Chapter 15
What am I even doing? Ano bang nangyayari sa akin?
Yan ang mga tanong na iniisip ngayon ni Kent. Ewan ba niya kung sinapian ba siya ng espiritu ng kalandian kanina kaya niya nagawa yun. Ipinikit niyang muli ang mga mata at nakita niya ulit ang nakangiting imahe ng dalaga.
“Aww shit! Stop it!” nanggagalaiting sabi ni Kent saka tumanaw sa labas ng kanyang bintana. Alas otso na ng gabi at umuulan pa. Sobrang lamig ng pakiramdam niya dahil na rin sa katapat ng kanyang kwarto ang dagat. Bumangon siya at isinuot ang kanyang jacket. Bigla siyang inuhaw sa pag-iisip sa dalagang nasa kabilang kwarto lamang.
Hinanap niya ang tsinelas niya saka pumunta na sa kusina. Habang binabaybay niya ang hallway, napansin niyang madilim na ang bahay. Nakapatay na rin ang mga ilaw. Mukhang tahimik na ang buong kabahayan. Ang tanging maririnig lamang ay ang kulog sa labas habang ang nagsisilbing ilaw lamang niya ay ang kidlat. Naririnig niya rin ang kalampagan ng mga bintana dala na rin ng malakas na hangin.
Kumuha siya ng tubig sa kusina at inilibot ang paningin nagbabakasakaling makita ang dalaga. Nang wala ni anino ang makita, ay binaybay niyang muli ang daan papuntang kwarto niya pero bago iyon, madadaanan muna niya ang kwarto ni Summer. Tumigil siya sa mismong harapan ng pintuan ng kwarto. Huminga ng malalim at tinitimbang kung kaya ba niyang kumatok.
Hindi maipagkakailang namimiss niya na ang kadaldalan nito. Hindi niya nakita ito kaninang kumain siya ng hapunan. Nagtira na lng siya kanina ng makakain nito sakali mang magutom ito. Kumain na siguro ito dahil hindi niya na nakita ang tinakpang pagkain. Huminga siya ng malalim at saktong aalis na sana siya sa tapat ng pintuan ng marinig ang tinig nito na nanggagaling sa loob ng kwarto.
Across the ocean, across the sea
Starting to forget the way you look at me now
Over the mountains, across the sky
Need to see your face and need to look in your eyes
Through the storm and through the clouds
Bumps in the road and upside down now
Napangiti siyang bigla ng marinig ang malambing nitong boses. Alam mo yung parang boses sa Disney? Ganun yun eh. Nakakaantok. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig sa tabi ng kama niya at nakasandal dito. Nakalukot ang tuhod nito na siya nitong niyayakap at nakaharap sa malaking bintana na tanaw na tanaw ang dagat. Dahan dahan kong isinara ang pinto saka itinuloy ang kanta nito.
I know its hard babe, to sleep at night
Don’t you worry, cause everything’s gonna be alright-iiight
Be alright-iiigght
Napatingin siya kaagad sa akin at nagtatakang tinitignan ako. Umupo naman ako sa tabi niya at tumingin lng sa labas. Nararamdaman ko pa rin siyang nakatitig sa akin. Binalewala ko ito saka kumanta.
Through the sorrow, and the fights
Don’t you worry, cause everything’s gonna be alright-iiigghtt
BINABASA MO ANG
Summer's Love Affair
RomanceHere's to everyone... who wants a summer romance "In every girl's life; there's a boy she'll never forget and a summer where it all began" -Summer Serene dela Vega