ko ang performance task namin kay sir wala pa kaming napag uusapan ni mixsy tungkol sa gagawin namin malayo pa naman ang deadline ng pasahan pero gusto ko ng magawa iyon ng maaga para hindi kami ginagahol hindi kasi maganda ang kinakalabasan kapag hapit ang gawa.

Iyan ang isa sa mga natutunan ko sa apat na taon ko bilang isang high school student. Dapat ay kahit malayo pa ang deadline ng pasahan ay magawa mo na ito ng maaga dahil mas lalo ka lang mahihirapan kapag hapit na atleast ikaw pwede ka ng mag papetikspetiks kasi nagawa mo na ang dapat mong gawin aantayin mo nalang ang araw ng deadline or kung gusto mo naman ipasa mo ito ng mas maaga dahil may plus points iyon.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon