Twenty One | Boracay Trip IV (JaKi Couple) |

136 18 3
                                    

JaKi. Jacob and Aki. <3

[ Aki's POV ]

Nakatitig si Ate sa salamin habang sinusuklay ang kanyang buhok. Kayayari lang kasi niyang mag shower.

"Ate, di ba kulay pink dati ang hair mo?" Biglang tanong ko.

"Yes, nung isang araw lang ako nagpakulay ulit ng itim."

Napatango ako.

"Sigurado ka bang si Jacob yung palagi mong iniiyakan noon? Ang yabang yabang Ate! Hindi dapat iniiyakan ang mga ganung klase ng lalaki!" Kunot noo kong sabi.

Bigla ko na naman tuloy naalala yung damuhong yun na nanakit sa pinsan ko! -___-

Narinig kong tumawa ng mahina si  Ate Kath, kaya nang tingnan siya ni Ate ay nagtakip siya ng kumot.

"Ah, hindi kasi ganyan dati si Jake, Aki eh. Ewan ko ba at anong pinakain sa kanya ng mga chinichicks niya." Paliwanag niya.

"Di pa din ba kayo okay?" Tanong ko.

Malungkot siyang umiling, "Hindi pa naman siya nakikipag usap sa akin." Dagdag pa nito.

Ano bang gagawin ko? Eh kung pag ayusin ko kaya sila?

Paano kung magkadevelopan sila ulit? Paano na yung feelings mo kay Jacob?

Wala lang tong feelings ko sa kanya. Nagwapuhan lang ako sa kanya noon. Oo, tama. I don't like him. Kaya pag aayusin ko sila ni Ate Cass.

~~

Kinabukasan..

Nagising ako dahil sa sobrang init. Nakapulupot kasi sa akin ang kumot. Nag inat ako at kinapa si Ate Cassy sa tabi ko. Ugali ko ng may niyayakap everytime na gigising ako sa umaga eh.

*Kapa*

*Kapa*

*Kapa*

D______O

Agad akong napabangon nang wala akong makapang kahit ano. Kahit si Ate Kath, wala na din dito.

Hinanap ko sila sa loob ng CR, pero wala ding tao.

I checked my phone kung may text siya, pero wala ni-isa! Shemay! Baka umuwi na yun! Huhu.

Kung sabagay, nakapunta naman ako ng mag isa dito eh. Umuwi pa kaya? Tss.

Tiningnan ko ang oras. 5:24 pa lang. ANG AGA NAMAN UMALIS NILA ATE! Huhu! :(

Nilapag ko ang cellphone ko sa may maliit na table sa tabi ng bed. May nalaglag na papel dun kaya pinulot ko.

Taglagas, namalengke lang kami saglit. Kanina pa kita ginigising, pero ang sarap pa ng tulog mo kaya hinayaan ka na lang namin.

PS: Naiwan din dyan si Jacob. Goodluck!

~ Cassy <3

Nailukot ko yung papel at inihagis matapos kong basahin ang sulat niya. YUNG TOTOO?! BAKIT SI JACOB PA?! -____-

~~

Naglalakad ako ngayon sa may dalampasigan habang umiinom ng paborito kong yakult. Ang ganda talaga dito kapag umaga. Ang gandang masdan ng araw habang unti-unting umaakyat.

"Hoy." Nilingon ko yung kumalbit sa akin.

Agad namang nagdilim ang paningin ko nang makita ko siya.

"May pangalan ako. Aki ang pangalan ko." Mataray kong sabi at umiirap pa.

Bumalik na lang ako sa paglalakad at itinuloy ang pag inom ko ng yakult.

Every Ending Has A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon