Chapter 14
Hinatid ko sila ng tanaw papaalis dito sa beach resort. Yeah, tama kayo ng basa. Tinatanaw ko sila paalis ng beach resort. Kailangan pa bang ulitin? Eto naman ako, na-stuck kasama si Kent. May sakit kasi ang loko. Hindi ko naman alam na mahina pala resistensya nito kaya inaalagaan ko siya ngayon. Hindi naman pwede si Haithlyn kasi pinapatawag siya nung dad niya. Ayaw naman magpaiwan nina Nicki at Kiko. Si Briggs naman, kahit gustuhin niyang samahan ako sa pag-aalaga, hindi pwede kasi may emergency sa Manila. So todo effort ako dito, ganun?
“Uh-huh, uh-huh.” Narinig kong may umuubo sa likuran ko.
“Oh, bakit ka bumangon? Baka lumala sakit mo. Bumalik ka na nga dun.” Sabi ko saka ko siya inakay papuntang hagdan pero ayaw magpaawat.
“Wag na. Nakakabagot sa kwarto ko. Parang mas magkakasakit ako sa paghiga dun eh.” Sabay umubo ulit.
“San mo gustong pumunta? Hindi pwede sa labas. Makulimlim. Mahihirapan pa kitang buhatin paloob kung sakaling umulan.” Sabi ko saka siya pinameywangan.
“Ay naku. Wag mo nga akong masyadong alalahanin. Ayoko ng ganyan.” Sabi niya saka tumalikod papuntang kusina. Ano bang problema nung taong yun? Meron ba siya? Ang sungit niya ha!
Tumuloy na ako sa kusina para sana magluto ng kakainin namin pero nakita ko siyang nagluluto dun. Ano bang klaseng utak ang meron ito?!
“Huy! Ano bang ginagawa mo diyan? Umalis ka nga baka mapano ka.” Sabi ko saka marahan siyang tinulak palayo.
“Ano ba, nakitang nagluluto ako eh. Anong gusto mo, wala tayong kainin?” sabi niya saka kumunot ang noo sa akin.
“Eh may sakit ka nga. Ako ng magluluto. Kaya nga ako nagpaiwan, diba?” sabi ko at pinameywangan.
“Baka mamatay ako ng maaga sa luto mo. Umalis ka na nga lng. Wala ka namang matinong gagawin dito.” Sabi niya saka ipinagpatuloy ulit ang pagluluto. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Alam mo yung parang ang useless mo. Alam ko naman na hindi ako magaling magluto. Kapag iba yung nagsasabi na wag na akong tumulong sa kanilang magluto, parang okay lng. Pero kapag siya na yung nagsalita, parang ang walang kwenta ko.
Huminga muna ako ng malalim saka umalis na sa kusina. Narinig ko pang tinawag ako ni Kent.
“Summer.” Pero itinaas ko lng yung dalawang kamay ko habang nakatalikod.
“Not now, Kent.” Sabi ko saka dere-deretsong naglakad papuntang dalampasigan. Magpapalamig muna ako ng ulo. May sakit pa rin yung tao kaya baka mas makasama pa kung makikipagsagutan ako sa kanya.
Kent’s
Ah shit! What did I just said?! Ang tanga ko para hindi mapigilan tong bunganga ko. Hinahalo ko pa rin yung niluluto ko. Ayoko lng naman kasing ituring niya akong bata na walang kayang gawin. May sakit lng naman ako eh. Mas malala pa nga nun pero nakaya ko. Naging independent kasi ako nun kaya ganun. Tinikman ko yung niluluto ko pero halos malukot yung mukha kasi ang pakla! Walang kalasa lasa. Hindi na made with love. Made with guilt na.
BINABASA MO ANG
Summer's Love Affair
RomanceHere's to everyone... who wants a summer romance "In every girl's life; there's a boy she'll never forget and a summer where it all began" -Summer Serene dela Vega