Chapter 13
Nakababad lng ako sa may tubig ng biglang sigawan ako ni Kent.
“Hoy Summer! Ano na?! Wala ka ba talagang balak umahon diyan?” sigaw na sabi ni Kent. Oh, tamo ang bipolar talaga nito.
“Teka, nagrerelax pa ako.” sabi ko habang nakapikit. Nakarest yung ulo ko sa isa sa mga bato.
“Tsh. Magpalit ka na. Baka magkasakit ka niyan.” Sabi niya saka biglang naging malumanay ang pagkakasabi niya. Ano ba talaga ang gagawin ko sa lalaking to?
“Oh, eh san ako magpapalit? Wala akong pamalit no.” nakairap kong sabi sa kanya. Ang gulo niya kasi eh.
“Eh san pa, diyan sa mga puno diyan. Anong gusto mo? Sa cr pa? Ang choosy mo. May tshirt diyan.” Sabi niya rin ng nakairap. Hayy. Nakakaasar.
“Hay naku, meron ka ba? Kanina mo pa ako sinusungitan ah. Hmp.” Sabi ko saka kinuha yung tshirt. Hindi na lng siya nagsalita saka tumalikod sa akin. Pagkasuot ko, ang laki sakin! Hindi nakikita yung mini shorts na suot ko so ang kinalabasan, para akong walang suot. Hayy.
“Ang tagal naman. Gusto mo ako na lng magbihis sayo?” sabi niya saka lumingon sa akin.
“Tsk. Tinitingin tingin mo diyan?” sabi ko na nakairap saka nakapameywang. Tignan ba naman ako ng head to toe.
“Wala. Halika na. Alas sinco na oh.” Sabi niya saka iniabot sa akin yung picnic basket.
“Hoy! Mars Kent Villanueva, kung plano mo akong dalhin ulit diyan sa madilim na kweba na yan, wag mo ng ituloy. Kasi kahit anong gawin mo, hindi mo ako mapapadaan diyan! Ayyyy!” napasigaw ako kasi hinila na naman niya ako. Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya. Bigla naman akong lumayo saka umiwas ng tingin.
“Tsh. Nahiya ka pa. Halika na nga.” Sabi niya papunta kung saan kami dumaan kanina para tumalon sa falls.
“Kakapalit ko lng. Wala na akong extrang damit.” Sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Okay fine. Bahala nga siya. Hawak hawak niya pa rin yung kamay ko tapos sa kabila naman eh yung cooler tapos yung lampara. Umakyat kami sa matatarik na bato doon. Naglalakad lng kami ng makita kong dead end na. Puro puno na lng ang nandito.
“Huy, wala na tayong pupuntahan oh. Sige na, balik na tayo sa kweba. Pipikit na lng ulit ako.” sabi ko sabay tagtag nung kamay ko. Pero tuloy tuloy lng siya doon. Nagulat ako ng hinawi niya yung mga halaman doon. Yung vines na nakasabit. Pagkalabas namin dun sa mga halamang yun, nakita kong nagbalik kami sa gubat kanina na nakakatakot.
“Oh, so may iba pang daanan papunta sa lugar na yun?” sabi ko na naaamaze.
“Tsk. Kakikita mo na ngang dumaan tayo sa ibang way, magtatanong ka pa.” pagsusungit niya pero pinabayaan ko na rin.
“Aish! Eh bakit pa tayo dumaan sa may kweba?”
“Para mas adventurous.” Liningon niya ako saka ngumiti. Hayy. Kung ganito ba naman siya lagi, paniguradong matatalo na ako sa laro namin ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Summer's Love Affair
RomanceHere's to everyone... who wants a summer romance "In every girl's life; there's a boy she'll never forget and a summer where it all began" -Summer Serene dela Vega