Nine | SC: Ashley & Jim |

226 18 0
                                    

[ Ashley's POV ]

"Ate, mamalengke ka daw sabi ni Mommy!" Sigaw ni Caren, kapatid ko. Hindi ko siya sinagot dahil busy ako sa pagtetext. Hilig ko na kasi talaga to kapag wala akong ginagawa. Padaan lang ng Group messages. Halos minuminuto na nga lang eh. Bakit ba kasi ayaw matamaan nung taong pinapatamaan ko? Manhid ba siya? -___- OO MANHID NGA! MANHID!

Every girl has her bestfriend, boyfriend and true love. But you're really lucky if they're all the same person.

This is so true. Sup mates? :)

- Sending to 58 people..

Pumikit muna ako habang iniintay na mag send lahat ng messages.

Makakatulog na sana ako ng mag vibrate ang cellphone ko kaya chineck ko muna kung sino ang nag text.

Fr: Bestfriend Pogi

Bored again?

Yung totoo? Sinong abnormal ang naglagay ng bestfriend pogi dyan? Eh panget yan dati eh. Tss. Binago na naman siguro ng damuhong yun.

Ini-cancel ko na lahat ng messages na sinisend ko at nireplyan ko na si Jim.

To: Bestfriend Pogi

Not really, that's why I send Gm. -___-

Kilala ako bilang Ate ng barkada namin. Pinaka matured mag isip. Walang pakialam sa mundo. Parang walang problema. Pero eto ang pinaka malaking dagok sa buhay ko. Ang mahalin ang kaibigan ko. No. Let me scratch that. I'm inlove wiith my bestfriend.

2 years na kaming mag bestfriend ni Jim. Hindi lingid sa kaalaman yun ng barkada ko. Nag aaral na siya ng college ngayon kaya hindi na kami masyadong nagkakasama. Every sunday na lang kapag nasa Church.

Ilang beses ko ng tinangkang aminin sa kanya ang nararamdaman ko kaya lang inuunahan ako ng kaba. What if the feeling is not mutual? What if when he'll know everything, he will stay away from me? Pero paano kung ganon din ang nararamdaman niya? Paano kung iniintay lang din niya ang pag amin ko?

 Maraming what if at buts sa isipan ko. Marami kasing pwedeng magbago kapag umamin ako. Hindi din ako sigurado sa mga pinapakita niyang motibo dahil nga mag bestfriend LANG kami. Kaya hanggang ngayon, mas pinili kong ilihim na lang. Kaya kayo, wag kayong maingay dahil secret lang natin yun. :P

From: Bestfriend Pogi

Kain tayo sa labas?

Napabalikwas ako sa kama ko ng mabasa ang text niya.

Kakain sa labas? Date na yun di ba? Um-OO na lang kayo! Please! Haha. Di naman masamang kiligin eh. HIHIHI!

To: Bestfriend Pogi

Sure. Ngayon na?

SEND. Hahahaha! Di naman masyadong halata na excited ako eh noh. Hayaan mo na. Bestfriend ko naman yan eh. BESTFRIEND LANG. :(

From: Bestfriend Pogi

Yeah. Sunduin kita dyan ah. Mga 9:30. Ge, maligo ka na. Alam kong nakahilata ka pa nyan sa kama mo.

He knows me very well. -___-

Chineck ko ang time sa orasan ko. 8:56 am.

Nagmamadali akong tumayo sa kama ko at pumasok na sa loob ng CR.

**

"Oh saan ang lakad mo?" Tanong sa akin ni Mommy nang makababa ako.

"Uhm. May pupuntahan lang po kami ni Jim mommy." Sagot ko habang hinahanap yung doll shoes kong kulay black and yellow. Favorite color namin ni Jim yun eh.

Every Ending Has A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon