"Bat hindi ka nagsusulat?" Nakataas kilay na tanong saakin ni Aeron ng mapansin niyang wala akong ginagawa sa upuan.
Alam mo yung pinakaayaw ko sa lahat? Yung pag susulat ng mga lecture nakakatamad kaya no? Pero gusto ko ng may mababasa para naman may ma review ako pero wala eh nakakatamad talaga mag sulat pwera nalang kung sapian ako ng yokai na mahilig magsulat teka meron ba non? Sana meron.
"Katamad eh. Pahiram nalang ako niyang notes mo."
Ang sipag talaga magsulat ng kumag na'to at take note ang ganda pa ng sulat niya hindi katulad ng ibang mga lalaki na Hindi pa nga grumagraduate eh sulat doctor na.
"No. Magsulat ka."
Ang damot ah.
Pwede bang picturan ko nalang? Oo!tama! Pipicturan ko na lang!
Ganon din naman yung ginagawa ng iba naming classmates minsan eh.
Buti nalang wala si ma'am may kukunin lang daw siya sa faculty nila kaya nag iwan mo na siya ng maiisusulat namin.
Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko tiningnan ko muna yung paligid napangisi ako ng makitang lahat sila tutok na tutok sa sinusulat nila buti nalang nasa may bandang gilid ang pwesto ko kaya wala masyadong makakapansin sakin.
"Hep!hep!" Nagulat ako ng biglang agawin sakin ni kumag ang cellphone ko wala pa nga eh! Di ko pa napipicturan! Boset!
"Akin na." Iritang sabi ko sakanya pero hininaan ko ang boses ko dahil baka may makarinig saakin.
"No." Kinuha niya ang bag ko at kinuha doon ang notebook at ballpen ko inilapag niya iyon sa aking mesa at itinago naman niya ang cellphone ko sa bulsa niya at ipinagpatuloy ang pagsusulat.
Letche talaga!
Hinawakan ko ang dulo ng uniform niya napatingin naman siya sakin ngumuso ako at nag puppy eyes sakanya.
Maawa ka sakin yatts! Maawa ka sakin! Ayoko mag sulat!
Inalis niya ang kamay ko sa uniform niya at umiling iling lang siya sakin sabay turo sa sinusulat nila.
Badtrip! Letche! Kainis! Boset!
"Yatts." Nagpapaawang tawag ko sakanya sabay lahad ng kamay ko para sa cellphone ko.
"I said no kira." May otoridad na sabi niya inis na hinawakan ko ang ballpen at sinimulang mag sulat kapag ganon siya wala ka ng magagawa hindi mo na mababago pa ang isip niya.
Lahat sila ay tapos na ako ito wala pa sa kalahati shinorcut ko na nga yung iba eh ang haba talaga ng mga pinapasulat ng teacher na yun kainis! Puro pasulat! Hindi nagtuturo! Kaya karamihan sa mga kaklase ko bagsak sa subject niya! Kasi walang naintindihan puro nalang sulat ng sulat! Karamihan tuloy sa mga kaklase ko may maliit na bukol sa kamay hindi ko alam ang tawag don eh basta alam ko dahil yun sa pagsusulat.
"Smile yatty!smile!" Pang uuto sakin ni kumag habang nag lulunch kami dito sa cafeteria.
"Smile mong mukha mo!" Inis kong sabi sabay kain ng binili kong carbonara.
Kanina pa daw kasi ako nakabusangot ni hindi man lang daw ako ngumingiti sino ba namang hindi mayayamot! Ang haba kaya ng sinulat ko! Peste!
"Yan! Tamad ka kasing magsulat kaya hindi ka sanay!"
Hanggang ngayon masakit pa rin yung kamay ko sa totoo lang pero bakit siya parang wala lang?
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain ko pero mukhang wala talaga siyang tumahimik.
"Grabe! Nagsulat ka lang! Para ka ng pinagsakluban ng langit at lupa!" Sabi niya sabay hagalpak ng tawa.
