Chapter 11
Tumuloy na kami sa rest house. Pano ba naman kasi, nagwalk out si Nicki. Ano bang problema nito? Diba laro lng naman to? Na kailangang magustuhan ka nung lalaki at dapat hindi maagaw ang guy mo pero dapat ang pagtuonan niya ng pansin eh si Kent? Oh baka naman ibang laro na ang nilalaro niya? Tsk. Masyado ako maraming tanong ngayon. I need answers for God’s sake!
Tutuloy na sana ako sa kwarto namin pero hinablot ni Kent yung kamay ko. Tinignan ko lng siya ng nagtatanong. Mataman niya lng akong tinititigan.
“So?” pagtatanong ko sa kanya. Nasa hallway daw kami ah. Mukhang natauhan naman siya kaya bigla niyang binitawan ang kamay ko. Shinake niya yung ulo niya na napapansin kong mannerism niya pag naiinis. Alam ko na no. Aba kung kasama mo ba naman siya sa isang kwarto ng tatlong buwan, ewan ko lng kung hindi mo mapapansin na yan ang ginagawa niya pag naiinis siya sakin. Minasahe niya yung nose bridge niya saka tumalikod na. Woah, talk about manners.
Hindi ko na lng siya pinansin at nagpalit lng ng damit saka bumaba na rin ako para hanapin si Nicki.
“Hey, dumating na ba si Nicki?” pagtatanong ko kina Haithlyn at Kiko na parang nag-aaway. Magkalayo eh tsaka di nag-uusap. Umiwas ng tingin si Kiko habang si Haithlyn naman eh ngumunguya na parang walang pakialam. Kung di mo siya kilala, aakalain mong wala lng talaga. Pero ang totoo, naga-alala na yan. Pero di ko naman makita kung bakit umaakto si Nic ng ganito. Paalis na sana ako ng narinig ko si Haithlyn.
“Please take care of her.” Ngumiti lng ako saka tumakbo na palabas. Nagikot ikot lng ako dito. Hanggang sa may makita akong babaeng nakayuko at mukhang nagsusulat sa buhangin gamit ang paa nito. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tumabi. Hindi niya ata akalain na hindi niya ako maririnig.
“Hey.” Untag ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin saka ngumiti ng mapakla.
“Sorry ha. Madrama ba ako kanina? Nasira ko pa tuloy yung bonding natin.” Sabi nito saka yumuko ulit.
“Hey, it’s okay. Tsaka oks lng yun sa kanila. Nakita na rin nila yung acting skills mo. I'm so proud of you.” Sabi ko na nakapagpangiti sa kanya. Pinapagaan ko lng ang loob niya. Tumahimik kami ng ilang sandali saka ako nagtanong.
“Do you mind if I ask?” hindi ko na siya hinintay magsalita. “What are you up to? Bakit parang gulong gulo ka kanina? Di ba parte lng to ng laro natin? Or tactics mo lng yan para hindi makuha ni Haithlyn si Kiko?”
“I don’t know Summer. Naguguluhan nga rin ako. Alam kong naglalaro lng tayo. To have some fun. Pero masyado ko atang dinibdib yun at nakalimutan yung real reason kung bakit may mga partners tayo. Masaya kasi siyang kasama.”
“Hmm. Nakalimutan kong weakness mo pala yan. Bakit kasi yun ang pinili mo diba? Kulit mo rin eh.” Paninisi ko sa kanya ng pabiro. Ayoko naman masyado siyang idiin.
“Nakalimuatn ko eh. Pero nung malaman kong parang mas napapalapit siya kay Haithlyn, para akong inagawan.” Sabi niya. Binatukan ko nga ng mahina.
BINABASA MO ANG
Summer's Love Affair
RomanceHere's to everyone... who wants a summer romance "In every girl's life; there's a boy she'll never forget and a summer where it all began" -Summer Serene dela Vega