Affair 12

31 3 0
                                    

Chapter 12

Pagkatapos ng makabagbag damdamin na confession sakin ng aking napakagwapong teacher, napakacaring niya na kinabukasan. Kwento sa akin ni Haithlyn, maaga daw nagising si Kent para lng magluto na hindi niya naman talaga ginagawa. Sabi niya daw, “Dapat made with love ang laging kinakain ni Summer. Ako ng bahala sa pagkain niya.” Napatawa ako ng nagkwekwento sina Nicki at Haithlyn. Si Nicki kasi yung gumaya nung boses ni Kent. Kahit kelan talaga to.

And truly enough, ako lng yung rice ang kinakain ngayon. I mean, kaming dalawa ni Kent. Naka heart shape pa yung pagkakaayos ng fried rice. Tapos yung scrambled egg naman, nakaheart shape din yung pagkakahiwa. Tapos yung corned beef, heart shape din ang pagkakaayos. Red eh. At ito ang matindi, yung spam, ginawa niyang toppings na maliliit sa rice ko na heart shape din. Masyado atang pinageffortan tong pagkain ko. Sa isang plato ko lng lahat yan ah! Gusto kong matawa sa pinaggagagawa nito.

Naririnig ko yung pagpipigil ng tawa nina Haithlyn at Nicki. Si Kiko naman, nakatingin lng sa pinggan ko ng nakanganga. Si Briggs, nakangiti na parang aso kay Kent. Si Kent, ayun ngiting ngiti na nakatingin lng sakin.

“Nagustuhan mo?” tanong ni Kent na parang hinihintay yung sagot ko. Para siyang bata na biglang iiyak kapag humindi ako. Sasagot na sana ako ng biglang sumabat si Kiko.

“Tangina pre. Baka di niya na makain yang puro heart shape na pagkain niya. Made with love talaga! Ang gay!” sabi niya ng nakanganga na hindi pa rin makapaniwala. Hindi na pinigilan nung apat ang pagtawa. Pinagpapalo pa ni Nicki yung lamesa. Hindi niya macontain tawa niya eh.

“Makasabi ka ng gay diyan. Mas bakla ka kaya gago. Pagkasabi mo pa lng!” naiinis naman na sagot ni Kent. Napangiti ako sa inasta niya. Tuloy pa rin sila sa pagtawa, hindi pinapansin yung inasta ni Kent.

“Akin na nga.” Sabi niya at akmang ilalayo yung pinggan ko ng agawin ko sa kanya. Tumingin siya sakin ng nagtataka.

“Hoy, binigay mo yan tapos kukunin mo ulit? Ano yan, bastusan lng? Akin na nga. Gusto kong tikman yung luto mong ‘made with love’” sabi ko saka siya kinidatan. Mukhang hindi nagsink-in sa kanya kasi nakanganga pa siya tapos nakataas pa yung kamay niya.

Tuloy pa rin sa pagtawa yung apat. Kinuha ko yung phone ko saka pinicture’n yung pagkain na puro heart. First time kong matikman luto niya eh. Ako naman kumain lng nung niluto ni Kent. In fairness, masarap siya. Hindi ako nagsasalita. Galit-galit muna. Pero parang tumahimik? Anong nangyari? Tinignan ko yung paligid ko at nakitang nakanganga silang lahat na nakatingin sakin. Maski si Kent hindi pa rin gumagalaw hanggang ngayon.

“Oh, problema natin?” sabi ko saka ngumunguya. Nagbubukol bukol pa yung pisngi ko.

“I didn’t know that you’re a sloppy eater. Akala ko babaeng babae ka eh.” Ngumiti si Kent sakin saka pinunasan yung gilid ng labi ko.

“Ang sarap eh. Made with love talaga. Hahaha.” Sabi ko saka kumindat ulit. Tumingin ako sa paligid ko at para silang nanonood ng shooting. Grabehan te? Hindi nila alam magpasimple ng tingin eh. Talagang lantarang pagtitig?

Summer's Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon