Chapter 6
Hay naku! Grabe! Wala na bang mas iiinit ang Pilipinas? Feeling ko malulusaw na ako sa katitingin ng mga lalaki dito ah. Napapansin ko ring nag-aaway yung mga magdyowa kasi napapatingin sakin yung lalaki. Hahaha. Naku talaga!
Pero in fairness, ang hirap maghanap ng lalaking seryoso dito ah. Naupo muna ako sa isa sa mga beach benches dito. Nagscan muna ako ng mabibiktima ko.
Hmm, let’s see. Baling sa west, may magdyowang naghaharutan. Aba, balak atang gawin kaming audience ng mga to. Yung tipong magkakapalit na sila ng pagmumukha. No. As in ayoko ng ganyan.
Baling sa north, mga lalaking epal na feeling macho at may lakas pa talaga ng loob na magtrunks lng ha. May mga babae ding nakatwo piece na halos matakpan na ng taba nila yung bikini nila. Wow ha! Anlakas din ng apog ng mga to. Aba kung ako to, itatago ko ang taba ko no. Tsh. No! Ayoko namang magdala ng lalaki na instant salbabida sa mga friends ko.
Baling sa northwest, mga lalaking kawayan na nakatingin sa akin na nakakamanyak. And if I say kawayan, talagang katawan na tipong isasama nung alon pabalik sa dagat. Naku naku! May nakapiercing pa. Tapos ang lalaki ng damit. Aba, kala ata nito naging astig siya sa pananamit niya. Hindi siya nagmukhang gangster. Mas nagmukha siyang hanger. Yung magtataka ka kung bakit napadpad yung ganyang klaseng hanger dito. Aakalain mong nilipad din. Tsh.
Baling sa northeast, mga lalaking ang gwa-gwapo. Yung tipong kung makatitig eh isusubo ka ng buo. Naku! Yoko! A big no no! Madali lng akong matatalo sa laro na ginawa ko uy.
Baling sa east. Ohlalala! As in Oh my my. I think I found the right guy for me. Know why? Conversation nila ng girl:
Natira yung guy nung bola na pinanlalaro sa beach volleyball. Agad namang tumakbo ng may halong kaharutan yung babaeng ewan ko ba kung saan pinaglihian. Sa kalamansi o kamias o santol o sampalok. Basta lahat ng pampaasim. Gusto kong mapamukhang asim bigla sa sobrang asim ng pagmumukha niya!
“Gosh, sorry ha? Hindi namin sinasadya. Okay ka lng ba?” pagtatanong nung girl saka hinawakan yung left cheek nung guy na natira ng bola. Lumingon naman yung guy so nakita ko yung side view niya. Ohlala. Gwapo pag side view. Ang hawt. Pano pa kaya pag front view diba?
“It’s okay. Wag mo lng hahawakan yung pagmumukha ko.” Sabi nito saka itinuloy uli yung pagbabasa ng magazine. Hindi nakasalita yung girl. Nadismaya siguro kasi bakla ito. Aba siyempre naman, maarte sa pagmumukha at nagbabasa ng magazine? May lalaki bang gumagawa nun? Hah? Sabihin niyo nga sa akin.
Oks na ang bakla. At least mahirap nilang akitin. Magiging friends pa kami. Hahahayy! This is it pansit! Let’s go. Pero tatanungin ko muna kung may girlfriend no. Ayoko namang lumabas na slut. Hmm. Plan? No need! Yakang yaka na to. Kinuha ko muna yung sun block ko. Oh yeah. Old school of flirting? Eh sa wala akong maisip eh. Kesa naman dun sa babae kanina na ang corny nung pagpapapansin. Tsh.
Lumakad na ako. Whoo! Fighting Summer!
“Uhm, hi! Can you please apply sunblock on my back? Hindi ko kasi abot eh.” Sinabi ko ng nakatalikod. Tinignan ko ng paside view pero di ko makita kasi nashock ata pero kinuha rin yung sun block tapos inapply sa likod ko. Hahaha. Makinis yan no! Choosy ka pa. Pasalamat ka at ikaw ang napili ko.
“All done.” Sabi nito sa baritonong boses. Tapos narinig ko na rin yung pagclick nung lotion. Iniabot niya sa akin at nakangiti ko itong inabot. Nakayuko na ito at patuloy pa rin sa pagbabasa ng magazine. Tumingin na ako sa kanya.
“Thank you, hindi ko kasi abot. By the way, I’m-” magpapakilala pa sana ako but he cut me off. Nagulat ako sa sinabi niya.
“Summer Serene dela Vega.” he stated. What the hell? Bakit kilala niya ako? I admit, sikat ako dito. Pero hindi naman ako nalalabas sa magazine ah. Di kaya stalker ko to? Aba aba! Mag-iiba ako ng target no!
BINABASA MO ANG
Summer's Love Affair
RomansaHere's to everyone... who wants a summer romance "In every girl's life; there's a boy she'll never forget and a summer where it all began" -Summer Serene dela Vega