Affair 18

17 0 0
                                    

Chapter 18

 

Nagising ako dahil sa lamig ng tubig na bumuhos sa akin.

“Shit! Dafvck! Ano bang problema niyo?!” sigaw ko sa taong nagbuhos ng tubig sa akin.

“Buti naman nagising ka na. Tara na. 7:00 na! May pasok pa tayo!” sigaw din ni Kim sa akin habang pinupunasan ko yung mukha ko ng kamay ko.

“Ano? Ano bang pinagsasabi mo?” kakamot kamot ako ng ulo. Hindi pa nagsi-sink-in kung anong pinagsasabi ng babaitang to.

“First day of class! Halika na! 30 minutes pa! Ay mali! 29 minutes pa tapos yung pagpunta pa natin sa school, 10 minutes. So may 19 minutes ka pa!” Agad agad akong bumangon kaya lang sa kamamadali ko, nabuhul-buhol yung kumot sa may paa ko na naging resulta ng pagkahulog ko.

“Summer! Wag mong pairalin katangahan mo ngayon! Gusto ko man tumawa pero di pa ako nakakakin! Bilis!” takteng kaibigan to eh! Brutal kung brutal.

5 minutes lang ako naligo kasama na ang pagbibihis niyan. Di ko alam kung paano ko nagawa yun. Basta ganun ang ginawa ko. Hindi na ako kumain dahil kanina pa nagbubunganga tong kasama ko.

Tinakbo naming ni Kim ang paradahan ng tricycle kaya lang kung minamalas ka nga naman eh ngayon pa wala. Pusanggala. Kaya ayun, tinakbo na naming papuntang school.

Buti na lang at kaibigan naming si manong guard at pinapasok pa kami. First day na first day eh late na kami. Buti na lang mahaba ang speech nung principal naming. Tsh. Masyado maraming pakulo eh. Naupo na lang kami ni Kim sa may mushroom table habang nakapalumbaba ako. Inaantok pa talaga ako.

“Summer, asan na ba si Charlie? Kanina ko pa hinahanap ah.”

“Andiyan lang yan sa tabi-tabi. Lika na nga sa classroom. Lang kwenta naman dito.” Sabi ko saka tumayo na. Kinuha ko na yung bag ko at tumuloy papuntang classroom. Saktong tapos na rin pala kaya nagkasabay sabay na kami pumuntang classroom. Nakikinig lang ako sa adviser naming about sa mga possible activitites naming ngayong fourth year. Natapos ang klase naming at nagrecess kami.

Nagpalinga linga ako at may hinahanap na pamilyar na bulto ng katawan. Napaparanoid na nga ako at akala ko ay lahat ng makakasalubong ko ay siya.

“Ano ba. Kanina ka pa palinga linga ah. Ano bang hinahanap mo?” nawei-weirdohang puna sa akin ni Kim.

“Make it, sino ang hinahanap niya. Hahahaha.” Nag-apir pa ang dalawang bruhang to.

“Mga bruha! Wag nga ako yung pinagkakaisahan ninyo. Feeling ko kasi parang may sumusunod sa atin.” Pagsisinungaling ko. Dyahe na kung malalaman pa nila na kanina ko pa hinahanap hanap si Kent.

“Tsh. Kunwari naniniwala tayo no. Hahaha.” Hindi ko na lang sila pinansin.

“You know what girl, narinig ko na nagretire na si Sir Kent sa pagtuturo eh.” Napatingin naman ako kay Kim kaagad.

“You sure?” sabi ko ng nanlalaki ang mata.

“Yep. Kaya nga di ko na siya inaasahan kanina eh.”nagkibit balikat na lang ako. Leche siya! Kabwisit.

Nagtuluy-tuloy ang klase naming kanina. Wala akong pakielam. Tinitignan ko lang yung ulan na bumubuhos. Nagpaalam na din kanina sina Char at Kim. May ginagawa pa kasi ako dito sa office. Ang hirap maging SC officer. Nakakabanas.

Paglabas ko, ang lakas lakas na ng ulan kaya naman tarantang taranta na ako sa pagbubuhat ng gamit ko and at the same time binubuksan ko din yung paying ko. Nagulat na alng ako ng biglang may humigit sa akin sa braso ko at kinaladkad ako sa may janitor’s area.

“Aish! Basang basa na lahat ng gamit ko!” sabi ko habang pinapagpag at pinupunasan yung mukha ko. Nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likod at bumulong sa tenga ko.

I miss you damn much Summer.” Nagtindigan ang balahibo ko ng marinig ko ang boses niya. Ik’m sure that its him. Hindi pa tumibok ng ganito ang puso ko dahil sa pinaghalo-halong kaba, excitement at pagkainis. At dahil nanaig ang inis ko sa kanya, kumalas ako sa yakap niya at sinipa siya sa tuhod.

“You jerk! How dare you show your face after what happened?!” galit kong sabi sa kanya.

“I’m sorry baby. I didn’t intend to. Pinagsisisihan ko lahat lahat ng sinabi ko sayo. I love you Summer. Simula nung nabangga mo ako at pinagsalitaan ng hindi magaganda, you never left my mind. Mas umalab pa ang pagkagusto ko sayo nang pinili mo ako sa laro niyo. I know, I’m so stupid to not hear your side. Pinairal ko yung pagkastubborn ko. I’m really sorry. But I can’t stand to think that I’ve not talk or kiss you for the past two weeks. Please Summer, let’s get back together. Kahit bilang pawn mon a alng. Kahit laro lang.” sabi ni Kent ng nakatingin ng mataman sakin at nakahawak sa magkabilaan kong kamay.

Sa totoo lang, natouch ako sa sinabi niya. Kinagat ko ang labi ko upang maiwasang ngumisi. God, ba’t ganto? Isang haplos pa lang niya sa puso ko, parang nakakalimutan ko na yung mga nangyari sa amin?

“Jerk! Hindi mo kasi ako pinapakinggan. Promise me na hindi ka magpapaniwala kaagad sa mga naririnig mo. Ako at ako na muna ang didinggin mob ago ang iba.” Sabi ko at piningot ang ilong niya.

“Yes hon. So meaning, tayo na?” sabi niya habang lumalapit yung mukha niya sa akin. At dahil malandi ako, hindi ako umaatras. Hahaha.

“Ano ka swineswerte? Manligaw ka muna no.” sabi ko na nakatass kilay.

“I know you would say that. Hindi ba pwedeng maging tayo muna and I promise you, I will court you everyday?” nakakalokong ngisi niya sakin. Shete! Ang gwapo! Parang kanina lang, nagtatampo ako sa kanya tapos ngayon kinikilig na ako dahil sa kanya. I’m really a bipolar.

“Hah! No! Court me first then we’ll be together forever.” Sabi ko habang nakangisi.

“Hahaha. Okay. That can wait but this can’t.” sinabi niya at nilipad ang distansya ng aming mga labi. Napangiti na lang ako sa kanya at kinurot ang tagiliran niya. I really love this guy!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer's Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon