[ Cassy's ]
Kanina pa ako inis na inis sa pinag gagawa namin. Buhat dito, hagis doon. Sigaw dito, sayaw doon! ANAKNANG! I hate this. -__-
Huling practice na namin ngayon ng cheerleading. Dahil mamayang hapon, mag uumpisa na ang intramurals. By section muna ang labanan ngayon, dahil bukas at sa isang araw, by year lever na.
Naka-upo ako sa auditorium. Dito ko trip mag pahinga eh. Tahimik kasi dito. Walang katao-tao ngayon dahil busy silang lahat.
*BLAG!! BLAG!!*
Nagulat ako ng dalawang sunod na kalampog ang narinig ko sa may likod ng auditorium. Kasunod nito ang ingay ng mga paa, na kung hindi ako nagkakamali ay nagsisitakbuhan na paalis dito.
Sa kagustuhan ko ng tahimik baka tuluyan ng manahimik ang buhay ko. Harujuthko! Inosente po ako! T_T
"MAY TAO BA DYAN?!" Sigaw ko.
Bigla akong nataranta nang may narinig akong ungol ng lalaki. What the?! Baka naman may nagha-happy happy dito?! OMG! INOSENTE TALAGA AKO!
Aalis na sana ako dahil baka makasaksi pa ako ng di kanais nais ng..
"TULONG.."
Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa paligid.
"Nasaan ka?" Sagot ko sa taong hindi ko pa alam kung sino.
"Here. I am here.. help me.. please.." Kitang kita ang hirap at sakit na nararamdaman niya sa mga salita niya.
I followed where the voice comes from. Hanggang sa makarating ako sa pinakalikod ng auditorium. ANG DILIM!
"OUCH!" Sigaw ko ng mapatid ako sa isang.. SA ISANG PAA! Oo alam kong paa to dahil sapatos tong nakakapa ko ngayon!
"Anong nangyari? Hey! Who are you?" Nag aalala kong tanong habang kinakapa siya.
Lumuhod ako sa isang tabi. Kinuha ko ang ulo niya at ipinatong sa hita ko. Nakaramdam ako ng liquid galing sa mukha niya which I think is blood! Omayghad! Ano ba to! Takot ako sa dugo! Huhuhu!
"Hey wake up!" Pang gigising ko sa kanya. Parang wala siyang malay pero kanina nakapag salita pa siya.
Nakarinig ako ng kaluskos sa may gilid ko sa gawing kanan. Parang may tao ah. Nakatitig lang ako doon ng ilang minuto. Maya-maya ay naaninag ko ang isang lalaki na tumakbo patungo sa labas ng auditorium. Gusto ko sana siyang habulin kaso nakapatong sa hita ko ang ulo nitong taong hindi ko pa nga pala kilala.
Hindi ko na lang iyong pinansin at kinuha ko ang phone ko para gawing ilaw. Itinutok ko ang cellphone ko sa mukha ng lalaki.
"JASPHER?!" Gulat na gulat ako. Halos mapaiyak na ko sa pag aalala dahil sa dami ng dugo sa mukha niya.
"Jaspher, wait lang hihingi ako ng tulong." Natataranta kong sabi.
I dialed Ashley's number on my phone. Dalawang rings pa lang, nasagot na niya.
["Why?"]
"Ash, please follow me here sa likod ng auditorium. Emergency lang. Pakibilisan nyo. Mamaya ko na ipapaliwanag." Then I hunged up.
"Jaspher.." Nakaramdam ako ng mainit na likidong lumulusong sa pisngi ko habang nakatitig ako sa kanya.
**
"Girlfriend ka ba ng pasyente?" Napatayo kami ng nagsalita ang doktor na kalalabas lang galing sa kwarto kung nasaan si Jaspher. At bakit sa akin nakatingin tong doktor na to? Ako? Girlfriend? Tch. -_-
"Kaibigan po niya kami." Si Gina na ang sumagot. THANKS TO HER.
"He's okay now. Nagpapahinga na lang siya pero gigising na din siya mamaya. Mababaw lang ang mga sugat na natamo niya sa mukha. Pero meron siyang pilay sa kanyang kaliwang kamay." Paliwanag ng doktor. "Pwede na kayong pumasok sa loob, just call me when you needed. By the way, he needs to stay here for the night." Dagdag pa niya at nagpa alam na.
BINABASA MO ANG
Every Ending Has A New Beginning
Romance"The worst part of my life is being betrayed by someone I trusted the most." Yan ang mga katagang binitiwan ni Cassy noong panahong sobra siyang nasaktan dahil sa kanyang nakaraan. Pero isang araw, may nagpatunay sa kanya na.. Every Ending Has A New...