Ehem, ehem, ehem! Hahaha. Bago ang lahat, nais ko lng kayong paalalahanan na may mababasa kayong di kaakit akit dito. Kapag sinabi kong di kaakit akit, alam na! SPG alert. Di naman talaga SPG siya. Ah basta. So, simulan na!
---
Chapter 7
Kent's
Grabe naman sa kulit tong babaeng to! Ano bang nilaklak nito? Isang dosenang Enervon? Masyadong energetic eh.
“Whoo! Nage-earthquake mga dre. Dali dali. Patugtog tayo ng 2012!” sabi nito saka winagayway yung mga kamay niya. Nakasampa kasi siya sa mga balikat ko. Natawa na lng ako sa kanya.
“2014 na. Kaya hindi na mangyayari yung sinasabi mong end of the world.” Sabi ko sa kanya pero di ba naman ako pinansin. Ganito ba talaga to malasing? Ang daldal.
“Ay! Anong nangyayari? Bakit nakasabit yung mga tao dito na parang paniki? Anti-gravity?! Wow! Ako rin! Ako rin!” sabi pa nito saka nagsimulang maglililikot.
“Summer! Magtigil ka nga. Gusto mong mahulog ngayon din?” sabi ko saka ko ulit siya niyugyog para tumahimik. Good thing andito na kami sa cottage ko. Dito na muna siya. Hindi ko naman siya makakausap ng matino eh.
“Ugh! May tsunami na ba? Wag muna. Matutulog muna ako.” sabi nito saka ko dahan dahang inihiga sa sofa. Humikab ito. Kumuha ako ng basang pamunas at balak ko siyang punasan muna bago siya mahiga. Pulang pula na to ah. Dumilat naman siya at kinapa yung mukha ko.
“Kent? Ikaw ba yan? Yung napakagwapo kong adviser?” sabi nito saka ngumiti. Napangiti naman ako. Totoo nga na nagsasabi ng totoo ang mga taong lasing. Hindi na lng ako sumagot.
“Alam mo ang sungit mo. Pakipot ka pa. Kaya ako nabwibwisit sayo eh. Ako pa lagi mong pinapagalitan. Tsh.” Sabi nito saka lumungayngay yung ulo nito. Napakunot naman ako ng noo saka siya pinunasan ulit ng basing pamunas. Binabawi ko na yung sinasabi kong nagsasabi ng totoo ang mga lasing. Lasing lng siya kaya nasasabi niya yan.
“Arggh! Ang init grabe! Malulusaw na ata ako!” sabi nito saka unti unting tinatanggal yung damit niya. Feeling ko nagslo-slowmo yung paligid ko. So ang kinalabasan sa paningin ko, parang nagstri-strip tease siya.
“Oo nga ang init.” Nasabi ko na lng habang para akong naparalisa na nakatingin lng sa kanya. Nakita ko na yung bikini niya. Nagtagumpay siya sa pagtanggal sa hanging blouse niya. Isusunod niya na sana yung maong shorts niya at dun parang nag-snap ako sa katinuan.
“Summer! Wag mong tatanggalin yan!” sabi ko at inilagay ulit yung blouse niya saka ko siya pinipigilang hubarin yung short niya.
“Ehhh! Ang iniiittt!” sabi nito saka kinamot yung pisngi niya. Binuhat ko naman siya at dinala sa may cr. Binuksan ko yung shower at itinapat siya dun. Saka ko lng narealize yung katangahang nagawa ko ng makita kong bumakat yung bikini niya sa hanging blouse niya.
“Aww shit!” sabi ko saka tinampal ang noo ko. “Way to go Villanueva!” Tinanggal ko siya sa may shower pero nabasa na rin ako. Inaalalayan ko yung katawan niya gamit ang kanang kamay ko at tinatabig yung basang buhok niya sa mukha gamit ang kaliwang kamay ko. Nakaluhod ako ngayon dito sa bathroom floor. Ang laking perwisyo ng babaeng to.
“Mmm.” Narinig ko siyang umungol. Tinignan ko naman siya at nakitang nakahalf open yung mata niya. Nagulat na lng ako sa sunod niyang ginawa. Hinila niya ako sa may batok ko at tuluyan ngang nagdikit ang mga labi namin. Nakapikit siya kaya napapikit na rin ako. Gusto ko ng umayon kay Summer na ang init init nga. Gusto ko na rin atang magshower.
Summer’s
“Mmm.” Sabi ko saka dumilat. Nag-inat inat ako. Feeling ko napagod ako buong gabi. Ano bang nangyari? Hmm. Nag-inuman lng naman kami tapos wala na akong maalala. Ewan ko nga lng kung nananaginip ako na may nagsampa sa akin sa balikat. Tapos wala na akong maalala. Ganito talaga ako pag nalalasing. Wala na akong maalala sa nangyayari. Hmm.
BINABASA MO ANG
Summer's Love Affair
RomanceHere's to everyone... who wants a summer romance "In every girl's life; there's a boy she'll never forget and a summer where it all began" -Summer Serene dela Vega