**
[ CASSY'S POV ]
"Aray! Dahan-dahan naman, Ash! Huhuhu!" Reklamo ni Gina. Nasa clinic kami ng school ngayon. Dito kami dumiretso para gamutin ang sugat ng palpak na babaeng to. Natatawa talaga ako sa nangyari kanina. :D
"Pangiti-ngiti ka pa dyan! Pffft!" Ay napansin pala niya. Pffft.
"Nagtataka lang ako kung bakit palagi kang palpak! Hahaha!" Napatawa na din yung tatlo sa sinabi ko.
"Yung bato ang may kasalanan dun noh! Bakit kasi haharang-harang siya dun. Tss. Di ko naman gugustuhing-- ARAY! Dahan-dahan naman, ano ba?!" Angil na naman niya.
"Hayyy, oh ayan. Okay na. Buti at hindi masyadong malalim. Mag-iingat ka na sa susunod ha?" Seryosong sabi ni Ashley.
"Oo na po -___-"
"Aattend pa ba tayo ng flag ceremony?" Tanong ni Ally.
"Hindi na, nagpa-alam na ako kay Mrs. Cruz na di tayo makaka-attend. Pumayag na siya." Sagot ni Ash. Tumango na lang kaming apat.
Tumahimik ang paligid, pero hndi naman awkward. Pero kasi, alam nyo yun? Di ako sanay. Himala na ba to? Bitay ko na ba bukas?! Omo! WAG MUNA! DI PA KAMI NAGKIKITA NI SEHUN! T___T
"Hoy! Bakit ang tahimik nyo?!" Pagbabasag ko sa yelo.
"Kapag maingay kami, nagrereklamo ka, kapag tahimik naman, nagrereklamo ka pa din? Yung totoo Cass?!" Sarcastic na sagot ni Kath. Kahit kelan talaga to. Binelatan ko na lang siya.
"Minsan namimiss ko din si Aileen." Biglang sabat ni Ash.
"Oh come on, Ashley Villorente." Nakataas ang kilay na sagot sakanya ni Gina.
"Wala namang masamang mamiss siya. Wala naman akong sinabing iba, di ba? Naaalala ko lang siguro yung mga panahong buo pa tayo. Sama-sama sa lahat ng bagay, masaya man o malungkot. Di ba kayo naghihinayang?"
"Bakit ka maghihinayang sa taong ikaw mismo ang sinayang? Ash, oo kaibigan natin siya. Pero sa tingin mo ba ganun din ang turing niya sa atin? Kung meron mang nanira ng pagkakaibigan natin, siya yun. Tingnan mo, nasaan siya ngayon? Nagpaliwanag ba siya? Hindi. Kahit sa atin lang magpaliwanag man lang siya dahil sa paglayo niya. Pero wala. Kahit isang simpleng 'sorry', wala. May dahilan pa ba para maghinayang Ash?" Paliwanag ni Gina. "We need to know her side, but she didn't give" Dagdag pa niya.
Narealize ko na ang daming ginawang pagbabago ng break up namin. Bakit ba kasi siya pa? Bakit sa dinami-dami ng babae, bakit si Aileen pa? Alam kong dahil sa akin kaya di niya na nagawa pang kausapin ang barkada. Sobra silang naapektuhan dahil dun. Alam kong nasaktan din sila, pero walang wala pa yun sa sakit na naramdaman ko, na hanggang ngayon, andito pa din. Hindi ko pa din kasi alam kung ano ang masasabi ko kapag kinausap niya ako. Thanks to her for not talking to me. But with our friends, I think she have to.
"But then, tanggap ko ng hindi na maibabalik sa dati ang lahat kahit magpaliwanag pa siya. Parehas natin silang kaibigan. Ang awkward nun di ba? Magstick na lang tayo sa kung sino ang tama and maging contented sa kung anong meron tayo ngayon." Sabat ni Allyson.
"Girls, tama na. Walang patutunguhan yung pag-uusap na yan" Pagpuputol ko sa usapan nila dahil nakaramdam ako ng bitterness.
"Tapos na yata yung flag ceremony, let's go." Aya sa amin ni Kath na kagagaling sa pinto para sumilip sa labas.
Inalalayan namin tumayo ang palpak na si Gina at sumunod na kay Kath sa pinto. Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa classroom.
**
BINABASA MO ANG
Every Ending Has A New Beginning
Romance"The worst part of my life is being betrayed by someone I trusted the most." Yan ang mga katagang binitiwan ni Cassy noong panahong sobra siyang nasaktan dahil sa kanyang nakaraan. Pero isang araw, may nagpatunay sa kanya na.. Every Ending Has A New...