Chapter 16
Nakauwi na kami galing sa beach resort. Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung nakauwi ako sa bahay namin at hanggang ngayon, di pa rin ako kinocontact ni Kent. Nakakabwisit eh! At dahil bored ako ngayon, niyaya kong magshopping sina Haithlyn at Nicki pero sa kasamaang palad, nasa Manila si Haithlyn kaya kaming dalawa lng ni Nicki. Nasa mall na kami ngayon at pumipili ng mga kahit anong kaechosan.
Pumunta na akong counter para magbayad ng may biglang bumangga sa akin kaya naman nahulog lahat ng bibilhin ko.
“Gosh. Sorry, ha?” sabi nung nakabangga sa akin.
“Okay lng.” Sabi ko. Tinulungan niya namang pulutin ko yung mga pinamili ko.
“Here. Sorry ulit. Nagmamadali kasi ako kasi yung kasama ko, atat na atat umuwi. Okay lng bang mauna na ako?” sabi nung babae. Mukha naman siyang mabait. Walang dugong bitch kaya pinauna ko na. Di naman ako nagmamadali.
“Naku, thank you talaga, ha?” sabi niya saka dali-daling tumakbo. Nagbayad na lng ako saka pumunta kay Nicki na nagtitingin tingin ng sapatos.
“Hey, ba’t ang tagal mo?” puna niya sa akin.
“Sorry. May pinauna lng akong babae sa counter.”
“Psh. Come on. I’m starving.” Sabi niya saka nauna ng maglakad. Kita mo to. Nagtawag pa talaga eh mas mauuna pa naman siya sakin. Sinundan ko siya at nakarating kami sa Greenwich. Nag-order siya ng carbonara, lasagna saka fries bilang side dish. Sa kanya lng yan, ha? Hindi naman siya masyadong gutom eh. Umorder na lng ako ng lasagna and pearl coolers na buko pandan.
“Ngayon ka lng ba nakakain dito at talagang andami mong inorder?” tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay.
“Huh? Marami na ba yan? Tinipid ko nga lng eh. Balak ko pa sanang mag-order kanina ng pizza eh. And I know you’re about to say something so kailangan ko ng energy para makinig sa mga kadramahan mo sa buhay.”
“Tsk. How, did you know?”
“You know, bestfriend’s instinct. Saka ka lng naman nagsho-shopping kasama kami para magchismis ka pagkatapos.” Tumawa na lng ako at sakto namang dumating yung order namin. Tapos niya ng kinain yung carbonara niya at sinisimulang lantakan yung lasagna ng bigla akong nagsalita.
“I’m cutting off the deal.” Sabi ko habang sumisipsip sa drink ko. Bigla siyang napatingin sa akin. Nagkalat pa yung sauce ng lasagna sa bibig niya. Inabutan ko naman siya ng tissue. Pinunasan niya naman.
“You what? Why the sudden change of mind?” tanong niya sa akin. Tumahimik naman ako. Hindi ako makatingin sa mata niyang nang-uusig.
“This is about Kent, right?” She doesn’t sound asking. She’s just like confirming it. “Is this about the days that you’re being with him?” Tumango na lng ako. Narealize ko kasi na more than like na yung nafe-feel ko.
BINABASA MO ANG
Summer's Love Affair
RomanceHere's to everyone... who wants a summer romance "In every girl's life; there's a boy she'll never forget and a summer where it all began" -Summer Serene dela Vega