Busit talaga.
"Shut up!" Inis kong sabi sakanya habang nakaturo pa sakanya ang tinidor na hawak ko.
"Woah! Easy!" Natatawang sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagkain pero nag sisi ako kung bakit pa ako umirap nakakahilo pala? Hindi na nga ko iirap sa susunod kainis!
Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami dahil may mga natitira pang ilang nakakatamad na subject yung tipong kulang nalang mag latag ka sa sahig ng higaan para doon humiga.
Tapos yung teacher pa ng subject na yun eh ang corny corny siya lang ata natatawa sa sarili niyang joke eh.
"Anong tawag sa uod na nasa gitna ng daan?" O ayan nanaman siya bumabanat na naman eh wala namang kakonekonekta yung mga sinasabi niya sa subject niya ginigigil ako nito ni sir eh.
"Ano sir?" Tanong ng isa kong kaklase na kasundo ni sir pareho silang corny eh.
"Edi oud pa rin nasa gitna lang naman siya ng daan eh! Whahahahahahaha!"
Ah. Okay..... Diba nakakapunyeta talaga! Susurain!
Pagkatapos ng mga natitirang subject namin ay dumiretso kami ni Aeron sa Library para sa isa naming assignment.
"Mag bebreak din yang mga yan." Biglang sabi ni Aeron ng may Nadaan kaming couple na naglalambingan sa bench.
"Oo nga." Pag sang ayon ko sa sinabi niya tumango tango pa ko.
Pagdating namin sa library ay hinanap agad namin ang kailangan naming libro inabot din kami ng ilang minuto bago nahanap ang kailangan namin.
"MAG SUSULAT NA NAMAN!?" Bwiset na sabi ko ng makita ko ang sagot sa tanong sa assignment akala ko pwede ko lang siyang kabisaduhin pero punyemas lang! Kasing Haba ata ng traffic sa edsa 'to! Leche!
Agad na tumalim ang mata ng librarian sakin dahil sa pag rereklamo ko pati yung ibang nandito napatingin na rin saakin jusme! Nakakahiya! Bat kasi kailangan nanamang magsulat eh!
Napatingin din ako kay Aeron na nagsisimula ng mag sulat iiling iling siyang napatingin sakin habang kagat kagat ang pang ibabang labi niya na halatang nag pipigil ng tawa. Bwiset kang lalaki ka!
Nag peace sign naman ako sakanila at parang may bumbilyang umilaw sa ulo ko napangisi ako dahil sa naisip ko.
Pag ayaw mo talaga gawin ang isang bagay may gagawa non para sayo.
Pasimple akong sumulyap sa paligid ko lahat sila busy may mga kanya kanyang ginagawa kaya magagawa ko ang binabalak ko.
Inurong ko ng bahagya ang upuan ko bago ko kunin ang cellphone sa bulsa ko kinalikot ko yun sa ilalim ng mesa para walang makakita saakin.
Kinuha ko ang libro at ipinatong sa hita ko para makuhanan ko ng maayos nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang wala namang nakapansin sa ginagawa ko kundi malalagot talaga ako dahil bawal mag labas ng cellphone dito sa loob ng library.
Hindi mawala wala ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa paglabas namin sa library hindi naman ako tamad na tao sadyang nakakatamad lang talaga mag sulat.
"Tss. Ang saya saya mo 'no? Kala mo hindi kita nakita kanina?"
"Eh sa nakakatamad talaga magsulat eh."
"Hindi pwedeng ganyan yatty. wag kang tamad." Sabi niya sabay akbay.
" ayaw sakin ng pagsusulat eh! Ayoko rin sakanya! We hate each other!"
Tumawa lang siya sa sinabi ko at pinisil ang ilong ko.
Lagi nalang talaga niyang pinipisil ang ilong ko di ba niya alam na nasaaaktan ako? Nakakainis na ah!