Prologue

848 25 5
                                    

"Ang kabiguan ngayon ay hindi nangangahulugang kabiguan habang buhay"

.

.

.

Napapalakpak ako sa sagot ni Angelika sa question and answer category. Oo, nasa pageant night kami ngayon. Kasama ang mga baliw kong kaklase. Medyo inaantok na nga ako eh. Di naman talaga ako sasama dito kung hindi dahil sa mga kabarkada ko. Gusto kasi nila lagi kaming kumpleto. At eto nga, napapatulala na lang ako dahil sa antok. At saka, ang boring kaya. Mas maganda pa ako sa mga yan eh. HAHAHA! Charot!

Naisip ko na naman tuloy yung nakaraan dahil sa sagot ni Angelika. Tama siya, kung nabigo ka ngayon, hindi ibig sabihin ay mabibigo ka ulit sa pangalawang pagkakataon. Maaaring mabigo kang muli, pero hindi na sa paraang nangyari noon. At kung mabigo ka man, matuto kang bumangon. Dahil hindi mo malalaman kung ano ang naghihintay sa'yo kung mananatili ka sa ganoong posisyon.

Sabi nila mahirap daw mag-move on, at oo. Alam ko yan dahil naranasan ko na. Minsan maiisip mo kung saan ka nga ba talaga nagkulang, eh ginawa mo naman lahat. Gasgas na nga yun eh. Pero ang totoo, kung iniisip mong hindi ka nagkulang, malamang sumobra na. Sobra kang nagmahal kaya sobra kang nasaktan. Yung iba, ginagawa na lang komplikado ang mga pangyayari kahit pwede namang gawan ng solusyon. Pero para sa akin, matapos ang lahat, kailangan lang maging malakas at wag matakot masaktan. Hindi ko kasi malalaman ang salitang kasiyahan kung hindi ako nakaranas ng kalungkutan. Kaya minsan, pinapasalamatan ko na lang din lahat ng nangyari.

Ako nga pala si Athena Cassiopeia Reyes Alejo. Most of my friends are calling me Cassy, but my family and him are calling me Athena. Marami ang nagsasabing maganda daw ako. Nakakasawa na nga eh. HAHAHA! Simple lang akong babae. Maingay, magulo, masiyahin, at madaldal. I do what I want as long as I know that I can't hurt somebody. Masasabi kong mayaman kami dahil isa sa mga sikat na company ang pag-aari ng parents ko. Katulad ng ibang babae, mahina lang ako. Pero isang pangyayari ang naging dahilan ng pagiging matapang ko..

This is my story.. Nasaktan na ako ng minsan pero hindi yun naging hadlang para malaman kong..

EVERY ENDING HAS A NEW BEGINNING

~~

Annyeong! This is my very first story. :)

A special thanks to Krystel! Hi Saeng! :*

Sana may magbasa at sumuporta nito. HAHA! <3 Yun lang. :*

Cassy on the right side. ^___^ >>

//ck

 

Every Ending Has A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon