Cassy's POV
Nakatitig ako sa bintana ng sasakyan habang pinapanood ang pagtama dito ng ulan. Di ko maiwasang mapangiti kapag naaalala ko yung mga nangyari sa buong isang linggo namin sa Boracay.
Napatingin ako sa lukot na papel na hawak ko.
**
Not everything is meant to be, but everything is worth a try. Nice meeting you, Cassy. 'Til next time!
~ Bryle na pogi <3
**
Hanggang sa pag sulat ba naman ng letter, may kahanginan pa din siya? -_-
Napangiti na naman ako. Kung hindi dahil sa kanya, siguro hindi namin nagawang magtapat sa isa't-isa ni Jas. Bryle is one of the reasons why I confess. Mabuti na lang at nakilala ko siya.
Pagbalik namin ni Jaspher sa room namin nila Kath that night, wala na si Bryle. Itong letter na hawak ko na lang ang nakita ko.
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Jaspher na nagdadrive ngayon. Focus na focus siya at halatang ingat na ingat sa pagdadrive. Pa'no ba naman kasi, sobrang lakas ng ulan. Pauwi pa lang kami sa Manila ngayon.
"Coby.." Napatingin ako sa rareview mirror ng sasakyan nang marinig ang nagsalitang si Aki. Yes, kasabay namin sila a kotse. Apat kami dito and the rest were on Ashley's car. And trivia lang about JaKi couple, Aki prefers to call Jacob as 'COBY'.
"Why?" Pupungas-pungas na sagot ni Jacob kay Aki.
"Kanina ka pa tulog ng tulog. Magsalita ka naman. Di ako sanay eh."
"Matulog ka na lang din. Malayo pa tayo eh." Inaantok na sabi niya at hinila na si Aki para sumandal sa dibdib niya.
ANG SWEET! HAHA.
"What's with that smile?" Nagulat ako nang magsalita naman si Jaspher sa driver's seat.
"Ah.. Uh.. I'm just.. happy." Sagot ko at umiwas na ng tingin.
Simula nung umamin ako ng nararamdaman ko kay Jaspher, parang nahihiya na akong lumapit sa kanya at kausapin siya. Ganto ba talaga to? Di naman ako ganito kay Jake noon. Err. >////<
"I see." Sagot niya ng nakangiti pero sa daan pa din nakatingin. "Gutom ka na ba?"
"Hindi pa naman masyado." Sagot ko.
4am kami umalis sa Boracay. 9hours kasi ang byahe from Boracay to Manila kaya maaga kaming umalis. Siguro dadating kami dun mga 12 or 1pm na.
I checked the time on my wrist watch. It's already 11:13. Malapit na kong gutumin. -_- Pero kaya ko pa namang tiisin.
Ipinikit ko muna ang mga mata ko at hinayaang makatulog.
**
*BZZZZZT*
Halos mapapitlag ako nang maramdaman ang vibrate ng phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko to see na tumatawag si Kath sa akin.
Istorbo talaga. Natutulog ang tao eh. -_-
"Hello?" Pagsagot ko sa tawag ng may inaantok na boses.
[Kagigising mo lang noh? Hahaha.]
"Tumawag ka ba para inisin ako? Leche." Papatayin ko na sana ang tawag pero nagsalita pa ito.
[Kain daw muna tayo sa Secret Restaurant.]
"SECRET?! WTF is that restaurant?!"
[Seryoso. Secret yung name. Hahaha! Andito na kami. Iniintay na lang namin kayo.]
BINABASA MO ANG
Every Ending Has A New Beginning
Romance"The worst part of my life is being betrayed by someone I trusted the most." Yan ang mga katagang binitiwan ni Cassy noong panahong sobra siyang nasaktan dahil sa kanyang nakaraan. Pero isang araw, may nagpatunay sa kanya na.. Every Ending Has A New...