Chapter 8
Nasa harap na kami ng bahay namin ngayon. Dito yung meeting place namin kasi mas magkakalapit kami ng bahay. Alas tres na ng umaga. 2 hours kasi yung byahe papuntang Currimao eh. Tapos 30 minutes papuntang beach resort nina Haithlyn. Masukal kasi doon. Private property naman eh. Gamit namin yung van nina Briggs. Hinihintay namin ngayon sina Nicki at Kiko kasi sinundo pa niya ito.
“Huy babae, eh yung si Kent? Wala ng balak sumama? Pa-vip ganun?” nakapamewang na sabi ni Haithlyn. May pagkamataray kasi to. Ayaw niya yung naghihintay.
“Relax lng Haith, baka tumaas yung alta-presyon mo.” Nakatawang pagpapakalma ni Briggs. Mukhang close na sila ah. Hmm. Mahihirapan ata ako dito ah.
“Oo na. Wait lng. Kanina ko pa tinatawagan eh kaya lng nakapatay.” Sabi ko saka dinial uli yung pangit na yun.
The subscriber cannot be reached, please try-
Arrgghh! Kanina ka pa sumasagot sa tawag ko ah! Ikaw ba tinatawagan ko?!! Nakakaasar! Triny ko na lng ulit.
Riiiinnnggg… rrriiiiinnnngggg… rrrrriiiinnngggg…
Sa wakas! Nagring din! Muntik ko ng ibalibag tong phone ko kanina! Kahit Samsung lng to uy.
“Summer, naku sorry sorry. Nag-off pala yung phone ko kanina. Napatawag ka?” Shit?! Seriously??!! Kanina pa ako natataranta dito tapos ang sagot lng niya sakin ‘Napatawag ka?!’ Leshe!
“Aba, baka nakakalimutan mo, may pupuntahan tayo diba?” pagtitimpi kong sagot sa kanya. Dapat pumunta siya. Ako lng male-left out, ganun?
“Shit!” naririnig kong pagmumura niya sa kabilang linya.
“Hoy, wag mo akong murahin. So, nasan ka na?!” nakapamewang kong tanong sa kanya kahit alam kong di niya ako kita.
“Sorry Summer. Alam ko talaga may nakalimutan ako eh. Di ko na natandaan na may lakad pala tayo. May pupuntahan ako ngayon eh. Sorry talaga Summer.” Napanganga na lng ako sa sobrang pagkagulat. What the fudge?!
“Tsh! Sana man lng nagsabi ka, diba? Nakakainis.” Sabi ko na ikinakunot ng noo ng mga kaibigan ko. Pinapanood pala nila akong kausap ang pangit na to.
“Sorry talaga Summer. I’m sorry. I’ll make it up to you. I promise. Baba ko na, ha?” sabi niya saka ako binabaan. Ay grabe! Nadisappoint ako ng sobra. Imagine, binabaan ako?! Siya unang nagbaba?! Wow ha! Pero sa tingin ko mas lamang ang pagkalungkot ko na di siya makakasama samin kesa sa pagkadismaya. Ewan ko ba. Nagiging weird ako ngayon.
“So, girl. Anong oras daw dadating si Kent?” tanong ni Nicki sakin. Napansin ko ding meron na si Kiko.
“Let’s go.” Sabi ko saka pumasok na sa loob ng sasakyan.
“Huh? Pero paano-” biglang tumigil si Nicki.
“Maingay ka! Gusto mo plasteran kita?” narinig kong bulong ni Haithlyn kay Nicki.
Hindi na lng ako nagsalita. Baka sila lng mapagbuntunan ko. Tumingin na lng ako sa may window saka isinalpak yung headset ko. Matutulog na lng ako kesa mabwisit ako.
Haithlyn’s
Nasa passenger seat ako ngayon tapos katabi ko si Briggs na nasa driver seat. Syempre ako yung magtuturo ng mga directions eh. Siya yung nagdri-drive tutal 19 na naman siya. Magkakaedad sila nina Kent.
Tinignan ko lng sila sa likod. Magkakatabi sila dun. Nasa gitna si Nicki, katabi niya sina Summer at Kiko kaya lng nakasandal yung ulo ni Nicki kay Kiko tapos nakaakbay naman ito kay Nicki. Ehem! Ano ito?! Pano na yung lalandiin ko? Chos! Pero napano kaya yang si Summer? Sobrang lungkot nito ngayon. Nakasandal lng siya sa may bintana.
BINABASA MO ANG
Summer's Love Affair
RomanceHere's to everyone... who wants a summer romance "In every girl's life; there's a boy she'll never forget and a summer where it all began" -Summer Serene dela Vega